8

13.3K 378 31
                                    

[8: Rule 6]

-𝐀𝐮𝐬𝐡𝐢'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

"President Han, nagreport na sakin si Lily. May isang assistant daw po na nagtangkang saktan si Ma'am Alisha gamit ang skin-burning chemical. Buti na nga lang po ay nahalata agad ni Ma'am Alisha kaya naiwasan niya. Anong gusto mo pong gawin sa assistant, President?" tanong ni Henry sakin

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ano namang motibo niya para gawin yun? Napag-utusan ba siya?"tanong ko sakaniya

The entertainment industry is as dirty as the business industry. Everybody is trying to be better than anybody. Di na ko magugulat kung napag-utusan lang ang assistant na yun.

"Pinaamin ko na po siya pero sabi niya walang nag-utos sakaniya. Malaki lang daw talaga ang galit niya kay Ma'am Alisha." sagot niya sakin

"Ipakulong mo yan, ngayon din."utos ko sakaniya at pinatay ang tawag

She dared to hurt my wife. Luckily, my wife is smart. I'm so proud.

Speaking of my wife, ilang oras na ako naghihintay kay Alisha na bumaba. Nakatulog na kaya siya dun?

Inilapag ko ang papeles na kailangan para bukas. Kay Drake ko nalang ipapagawa ang mga yan.

Tahimik akong umakyat sa hagdan at hinanap ang kwarto ni Alas.

Marahan kong kinabig ang doorknob at nadatnan ang mag-ina habang natutulog ng magkatabi.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Ganito pala yung feeling. I still couldn't grasp the fact that I am already a father. Sana talaga mas napabilis ang paghahanap ko sakanila. Sana mas sinubukan ko pa ang lahat para hanapin sila. Hindi sana naranasan ni Alisha lahat ng hirap at sakit na pinagdaan niya. Being a mother is already a tough job, pero kailangan niya pa magtrabaho para lang mabuhay sila ni Alas. She is really strong.

I promise, you're not gonna suffer any pain this time.

I carried Alisha and kissed my son's forehead.

"Goodnight, Alas. Sweetdreams." pabulong na wika ko

Babawiin ko lang yung kinuha mo sakin kanina.

Napatingin ako kay Alisha na mahimbing na natutulog sa kamay ko.

Masaya akong pumunta sa kwarto ko at inilapag sya sa kama.

I take off her shoes and cover her with blanket.

Pinatay ko na ang ilaw at tumabi sakanya.bHindi mapawi ang ngiti ko habang tinitingnan ko siya. She's finally here at my side. Hindi ko na siya kailangan hanapin pang muli dahil nasa tabi ko na siya. At hindi lang yun, dahil ngayon ay kasama niya pa ang anak namin.

"Goodnight, wifey..." I mumbled before I kissed her forehead and went to sleep.

------

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Napaunat ako ng mga kamay ko nang magising ako. Napasarap yata masyado yung tulog ko. Akala ko mamamahay ako pero hindi naman pala.

"AAAAHHH!" napasigaw ako ng makita si Aushi sa tabi ko

Half-naked. Kita ang six pack abs habang nakangiti sakin. Not gonna lie, that's a nice view.

"Masarap ba tulog mo? Malamang oo, sobrang higpit ng yakap mo sakin kagabi e." wika niya at nanlaki naman ang mga mata ko

Tumingin ako sa paligid at narealize na hindi ito yung kwarto ni Alas.

"Anong pinagsasabi mo dyan? Hindi naman ako dito natulog e! Si Alas ang katabi ko matulog sa pagkakatanda ko!" pagtanggi ko sakaniya at nagkibit balikat naman siya

"Malay ko, nagising nalang ako nakayakap ka na sakin. Baka nagsleep-walking ka tapos napadpad ka dito." wika niya

"Hindi ako nagssleep-walking 'no!" singhal ko sakaniya at lumabas na ako ng kwarto

May pasok ngayon si Alas at malapit na rin ako ma-late sa shooting.

"Alas, nakaligo ka na ba? Ihahatid na kita sa school--"

"Lady Alisha,kami na po ang bahala kay Young Master. Trabaho po namin na ihatid siya sa school niya."sabat ni Mang Kiko

Lady? Taray, para akong parte ng royal family ah.

Simula nung dumating kami dito parang gumaan yung mga ginagawa ko. May mga gumagawa na nung dapat kung asikasuhin. Di ko nga alam kung natutuwa ba ako o hindi. Kaso tuwing inaasikaso ko si Alas e parang magbononding na rin kami. Kaya ngayon kunti nalang ang oras na nakakapagkulitan kami.

Nakita ko si Alas na kumakain sa hapag at sinaluhan ko naman siya. Di nagtagal ay dumating na rin si Aushi para kumain.

"Alas, have some vegetables." wika ni Aushi at nilagyan ng gulay ang plato ni Alas

Di naman kasi mapili si Alas sa pagkain.

Kakain pa sana ako ng marami ng bigla akong mapatingin sa relo ko.

Oh sh*t! Malapit na akong mahuli sa shooting waaaahhhhh!

Patakbo akong pumunta sa banyo at nagbihis.

Paglabas ko ay bihis na rin si Alas. Ang gwapo ng baby ko!

"Alas, mauuna na akong umalis ha!" paalam ko sakaniya at hinalikan ko siya sa pisngi

"Mag-iingat ka Mommy. Pag may nambubully sayo sabihin mo lang. Lagot sila sakin!" sambit ni Alas at napatawa naman ako ng mahina

My little superhero.

"Sige na, babye!"

Lalabas na sana ako ng pinto ng biglang...

"Hep. Hep."

Hooray?

Napalingon ako kay Aushi na humabol sakin. Bakit na naman? Ano na naman kailangan mo sakin?

"What?" tanong ko sakaniya at itinuro niya naman ang labi niya

"Rule 6."

Rule 6? Andami kasi nitong alam e!Ano ba yung Rule 6? The wife should kiss her husband before she leaves the house to go to work?

"Hoy, Mr. Aushi Han tigilan mo ko. Tinabihan na kita sa pagtulog. Wag kang abusado." banta ko sakaniya at napasimangot naman siya tsaka ngumuso

Mas childish pa kaysa kay Alas. Parang nadagdagan pa ng isang baby yung aalagaan ko.

"Hmmp, fine. My wife is so bad. She doesn't obey the rules!" wika niya at napaikot nalang ang mata ko

Rules mo mukha mo! Gawa-gawa mo lang naman yun para maka-chansing ka.

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now