20

11.4K 373 12
                                    

[20:Wedding Anniversary Event]

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Napatingin ako sa sarili ko bago ko sinuklay ang buhok ko.I look good.

Tinawagan ako ni Dad kanina.Kailangan ko daw pumunta sa wedding anniversary event ni Anya at Brian mamaya.Well,halata naman na pakana na naman ni Anya 'to.Akala nya siguro maiinggit ako.

Naalala nya lang talaga ako pag may kailangan nya.Akala ko ba itinakwil nya na ako?

Sinuot ko na ang pinakasimpleng dress na nasa closet ko.

Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si Aushi at Alas sa living room.

"Wife,where are you going?"tanong agad ni Aushi sakin

"Tinawagan ako ni Dad,may event daw sa Arcena na kailangan ko daluhan.Iiwan ko muna sayo si Alas."sagot ko

"Gusto mo samahan na kita?"tanong nya ulit at umiling naman ako habang naglalakad papunta kay Alas.

Nakatutok na naman sa laptop nya at walang tigil sa kakapindot.

"Alas,aalis na ko.Wag kang magpasaway sa daddy mo,okay?"bilin ko kay Alas at napatingin naman sya sakin

"Yes,Mommy!"masiglang sigaw nya at hinalikan ako sa pisngi

Hays,ang sweet talaga ng baby ko.

"Ako ri--"bago pa man makapagsalita si Aushi ay tinakpan ko na ang bibig nya

"Late na ko,bye!"nakangiting wika ko habang mabilis na tumakbo palabas ng mansyon.

Sumakay na ako ng taxi papaunta sa dati kong bahay.Kung gagamitin ko kase yung mamahaling sasakyan ni Aushi baka magtaka sila kung saan yun galing e.

Pagdating ko sa event ay punong-puno ito ng mga makapangyarihang tao,magarbo ang mga palamuti.I already expected these grandious event since Anya was really spoiled by my Dad and stepmother.

Pagpasok ko palang ay sumalubong na sakin ang mukha ni Anya.

"Akala ko hindi ka pupunta."mapang-asar na wika nya

Ngumiti naman ako dahil sa sinabi nya.

"Bakit naman hindi?Inaya ako ni Dad at tsaka wala na akong pake sayo o kay Brian.Wala akong nakikitang dahilan para tumanggi."sagot ko sakanya

Hmpk,feeling maganda mukha namang espasol sa kapal ng make-up sa mukha.

Pero dapat palang mag-thank you ako kay Anya.Dahil kung hindi dahil sakanya di ko makikilala si Aushi at wala sigurong Alas.

"Di ako naniniwala!Nandito ka para guluhin ang anniversary namin!"sigaw nya sakin

If i knew,sya ang nakiusap kila Dad na imbitahan ako para mapahiya nya ako.Gamit na gamit na ang method na 'to e.Nakakaboring.

"Anya,anong nangyayari dito?"

Napalingon ako sa boses na pinanggalingan at nakita ko si Brian.Patakbo namang lumapit sakanya si Anya at umiyak ito.

"Babe,sabi ni Ate manggugulo daw sya dito e.Gusto ko lang naman magkalinawan na kami pero kung ano-anong masamang bagay pa ang sinabi nya sakin."humihikbing iyak ni Anya

Wala talagang kupas pagdating sa kaartehan ang babaeng 'to.

"Alisha,pwede ba?Matagal na tayong tapos.Wag mo na kami guluhin.Gusto lang naman ni Anya na magkaayos na kayong kapatid!"sigaw ni Brian

Ang kapal rin ng mukha ng isang 'to oh.Akala nya siguro mahal ko parin sya kahit niloko nya ako.Nakakatawa naman ang dalawang 'to.Bagay na bagay e.

"Grabe naman,nakikipag-ayos na nga.Walang awa."

"Oo nga e.Kawawa naman si Miss Anya!"

Bulungan ng mga tao sa paligid namin.Muntik ko nang makalimutang may tao nga pala sa paligid.

Ganyan pala ang gusto mo ha.Sige tingnan natin kung sino ang dapat makakuha ng Best Actress.

Magkukunwari akong hihingi ng tawad sakanya.Nung hinawakan ko ang kamay nya at sinadsayang itinulak ako kamay nya sa dibdib ko.Kusang rin ako nagpabagsak sa sahig.

Dun ko na pinagana ang acting skills ko.Lumuluha ako habang nakatingalang nakatingin sa dalawa.

"Little sister,alam kong ayaw mo sakin dahil naiinggit ka na ako ang tagapag-mana ng Arcena at naiinis ka sakin dahil ako ang ex ni Brian pero hindi mo naman ako kailangan itulak.Gusto ko na ngang humingi ng patawad e."humihikbing wika ko habang nakakaawang nakaupo sa sahig

Nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni Anya dahil sa sinabi ko.

"Pinakasalan nya yung ex ng ate nya?"

"Ang balita ko nga,niloko nila si Alisha.May tagong relasyon daw si Brian at Anya kahit sila pa ni Alisha!"

"Ang kakapal naman ng mukha nila."

Pinigilan kong ngumiti dahil sa mga bulong-bulungan na narinig ko.

Ano ngayon,Anya?Did you already taste your own medicine?

"Anong kaguluhan 'to,bakit kayo nagkukumpulan?!"

Napalingon kami ng hinawi ng stepmother ko ang mga tao at napakunot ang noo habang nakatingin sakin.

"Anong ginagawa ng walanghiyang babaeng 'to dito?!"sigaw nya at bigla namang sumulpot si Dad sa likuran nya

Magkasalubong ang kilay nito habang naglalakad papalapit sakin.Pagtutulungan na naman nila ako.

"Wala ka talagang ginawa kundi manggulo!Nakakahiya ka!Dito pa talaga sa event ng kapatid mo!"sigaw ni Dad at akmang sasampalin na ako ng may pumigil sa kamay nya

"I'm so disappointed,Mr.Arcena.This event is so unprofessional."

"P-president Han?"

Napalingon ako at nakita ko si Aushi habang matalim ang tingin sa pamilya ko.

Nagulat ako ng buhatin ako ni Aushi.Shete,anong ginagawa nya,maraming tao dito!

"Are you okay?"tanong nya sakin at tumango nalang ako

Paano ko sasabihin sakanya na hindi naman talaga ako nasaktan dahil sinasadya ko naman talaga yung pagkabagsak ko?

'Aushi,Issa Prank!'ganun?

"If you still dare to bully and hurt my wife.I'll make all of you homeless!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Aushi.Nalaglag ng ibang bisita ang baso nila at halata naman ang gulat sa mukha ng mga Arcena.

WHYYYYYY?!

WHY DID HE ANNOUNCE OUR RELATIONSHIP IN PUBLIC?!

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now