5

15K 437 5
                                    

[5:Welcome Home]

-Alisha's Pov-

Naghahabol ako ng hininga ko ng makarating ako sa shooting area. Kakahatid ko lang kay Alas sa kindergarten at patakbo pa akong pumunta dito dahil late na ako.

Hindi lang kasi basta teleserye ang ishoshooting namin. Bigtime kasi ang teleserye na 'to dahil mafefeature 'to sa national television.

Kahit hindi ako yung bida at supporting lang yung role ko ay kailangan ko pa rin galingan dahil baka may magbukas na maraming opportunities kung may makakakita sa potential ko.

"Alisha! Buti naman nandito ka na!Dumating na yung mga gaganap sa main lead at second lead. Nasa dressing room na sila!" wika ni Direct Lee at napatango naman ako

Napansin kong may kasama siyang maliit at cute na teenager na babae sa likuran nya.

"Ito nga pala si Lily, siya yung naka-assign na assistant sayo .Siya ang maghahandle ng schedule at mga scripts mo para maging organized." wika ni Director Lee at lumapit naman sakin yung cute na babae at nakipag-kamay sakin

"Nice to meet you!" nakangiting wika ko at ngumiti rin siya sakin

"Whaaa ang ganda ganda nyo po!" wika niya at bigla niyang tinakpan ang bibig niya na parang nagulat sa sinabi niya at natawa naman ako

"It's okay. Be comfortable with me. Pero sa ngayon pumasok na muna tayo sa dressing room para kitain yung ibang cast." wika ko at napatango naman siya at binuksan niya ang pinto ng dressing room.

Pagdating namin dun ay nakita ko si Chloe at Ricky na kaparehas ko na supporting role lang.Si Paulo na second lead role at si...Anya,ang main female lead.

Anya as in my great stepsister.She also takes the actress as her career and she's so famous now with the help of 'Arcena'. Kasama niya pa si Brian sa shooting at matama syang nakatingin habang nakangiti sakin. Nakatingin naman sakin ng masama si Anya.

She is also working her? Kakakita ko lang sakaniya sa presscon nung isa pang teleserye ah?

Kailangan ko sila batiin diba?Magsasalita na sana ako ng may bigla rin pumasok sa pinto.

"Sorry guys, I'm late!" napalingon ako sa lalaking nagsalita at nanlaki ang mata ko ng makita kong sino siya

"Dustin?/Ali?" magkapanabay naming wika

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya

"Ako yung main male lead dito e."sagot niya naman

Kung mamalasin ka nga naman oh. Naging katrabaho ko na nga si Anya pati ba naman 'tong pabigat na 'to.

"Magkakilala kayo?" tanong samin ni Paulo at napaayos naman ako ng sarili ko

"I don't know him/Ali is my friend." magkapanabay ulit naming wika at parehas kaming nagtinginan ng masama

Pagkatapos magpakilalahan ay isa-isang umalis ang mga cast para bigyan ako ng panahon mag-ayos ng sarili. Naramdaman ko pa ang matatalim na tingin ni Anya nung dinaanan niya ko.

Hindi ko nalang sya pinansin at dumiretso na sa isang makeup mirror tsaka sumunod naman sakin si Lily.

"Ate Alisha, close ba kayo ni Dustin?? Whaaaa pwede ba akong humingi ng autograph sakanya?" tanong ni Lily sakin at napatingin ako sakaniya

"Kay Dustin mo itanong, hindi naman kami close nun e." pagsisinungaling ko at napasimangot naman siya

"Sige na nga. Dyan ka lang Ate Alisha, naiwan ko pala sa labas yung make-up kit!" sigaw ni Lily at patakbong lumabas ng pinto.

Nagchat muna ako kay Alas habang hinihintay si Lily. Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang assistant ni Anya, hindi si Lily. May dala syang make-up kit habang naglalakad papalapit sakin.

"Miss Alisha, inihabilin po kayo sakin ni Lily. May family emergency daw po siya e." wika nito habang binubuksan ang make-up palette at nagmamadali nyang isinawsaw dun ang brush niya.

Napangiti naman ako dahil sa mga ikinikilos niya. Hindi siya masyadong magaling sa pag-arte. Si Anya talaga, walang pinagbago. Ang luma na kaya ng trick na 'to, nagamit niya na 'to sakin nung debut ko e.

Pagbukas niya pa lang ng make-up palette ay may kakaiba na akong naamoy. It's a smell of a chemical that can burn a skin.

Bago pa man dumapo ang brush niya sa mukha ko ay kinuha ko ang cellphone ko sa desk at pasimpleng tinabig ang tubig para matapon iyon sa make-up palette.

"Oh my god! I'm so sorry! Nabasa ko yung make-up palette mo!" I shouted while wearing my professional worried face

Hays, Anya. You never change. Still using your old tactics.

Do you really think that you can still fool me?

Lalong nataranta sa nangyari yung assistant ni Anya at nabitawan niya na ang brush na hawak niya.

"Uh l-lalabas na po muna ako, hinahanap na po yata ako ni Miss Anya!" kabado ang boses nito habang nililigpit ang makeup kit niya

Saktong paglabas niya ay ang pagpasok naman ni Lily dala ang makeup kit na sinasabi niya. Di ko nalang sinabi sakaniya ang nangyari at hinayaan nalang siyang gawin ang trabaho niya.

Lumipas ang ilang oras ay natapos na rin ang scene ko. Pasalamat nalang ako dahil di ko na nakatagpo masyado si Anya dahil nga mga main lead ay mas matagal pa sila bago makauwi.

Masakit ang paa ko habang naglalakad pauwi sa bahay. Bukod dun sa make-up ay wala na akong ibang naencounter na katangahan ni Anya.

Nagshooting lang kami ng minor scene pero sumakit na agad ang paa ko dahil ilang oras ako nakatayo habang naka-heels.

"Alas, Mommy is home!" sigaw ko pagpasok ng bahay

Wala si Alas sa living room at nakasarado lang ang laptop nito na nakapatong sa lamesa.

Aba, himala. Tulog na yata ang bata.

Pero naririnig ko ang tunog ng tilamsik ng mantika na nangagaling sa kusina.

"Mommy!"

Napangiti ako ng patakbo akong sinalubong ni Alas at niyakap ako ng mahigpit.

Natigilan ako ng marealize na may isang lalaking nakatayo sa kusina habang nakasuot ng apron at nagluluto.

Bakit siya nandito at bakit siya nagluluto sa pamamahay ko?!

"P-president Han?" nauutal ko pang wika at nakangiti siyang lumingon sakin bago niya pinatay ang kalan

Hinubad niya ang apron niya at bigla akong niyakap.

"Welcome home, wife!"

W-wife?!

Who in the hell is his 'wife'?!

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now