[22:What i want]
-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-
Ang weird ng buong araw ko ngayon sa shooting.Sobrang peaceful,walang Anya,walang Kleo.Tapos sobrang bait ng mga staff sakin.Nakangiti rin nila akong binabati.
"Lily,di mo ba napansin ang weird ng mga staff 'no?Anong nakain nila,parang bigla silang naging anghel?"tanong ko kay Lily at tumango naman sya
"Oo nga e.Tapos kanina yung lunch na binigay nila satin,galing sa 5-star restaurant!Samantalang dati,bento box lang.Tsaka yung make-up na nilagay sayo kanina,lahat branded!"kwento ni Lily
Nagbagong-buhay na ba ang mga staff namin?
Inayos na ni Lily ang mga gamit bago lumapit sa may pintuan.
"Ate Alisha mauuna na ako ha!"paalam ni Lily habang kumakaway sa may pinto
Ngumiti ako sakanya habang tumatango.Ibinaling ko na muna ang tingin sa cellphone ko at nag-iwan ng message kay Alas.
Narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto at ilang mga yabag.
"May naiwan ka ba,Lily?"tanong ko pero nanatili ang mata ko sa cellphone
Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad hanngang sa napaangat na ang tingin ko ng hawakan nya ang braso ko.
"Dustin?!Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sakanya
Hindi pa kase tapos shooting nila.Hindi nya ako sinagot ang nanatiling seryoso ang mukha.Nagulat ako ng bigla nyang tinapat sa mukha ko ang cellphone nya.
"Totoo bang asawa mo si President Han?!"nakunot noo nyang tanong at napatingin naman ako sa cellphone nya
'President Han's Wife,revealed!'
Nakalagay dun ang picture namin nung binuhat nya ako sa wedding anniversary event ni Anya at Brian.Hindi pa ba 'to nakikita ni Aushi?Ito ba dahilan kaya naging mala-anghel na naman ang mga staff?
Napatingin ako kay Dustin at dahan-dahang tumango.Napapikit lang sya dahil sa sagot ko.
"Sya rin ba ang tatay ni Alas?"tanong nya ulit at tumango ulit ako
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.Mahigpit to the point na naghahabol na ako ng hininga.Balak ba nyang patayin ako?
"I'm so happy for you!Sa wakas may tatay na si Alas at may mag-aalaga na sayo!"nakangiting wika nya at napangiti rin ako
Nakakahawa talaga ngiti ng isang 'to.
"Thank you!"sagot ko sakanya
Maraming nagsasabi na may gusto daw sakin si Dustin pero magkaibigan lang talaga kami.Meron na syang fiancee na ayaw nyang ipakilala sakin.Sadyang sweet lang talaga sya sakin at kay Alas dahil sya at si Kristy ang kasama ko nung pinagbubuntis ko si Alas.Kaya namimisunderstood nung iba.Lalo na pag ako ang ginagawa nyang dahilan pag i-rereject nya ang isang babae.
"DUSTIN!SAANG LUPALOP KA NA NAMAN NAGSUSUSUOT?!"nakarinig kami ng sigaw sa labas at napakamot nalang s ulo si Dustin.
"Kailangan ko na umalis,nag-uusok na namn ilong ni Director Lee!"biro nya bago patakbong lumabas ng dressing room ko
Tumawa nalang ako ng mahina bago kinuha ang bag ko at lumabas na rin sa dressing room ko.
-----
"Mommy!"
"Wife!"
Salubong sakin ni Alas at ni Aushi.Binigyan ko sila ng tig-iisang halik.
"Kumakain na kayo?"tanong ko sakanila ng makita ang nakahain sa lamesa.
"Kakain palang sana,saktong-sakto ang dating mo."wika ni Aushi at pinaupo ako
Ang daming pagkain sa lamesa at karamihan ay paborito kong pagkain.
"President Han,ito na po yung adobo!"anang ni Manang Liz habang inilalapag ang adobo sa lamesa
Amoy palang ang sarap na.Naglalaway na ako sa bango ng mga pagkain.
"Ako nagluto nyan!"sabat naman ni Aushi at napataas naman ang isang kilay ko
"Weh,talaga ba?"
"Naku,totoo yan Ma'am.Natatakot nga po ako na baka hindi na ako magkasweldo dahil halos lahat ng gagawin ko ay ginawa na ni President Han!"masiglang sagot ni Manang Liz at napangiti nalang ako
If he keep spoiling me,i'll get used to it.
Habang kumakain ay may naalala ako ng itanong kay Aushi.
"Aushi,nakita mo na ba yung balita tungkol satin?"tanong ko sakanya
Hanggang ngayon kase hindi parin nabubura yung article.
"Ha?hindi ko nakita e!"sagot nya sakin habang nagpapasipol-sipol
Bakit hindi nya nakita?E yun yung headlines sa karamihan ng dyaryo at balita sa tv ngayong araw e.
Napabaling ako kay Alas ng umiling-iling ito.
"Mommy,hindi pa ba obvious.Sinasadya nya yun,para malaman ng buong mundo na asawa ka nya.Pustahan tayo,binayaran nya yung kumuha ng picture at yung mga publisher na ipakalat yang balita!"wika ni Alas at napakunot naman ang noo ni Aushi
Kumuha sya ng pagkain at isinubo ito sa bibig ni Alas.
"Kung ayaw mo mapahiwalay sa pinakamamahal mong laptop.Wag mo na akong ilaglag!"wika ni Aushi at napatawa nalang ako
Ang cute talaga ng mag-amang 'to.
"Naisip ko lang kase na,ngayong alam na ng lahat.Papayag ka nang magpakasal sakin."paliwanag ni Aushi sakin
"Wow!Mommy,magpapakasal ulit kayo?"
The two we're looking at me with expectant eyes.
Kasal?Actually,napag-isipan ko na ang mga bagay na yan.At siguradong-sigurado na ako sa desisyon ko.
I don't want to wait 3 months anymore.I'll do what i want.
"Aushi,let's get married...again!"
***
YOU ARE READING
President's Wife, Don't Run Away!
RomanceDue to the influence of the aphrodisiac, Alisha had a one-night stand with Aushi Han. Now she's carrying the child of a President. Han Series #1