26

11.1K 315 7
                                    

[26:Before the Wedding]

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Ilang linggo na ang nakakalipas mula ng mabalitaan kung kinasuhan si Anya pati narin si Dad at stepmother ko.

Although,they deserve it.I can still feel some guilt.But it's their fault,gumawa sila ng masama.

Si Elijah naman,nabalitaan kung bumalik ulit sa ibang bansa dahil sa black market business nya.So i feel a little bit relieved.

Ilang linggo na ang nakakalipas at ilang araw nalang ay kasal na namin si Aushi.At kasalukuyan akong papunta ngayon sa opisina nya.

"Hi Mrs.Han!"

"Goodafternoon Mrs.Han!"

Nagulat ako ng batiin ako ng mga empleyado.Kahit lagi nila akong binabati tuwing nagpupunta ako dito ay di parin ako nasasanay.

Bukod sa nalaman na nang lahat na mag-asawa kami ni Aushi.Naging maganda rin ang response sakin ng mga tao dun sa teleserye.Kaya ngayon ay marami nang nag-aaya sakin maging main lead at isa na rin ako sa mga A-listed actress.

Ngumiti ako sakanila at tinuro nila ang pinto ng opisina ni Aushi.

"Nasa opisina po si President Han."sambit ng isang information officer at napatango naman ako

Naglakad na ako papunta dun at di na ako kumatok.Binuksan ko na agad ang pinto.

Napaangat agad sya ng tingin sakin at napangiti.

"Wife!"nakangiting tawag nya sakin

Lumapit ako sa tabi nya at tiningnan kung anong ginagawa nya.

"Wedding invitation?"

Tumango naman si Aushi at inilabas ang sandamakmak na iba pang wedding invitation.Jusko,naubos nya ba ang isang buong gubat?Ang dami nito ah.

"Hindi ko kase alam kung gaano karaming bisita ang gusto mo.Gusto mo bang kunti lang o maraming bisita?"tanong nya sakin at napaisip naman ako

"Si Dustin,Kristy,Lily at yung buong cast lang ang mabibigyan ko nyan e.Kung gusto mo,imbitahan mo na rin yung mga empleyado mo?Sayang naman kase yung invitation tsaka sobrang daming pagkain ang inorder mo para sa reception."suggestion ko at tumango naman sya

Nang matapos nya na ang mga ginagawa nya ay tumayo na sya.Balak kase namin sunduin si Alas sa school nya.Pagkatapos kase nun ita-try namin yung dress at suits.

Sumakay na kami ng kotse at nagdrive na sya papunta sa school.Malayo palang ay natatanaw ko ma si Alas na pirming naghihintay.Lumabas na kami ni Aushi sa kotse at nilapitan si Alas.

"Mommy!"sigaw ni Alas ng makita ako at agad yumakap sakin

"Daddy!"Sambit nya pa at yumakap rin kay Aushi.

Simula nung sinabi namin kay Alas na magpapakasal kami.Tinatawag nya na si Aushi na 'Daddy'.

Ewan ko lang pero sobrang cute nun para sakin.

"Akala ko po si Mang Kiko ang susundo sakin ngayon."dagdag pa ni Alas at napangiti nalang ako

"Susubukan kase natin yung suits na susuotin nyo ng daddy mo."sagot ko sakanya at napatango nalang sya

Pumasok kami lahat sa kotse at nagdrive na si Aushi pabalik sa mansyon.

Pagdating namin dun ay nakita ko na ang wedding gown at ang mga suits.

Halos kuminang narin ang mata ko dahil sa nakita ko.Muntik pang mapasukan ng langaw ang bibig ko dahil sa pagnganga.

"Susubukan na namin 'to ni Alas ha."wika ni Aushi habang nakaturo sa isang kwarto at nakangiti akong tumango

Lumapit naman sakin si Manang Liz at kinuha ang wedding dress sa stand.

"Tulungan ko na po kayo."pagvovolunteer nito

Pumasok na kami sa kwarto ko at sinubukan na ang wedding gown.Sobrang ganda nito at sobrang sakto ng sukat sakin.

Nagulat ako ng abutan ako ng kwintas ni Manang Liz.Tiningnan ko sya habang nagtataka.

"Bigay po yan ng nanay ni President Han.Suotin nyo daw po sa kasal nyo.Pamana pa daw po yan ng lola nya sakanya."wika ni Manang Liz at napanganga ako

"Talaga po?"tanong ko at tumango naman si Manang Liz

Tinulungan nya ako magsuot ng kwintas.Isang silver necklace iyon na ang pendant ay parang 'teardrop'.

"Mommy,tingnan mo na yung suot namin!"masayang sigaw ni Alas mula sa labas ng kwarto at parehas kami napangiti ni Manang Liz

"Okay lang po ba na makita ako ni Aushi na nakasuot ng wedding dress?Diba masama daw po yun sabi sa pamahiin,baka di daw po matuloy yung kasal?"tanong ko kay Manang Liz at umiling naman sya

Yun kase ang sabi sa pamahiin e.Bawal daw makita ng groom ang bride na nakasuot ng wedding dress kung hindi araw ng kasal dahil hindi daw ito matutuloy.

"Naku,sabi-sabi lang po yun.Hindi naman po yun magkakatotoo.Sa tingin nyo po ba hahayaan ni President Han na hindi matuloy ang kasal nyo?Sa tingin ko po ay hindi."komento ni Manang Liz at napangiti na ako

Binuksan ko na ang pinto at nakita si Alas at Aushi habang nakasuot ng suits.

Sa totoo lang magkamukhang-magkamukha talaga sila.

They're so good-looking!

"Mommy!"sigaw ni Alas

Tatakbo sana sya sakin pero nagulat ako ng ang yumakap sakin ay si Aushi.

"Wife,you're so beautiful..."bulong nya sakin at namula naman ang mukha ko

"You too,handsome as ever."bulong ko rin sakanya

Napatingin ako sa baba ng paghiwalayin kami ni Alas.

"Ako naman,Daddy!Sapaw ka lagi e."reklamo ni Alas at inilayo ako kay Aushi

Sinamaan nalang sya ng tingin ni Aushi.

"This little brat..."rinig ko pang bulong nya

***


President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now