24

10.8K 314 10
                                    

[24:Savior]

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Last day na ng shooting namin.Last scene ko na rin 'to kaya kailangan kong galingan.

Napatingin ako sa cellphone ko at nakita ang message sakin ni Aushi.

-----
From Aushi:

Wife,sunduin kita pagkatapos ng trabaho mo.Kaunti nalang matatapos ko na rin trabaho ko.                    
-----

Napangiti ako habang nirereplayan sya ng 'okay,goodluck!'

Si Aushi ay di na sumama dahil marami daw talaga syang aasikasuhin sa kompanya pati na rin yung sa kasal namin.Tinanong ko sya kung pwede akong makatulong pero sabi nya tumulong nalang daw ako pag tapos na ang shooting dahil alam nya na busy rin ako.Aushi is the most considerable man i've ever met,minsan nga naiisip ko na hindi ko sya deserve.

Pero di naman ako papayag na mapunta sya sa iba 'no.Kami na talaga para sa isa't isa.Kahit hindi ako masyadong nagpapakita ng affection kay Aushi,alam ko sa sarili ko na mahal ko sya.

"Hala si Ate Alisha,bigla na naman ngumingiti!Iniisip mo si President Han 'no?"asar ni Lily sakin

"Ate Alisha,gawin mo naman akong bridesmaid sa kasal nyo.Gusto ko maranasan kung anong feeling pag umattend sa kasal ng isang president."dagdag pa ni Lily at napangiti naman ako

Kulit talaga ng batang 'to.

"Sure,basta di ka kasama sa reception."biro ko sakanya at napasimangot naman sya

"Yung pagkain nga yung habol ko e tapos di ako kasama sa reception?"nakangusong tanong nya

"Sige na,sasabihin ko kay Aushi.Tumayo ka na dyan dahil pupunta na tayo sa set!"wika ko at inilapag ang cellphone ko sa lamesa

Ang scene na gagawin ko ngayon ay tatayo ako sa isang bangin at dun  ako magpapaalam sa mga bida dahil magbabagong buhay na ako.

Pagdating ko sa set ay nakaayos na lahat ang ako nalang ang hinihintay.

"Sorry,nalate ako!"paumanhin ko sakanila

"Okay lang,sakto lang ang dating mo."ani ni Director Lee at ngumiti naman ako

Pumwesto na ako sa malapit sa bangin.Hindi naman siguro ako itutulak ni Anya dito dahil may mga camera na nagrerecord sakanya diba?Her career is what she treasured the most.

Napatingin ako sa bangin at ilang hakbang nalang ay pwede na akong mahulog mula sa ilang talampakan na lalim ng bangin.Para akong nasa bingit ng kamatayan,takot pa naman ako sa heights.

"Ready na guys?"tanong ni Director Lee at sabay sabay kaming tumango

"Ready...Action!"

"Aalis ka na?"pabibitaw ng linya ni Dustin at tumango naman ako

Tumingin muna ako sa malayo bago ibinalik ang tingin sa kanila.

"Oo.Humihingi ako ng tawad sa mga nakagawa kong kasalanan sa inyong dalawa.Pero ng---"

Napatigil ako sa pagsasalita ng maramdaman ko ang paggalaw ng lupa.

Landslides?!

"ALISHA,TAKBO!"

Tatakbo na sana ako palayo pero biglang gumuho ang inaapakan ko at naramdaman ko nalang ang mabilis na paghulog ko.Halos di na ako makasigaw dahil sa sobrang taas ng pagbabagsakan ko.

Napapikit nalang ako habang hinihintay ang pagbagsak ko sa lupa pero hindi lupa kundi mga kamay ang sumalo sakin.

Iminulat ko ang mata ko habang habol-habol ang hininga ko.

Napatingin ako sa tao sumalo sakin.Paano nya ako nasalo?

Lalaki ito at may suot syang mask at salamin kaya hindi ko makita ang kabuuan ng mukha nya.

Bumaba muna ako sa pagkakabuhat nya dahil ang awkward.Kahit nanginginig ang paa at kamay ko sa takot ay ngumiti ako sakanya.

"Thanks for saving my life!"sincere na pasasalamat ko at hinawakan ang kamay nya

Kung hindi dahil sakanya,bali-bali na ang buto ko ngayon at paniguradong may mababang tyansa na mabubuhay pa.

Akala ko talaga hindi ko na makikita si Alas at si Aushi.Akala ko hindi na ako makakadalo sa sarili kong kasal.

Napansin ko ang ilang sherds ng silencer na ginagamit sa mga bomba para hindi marinig ang pagputok nito.Nadadaganan yung ng mga batong nalaglag.

Ibig sabihin planado ang pagkalaglag ko?!

Napatingin ako sa lalaking sumagip sakin.Sobrang familiar ng postura nya.May nagtutulak sakin na malaman kung sino sya.

Napabitaw ako sa kamay nya at idinistansya ang sarili ko.

"Who are you?"tanong ko sakanya

Napasinghap ako ng tanggalin nya ang salamin at mask nya kasabay ng pagsilay ng ngisi sa labi nya.

"Your beloved husband can't even protect you at times like this.Looks like you still need me..."

Napaatras ako ng makita ang mukha nya.

"E-elijah?!"

***



President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now