Chapter 7

1 1 0
                                        

Second Scholar

It's been one week since Kenzo shouted at me. Sa loob nang dalawang araw, hindi kami ni minsang nagkita. Nagpapasalamat na rin ako dahil nahihiya akong magpakita sa kanya. Ina-amin ko, nasaktan ako nang sinigawan niya ako. Pero aminado naman akong kasalanan ko 'yon. Pero kasi... Nakakahiyang magpakita sa kanya. Feel ko nung sigawan niya ako. Doon ko talagang na feel ang agwat sa amin.

"So, birthday mo na bukas! Anong kulay ang susuotin mo?" biglang sulpot ni Bry at tumabi sa akin sa bleacher.

Nanonood ako sa praktis ni Cad. Walang pasok kaya maraming time.

"Ewan ko, pero... Purple." sagot ko at batok ang inabot ko sa kanya.

"Ewan mo? Pero purple? Ako ba inaano mo?" sabi niya at kinuha ang piattos sa bag niya. Ang galante naman nitong baklang 'to! Ang laki nang piattos eh! "Nagtanong ako kay sister tungkol diyan sa scholarship na binigay sa'yo."

"Oh? Ano naman?" bigla na namang nag sink in sa akin ang nangyari ng gabing 'yon. Nung sinigawan ako ni Kenzo.

"Let's go." iyon lang ang sinabi niya matapos niya akong sigawan sa harap ng mga empleyado niya. Sumunod nalang ako sa kanya. Binuksan niya ang pintoan ng sasakyan niya kaya sumakay na ako.

Habang nasa byahe tahimik kami. Walang kibo. Hindi ko pa rin lubos makuha ang nangyari. Ano bang nangyari? Nakatanaw lang sa bintana habang nag-iisip. Ano ba talagang nangyari? Paano niya ako sinigawan? Paano niya iyon ginawa? Bakit niya ako sinigawan?

At tuluyang nag sink in sa akin ang rason kung bakit niya ako sinigawan! My gosh! Nahihiya ako! Tinawag niya talaga ang lahat ng mga empleyado! Tapos hindi pa ako nagpaalam! And the worse is! Hindi pa ako agad nagpakita!

Napasinghap ako at umayos nang pagkakaupo. Napansin kong malapit na kami sa kanto ng bahay namin.

"Dito nalang." sambit ko.

Unti-unting humina ang takbo ng kotse kaya, naghintay nalang akong i-unlock niya ang pintoan sa side ko. Matapos marinig ang lock, binuksan ko ang pintoan nang walang lingon-lingon sa kanya. Nahihiya pa rin ako!

"Hey! Wait! I'll make it up to you." iyon ang huling narinig ko sa kanya at dali-dali na akong tumakbo sa bahay. Habang naglalakad papunta sa bahay ay unti-unting tumulo ang luha ko. For the first time. Nasigawan ako. I know my mistake. I know it's my fault. Pero masakit pala pag nasigawan ka na ano?

Dali-dali akong nagpunas ng luha nang nakitang malapit na ang bahay namin.

"Hoy!" nagbalik ako sa ulirat nang gulatin ako ni Bry. "Kanina ka pa! Hindi mo na namalayang naubos mo ang piattos ko! Grabe ka lumamon!" tinignan ko ang sinabi niyang piattos. Seryoso? Ako ang nakaubos?

"Oh? Uuto-uto ka na naman?!" nagulat ako ng may nambatok sa akin. Buwisit! Ano bang problema nila? Ba't sila nambabatok?
"Kakabuwisit! Wala pa akong mahanap na susuotin ko bukas!" sabi ni Cad habang punom-puno ang bibig niya nang piattos. Ahhh siya pala ang nakaubos.

"Kailangan ka talagang mamoblema tukmol! Kasi ikaw ang last dance niyang si Marel!" sambit naman ni Bry. Kasama namin sila Mea, ewan ko kung nasaan na sila, siguro bumili ng kikiam sa labas.

"Dapat ba purple din 'yong color ng damit ko? Marel?"

"Wag na! Itim nalang or di kaya puti." sagot ko at sinimot ang piattos.

"Tara! Uwi na tayo! May praktis pa tayo sa cotillon ni Marel!"

Naunang bumaba sa amin si Cad sa bleachers para kunin ang bag niya sa loob nang banyo. Habang pababa kami ni Bry sa bleachers naalala ko ang sinabi niya tungkol sa scholarship ko.

Buried Past (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon