15

11.6K 337 11
                                    

[15:Feed me]

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Hinigpitan ko ang hawak sa lunch box bago ako kumatok sa pinto ng opisina ni Aushi.

Napalingon ako sa ibang empleyado na nagkukumpulan sa paligid ko.

Wala pang ilang segundo ay bumukas na agad ito.

"Wife!"masayang bati nya

Ngumiti lang ako sakanya at ipinakita ang lunchbox na dala ko.

"Omygosh,sya yung tumawag kay President Han kanina?"

"May asawa na si President Han?!"kahit bulong lang ay rinig ko ang pinag-uusapan nila

Napabuntong-hininga nalang ako at pumasok sa loob ng opisina ni Aushi.Inilapag ko sa coffee table ang lunch na binili ko.

"Sorry ha,wala na kasi akong time magluto kay bumili nalang ako."wika ko at umupo sa sofa at ganun rin sya

Inayos nya muna ang mga papeles sa table nya bago sya umupo sa tabi ko.

"It's okay."sagot nya habang binubuksan ang lunchbox

Well,i bought some plain rice,pork ribs and vegetable salad.

Binuksan ko na rin yung akin at nagsimula na kumain.

Napansin kong purk pork ribs lang ang kinakain ni Aushi.Ayaw nya ba nung salad?

"Aushi,eat some vegetables."wika ko at umiling naman sya

"I don't eat vegetables."

Same with Alas.Ayaw rin ni Alas sa gulay.Mag-ama talaga oh.

Sinamaan ko sya ng tingin at kinuha ko ang kutsara ko.Kumuha ako ng gulay sa salad nya at tinapat yun sakanya.

Ngumanga naman sya at sinubo ko sakanya yung salad.Hay naku,parang talagang si Alas.Kakain lang ng gulay pag susubuan.

"Subukan mong iluwa.Tutusukin kita ng tinidor!"banta ko sakanya at nilunok nya naman agad ito.

Good...

"Wife,feed me!"wika nya at tinuro ang pork ribs tsaka ngumanga

Hmpk,fine.Since i've been so busy this last few days.

Napangiti nalang ako habang sinusubuan sya.

Who would have thought that this scary president also have childish side.

"Day-off ko sa isang araw,kain tayo sa labas kasama si Alas.Namimiss ko na yung baby ko..."suhestiyon ko

Sigurado akong namimiss na rin ako ni Alas.Napatingin ako kay Aushi na malapad ang ngiti habang nakatingin sakin.

"Bakit?"tanong ko sakanya

Bakit ganun sya makatingin?Nakangiti syang umiling sakin.

"Wala lang.You just look so cute when you're speaking like a real wife."sagot nya sakin at natigilan naman ako

"R-real wife?"

"Yeah.At first you only care for Alas.Pero ngayon sinasama mo na ako sa mga plano mo.Wait...did you already fall inlove with me?"

Namula ang mukha ko dahil sa tanong nya.Tumayo ako at kinuha ang mga lunchbox.

"B-babalik na ako sa shooting area!"nakayukong wika ko at narinig ko naman ang mahina nyang pagtawa

"Rule 6.Kung hindi mo gagawin ako nalang gagawa."napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi nya

Eh kung sapakin kaya kita?Kalma Alisha,nandito ka para suyuin sya,okay?

"Sa cheeks lang ha!Wag kang abusado!"banta ko sakanya at tumango-tango naman sya

Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sakanya.Paglapit ko sakanya ay bigla syang lumingon at hinalikan ako sa labi.

Napatakip ako ng bibig dahil sa ginawa nya.Naramdaman ko na naman ang pagmumula ng mukha ko.

WAAAAAAHHHHH!Bakit di ko naisip na gagawin nya yun?!

"Bye wife~"nakangiting wika nya habang kumakaway

Bye wife mo,mukha mo!Bwisit ka,Aushi!

-------

Pagpasok ko palang sa gate ng shooting area ay sinalubong na agad ako ni Lily na hinihingal pa ng maabutan ko.

"Ate Alisha!S-si Kleo,nagwawala sa dressing room mo.Tinapon nya lahat ng gamit mo at hinahanap ka!"hinihingal na wika nya at napakunot naman ang noo ko

Nagwawala?Ano bang nangyayari?Parang hindi ko naman sya inaway ah?

Mabilis akong nakarating sa dressing room ko at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang basag na salamin at makeup pati na rin ang nakakalat na mga wardrobes.

"Kleo,anong nangyayari dito?"tanong ko sakanya

Nung napatingin sya sakin ay tsaka ko lang napansin na umiiyak sya.

"B*tch!It's all your fault!Dustin rejected me because of you!"sigaw nya sakin habang dinuduro ako

Dustin!Ipinasok mo na naman ako sa isang gulo!

"Dustin and I,were just friends."kalmadong sagot ko

Galit syang lumapit sakin.Akala ko ay sasaktan nya ako pero tiningnan nya lang ako ng masama.

"Friends?Liar,you seduce him!Layuan mo si Dustin!Hindi ka bagay sa kanya!Kung meron mang bagay sakanya,ako yun!"sigaw nya bago padabog na lumabas ng pinto

First,it was Anya and now it's Kleo.

What's with that tantrums?Parang bata na inagawan ng lollipop e.

Di ko naman kasalanan na ipinanganak akong mas maganda kaysa sa inyo.

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now