21

10.9K 335 18
                                    

[21:Final Warning]

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

"President Han,nagkakamali po kayo tinutulungan ko lang tumayo si Alisha."palusot ni Dad

Jusko,ang tanga nung dahilan.Kitang-kita naman na sasampalin nya sana ako e.

Bumaling ako kay Aushi at binulungan ko sya sa tenga.

"Ibaba mo na ako.Sinasadya ko lang talaga yung pagkabagsak ko."

Ngumiti sya sakin at bumulong rin.

"Alam ko,sinasabayan ko lang yung pag-arte mo."

Tsaka nya ako ibinaba at inalalayan tumayo.Obvious ba na umaarte lang ako o sadyang matalino lang talaga si Aushi kaya napansin nya yun.

"P-pumasok tayo sa lounge,may cold compress dun para makatulong sa paa ni Alisha!"wika ng stepmother ko habang nakaturo sa isang kwarto.

Halatang iniiwasan nilang mapahiya sa harapan ng mga bisita nila kaya gusto nila kami papasukin sa private room.

Tumango nalang si Aushi at tumungo na kami sa lounge.Sumabay rin samin si Dad,ang stepmother at ang stepsister ko.

"Brian,maiwan ka dito sa labas.Entertain the visitors!"utos ng stepmother ko kay Brian

Nahuli ko pa nagkatinginan ang stepmother ko at si Anya.Sige,tignan natin kung anong katangahan na naman ang pinaplano nyo.

Marahan akong pinaupo ni Aushi sa sofa at itinaas sa footrest ang isang paa ko bago nya nilagyan ito ng cold compress.

"Wife,were you hurt somewhere else?"tanong sakin ni Aushi at umiling naman ako

Magaling rin umarte 'to si Aushi,pwede na mag-artista.

"Alisha,hindi man lamang namin nabalitaan na ikinasal ka na.Hindi man lamang kami nainvite."wika ni Dad

Paano nyo mababalitaan e tinatago nya namin.Tsaka wala naman kayong pake sakin bakit kailangan pa kayong imbitahin?

"Hindi pa ginaganap ang kasal dahil pinaghahandaan pa namin ang kasal.I want her to have the most beautiful wedding.But we're already married by law."sagot ni Aushi at natahimik naman sila

Ramdam ko ang aura ni Anya na tahimik lamang sa isang tabi.Paniguradong nilalait nya na ako sa isip nya at sinasabi na hindi kami bagay ni Aushi.

Matapos ang ilang minuto ay tinanggal na ni Aushi ang cold compress.

"Okay na ako,hindi na masakit."wika ko at tumayo na

Inalalayan naman agad ako ni Aushi.

"Aalis na kami..."paalam ko sakanila pero biglang humarang sa dinadaanan namin ang stepmother ko

Ano na naman bang pakulo 'to?

"Uhm...gusto ka sanang makausap ng Dad mo.Alam mo naman matagal ka nawala kaya namiss ka namin."wika ng stepmother ko at binigyang ng makahulugang tingin si Dad.

"Mag-usap tayo sa study room.President Han,pahiram po muna kay Alisha.At ikaw naman Anya,maiwan ka dito!"wika ni Dad habang hinihila ako papasok sa study room kasama ang stepmother ko.

Oh,i know what they're doing.They want to create opportunities for Anya and Aushi?

But it's okay though.I trust Aushi.

Umupo si Dad sa shivel chair at nag-iba na ang hitsura.Kung kanino ay maamo ngayon ay bumalik na sa dati.

"Tell your husband to invest in our company."wika nya

Tss,i knew it.Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit ayaw ko malaman nila.Dahil magiging isang 'bargaining chip' na naman ako.Sasamantalahin lang nila yung kapangyarihan at pera ni Aushi.

"Our company?Sa pagkakaalam ko itinakwil nyo na ako.Tapos ngayong nalaman nyo na asawa ko si Aushi biglang kapamilya nyo na ulit ako?"tanong ko sakanila at binagsak ng stepmother ko ang kamay nya sa lamesa.

"Sumusobra ka na,Alisha!Wag mong kalimutang kami ang nagpakain,nagbihis at nagpaaral sayo!"sigaw sakin ng stepmother ko

Napangisi ako dahil sa sinabi nya.Sa pagkakaalam ko kase yung iniwang pera sakin ng nanay ko ang nagpakain,nagbihis at nagpaaral sakin.And after all i still have the 10% share of the company so i basically raised myself.

Ako pa ang pinagmukhang masama,ang kapal ng pagmumukha.

-------

-𝐀𝐧𝐲𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

How?!How can that C-listed actress have this high quality husband?!He's even better than Brian,1000 times!

Kaya pala ang tapang-tapang nya dahil sobrang yaman ng backer nya.Kung alam ko lang,siguro ibinenta nya na naman ang katawan nya para makuha si President Han.

Di sila bagay!Ang lalaking kagaya ni President Han,ay bagay sa isang sikat at magandang katulad ko.

Napatingin ako kay President Han nakatingin lang sa cellphone nya habang nakaupo sa sofa katapat ko.Ah he's so handsome!

Lumipat ako ng upuan at tumabi sakanya.

Kung si Brian nga naagaw ko,si President Han pa kaya.Lalo na ngayong sikat na sikat na ako.Paniguradong maaakit rin sya.Tsaka as long na wala pa silang anak hindi ako mahihirapang paghiwalayin sila.

"President Han,gusto mo ba ng kape or juice?"tanong ko at kumapit sa braso nya habang pilit na dinidikit ang katawan ko sakanya

Boys like it when girls are clingy.

Nagulat ako ng bigla syang tumayo kaya napabitaw ako ng kapit sakanya.

"I know what you were trying to do.Stop playing tricks on me.Alam ko lahat ng ginawa mo kay Alisha during the shooting.Hindi lang kita pinakikialaman dahil kapatid ka nya.But don't go too far,even if you throw yourself on my bed,i'll never cheat on my wife."

Napakuyom ang nanginginig kong kamay habang pinakikinggan ang sinasabi nya.

What's so good about that b*tch!Anong ginawa nya para mukha si President Han?!

"Niloloko ka lang ng kapatid ko!She slept with someone six years ago!Nagbabait-baitan lang sya pero marami talga syang masamang binabalak.Pineperahan ka lang nya!"sigaw ko pero ngumiti lang sya

Kahit nakangiti sya ay nakaramdam ako ng kilabot dahil sa talim ng mga mata nya.

"I know my wife,better than you do.At kahit ilang masasamang salita pa ang sabihin mo sakanya,you will never be as good as your sister.This is my final warning...if you hurt her,then be ready to say goodbye to your career and to your family's company."

Di pwede 'to!Bakit di gumana yung plano ko?!It was all her fault!Alisha,that b*tch!

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now