19

11.4K 365 8
                                    

[19:Get Married]

-𝐀𝐥𝐚𝐬' 𝐏𝐨𝐯-

"Mommy,ang ganda ng sunset oh!"wika ko habang nakaturo sa sunset.

Nasa dagat kami ngayon.

"Nagtataka lang ako,bakit mo ako inaya dito?Di ka naman masyado mahilig sa dagat ah."nagtatakang tanong ni Mommy at napangiti nalang ako ng pilit.

Hindi pa rin kase sila nagkakaayos ni Daddy.Kaya gusto ko ulit tulungan si Daddy.Alam kong sinabi ko na hindi ko na sila tutulungan pero...sabi ni Daddy pag tinulungan ko sya,ibabalik nya sakin yung laptop ko.

Perfect ang isang ocean sunset sa isang romantic date.

"Mommy,manghuhuli lang ako ng crabs.Iiwan ko muna kayo!"paalam ko kay Mommy

"Wait,Alas b--"

Hindi na natapos ni Mommy ang sasabihin nya ng nakatakbo na ako.

Lumingon sakin si Daddy.Nagthumbs-up sa akin si Daddy at kumindat nalang ako.

Sana magkaayos na sila.Halata naman kase na may gusto sila sa isa't isa.Masyadong malakas ang tama ni Daddy kay Mommy.At hindi naman magseselos si Mommy kung wala syang gusto kay Daddy.

Hays,mga matatanda talaga.Ang hilig magsinungaling sa sarili nila.

-----

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

"Wife..."

Napalingon ako kay Aushi ng tawagin nya ako.

"Hm?"

"Nagseselos ka pa rin ba hanggang ngayon?"tanong nya at napakunot naman noo ko

Selos?Hindi 'no.

"I'm not jealous."sagot ko sakanya at narinig ko naman ang mahina nyang pagtawa

Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko at may tinuro.

"I prepare a romantic date on that place.Let's go!"wika at hinila ako

Romantic date sa tabing-dagat?

"Wait,paano si Alas?"tanong ko

"He's smart,hindi sya mawawala."sagot naman ni Aushi

Teka lang,magkasabwat na naman ba sila dito?

Pagdating namin sa sinasabi nyang 'romantic date' ay tumambad sakin ang maraming petals ng rosas at isang candlelight dinner.Napalunok ako ng makita ang mga nakahandang pagkain sa mesa.

Jusko akala ko fiesta sa sobrang dami.Hindi naman namin mauubos 'to.

Inisug nya ang bangko at pinaupo ako.Umupo naman sya sa bangko na katapat ko.

Walang sabi-sabi akong kumuha nalang ng pagkain at naglagay sa plato ko.Tamang-tama lang dahil kanina pa ako gutom.Nagningning ang mga mata ko ng matikman ko ang pagkain.

WAAAAAAHHH Ang sarap!

"Ako nagluto nyan!"nakangiting wika ni Aushi na para bang naghihintay ng papuri

Well,masarap naman.

"Talaga?Magaling ka naman pala magluto e."wika ko at lalong lumapad ang ngiti nya

Hinawakan nya ang kamay ko habang nakatingin sakin.

"Wife,why don't we just get married formally?"tanong ni Aushi

Natigilan ako sa tanong nya.Malapit na matapos yung 3 months ng marriage certificate namin.

Hindi na ako magsisinungaling sa sarili ko.Gusto ko si Aushi o baka nga mahal ko na sya.Pero hindi ko alam kung ito ang tamang panahon para magpakasal kami ng pormal.Lalo na't nagsususpetsya na si Anya na may relasyon ako kay Aushi.

"Give me a time to think.When everything's alright,we're going to get married again."nakangiting wika ko at nanlaki naman ang mata nya

Mukhang hindi iyon ang sagot na inaasahan nyang makuha sakin.

"S-sure!"nauutal pa na sagot nya.

Nakangiti syang tumayo at inilahad nya ang kamay nya sakin.

Saan na naman kami pupunta?

Inabot ko nalang ang kamay nya at dinala nya ako sa isang clear spot sa tabi ng dagat.

Madilim na ang paligid at nagsusulputan naang mga bituin.Ang ganda ng view.

Nagulat ako ng biglang lumitaw ang maraming fireworks sa langit.

Ang gandaaaaa!

Napatingin ako kay Aushi na nakangiti lang habang nakatitig sakin.

"Did you also prepare those fireworks?"nakangiti kong tanong at tumango naman sya

Nagkatitigan lang kami at hindi ko namamalayang nagkukusa ng maglapit ang mga mukha namin.Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko,handa na para sa mga susunod na mangyayari.

"Mommy,look!Andaming pagkain dito oh!"

Napatigil ako ng makita ko si Alas habang makaturo dun sa mesa.

Napahawak nalang sa noo si Aushi.

"Ba't ko pa kasi sinama yung bata na yan."bulong pa nya at natawa nalang ako ng mahina

Since he work hard for this date,should i give him some reward?

Hinintay ko munang tumalikod si Alas samin.Pagkatapos nun ay hinila ko ang damit ni Aushi at hinalikan sya sa labi.

Gulat na gulat sya sa ginawa ko at napangiti nalang ako.

"Thank you!"i mouthed.

Such an adorable husband.

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now