CHAPTER 2: GUWAPO
"Hoy! Gaga! Nakatulala ka diyan?" nabalik lang ako sa huwisyo ng yugyogin ako ni Bry sa balikat. "Anong nangyari sa..." napatigil si Bry nang tignan niya ang tinitignan ko. At bigla nalang nanlaki ang kanyang mga mata at napaawang ang bibig.
'Kabuwisit 'tong baklang 'to! Inigawan ako ng moment!"
"Bry! Tayo na!" narinig ko ang pagsigaw ni Caden di kalayuan sa amin.
"Hoy! Bry, tayo na daw." binulungan ko siya dahil di mawala-wala ang tingin niya sa lalaking kaharap namin. "H-hoy! Dali na!" kinaladkad ko nalang siya dahil mukhang wala pa siyang balak umalis 'don. Nakakahiya.
"Anong nangyari diyan? Parang nakakita ng multo? May ginawa ka diyan?" umiling lang ako sa tanong ni Caden sa akin. "Hinalikan mo 'to 'no?"
"Buwisit! Bakit naman ako manghahalik ng bakla?! Nakakarami ka na ah?!" sinapak sapak ko s'ya sa balikat at braso niya, kaya lang mukhang ako 'yong nasasaktan. Ang tigas ng braso niya.
"Kung Gusto mo, dagdagan ko pa eh." dali-dali siyang tumakbo at umakyat na sa bleachers. Talagang ngayong araw kapag hindi na ako makakapagpigil, sasakalin ko talaga ang lalaking 'yun.
"Buwisit talaga!" bulong ko nalang sa sarili ko.
NAKAUPO na kami sa pinakamataas na bench at hinihintay nalang namin ang laro na magsimula. At kanina pa tili nang tili si Bry dito sa tabi ko. Nakakarindi, ang ingay ingay niya!
"OH! MY! GOD! NAPAKAHOT TALAGA NIYA!" kilig na kilig pa ang bakla. At kanina niya pa pinapaulit ulit ang linyang 'yan. Minsan kinukwento niya kina Mea ang nangyari kanina.
At ang tatlong boys naman sa gilid ko ay may ibang mundo. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga player ng basketball na maglalaro ngayon. Paminsan-minsan inaasar ako nitong katabi kong kumag na si Caden. Kagaya ngayon.
"Nang momolestiya ka na nang bakla ngayon ah? Ibang klase ka na ngayon." sinusundot-sundot niya pa ang pisngi ko habang nang-aasar. Gusto ko na talaga siyang tadyakan. Gusto ko ng may sarili akong mundo dito ng mag-isa pero, hindi ibinibigay ng lalaking 'to.
Aaminin ko, hindi ko talaga makalimutan ang lalaking 'yon kanina. Ang lakas kasi ng awra niya. Alam mo 'yong parating palang siya pero ramdam mo na 'yong presensiya niya. Parang may kakaiba sa kanya eh. Parang... Alam mo 'yon---errrrr!!! Basta!May iba sa kanya.
"Kanina ka pa tulala ah? Nakokonsensiya ka sa ginawa mo kay Bry 'no?" at heto na naman siya.
Huminga ako ng napakalalim at nilingon ko siya nang may kasamang masamang tingin. "Puwedeng pasampal? Kahit isang beses lang. Kanina ka pa eh." inirapan ko nalang siya at bumaba ng bleachers. Gusto kong uminom ng malamig na tubig. Pero wala akong dalang pera. Manghihingi nalang ako kay Kuya Drei.
Naramdaman kong sumunod ang asungot kaya nilingon ko siya. Paglingon ko ay nakita kong kagat niya ang pang-ibabang labi niya at nagpapaawa ang mukha niya. Buwisit 'tong lalaking 'to! Ang cute! Nahahabag tuloy ako sa kanya. "Oh! Halina! Sampal na. Pikon ka talaga eh." tumagilid ang mukha niya para masampal ko siya pero hindi ko ginawa. Kinurot ko nalang ang pisngi niya para makaganti ako. Kahit parati niya akong inaasar, mahal ko naman ang boy bestfriend ko 'no!
"Ang cute ng BB ko. Ayieee! Cute daw sya!"Ngi-ngiti na 'yan kapag pinuri ko na siya. Ganyan siya karupok eh.
"Matagal na. Sa'n ka ba pupunta? Nagalit ka ba?" yumakap na sa akin si Gago. Pero ayos lang, para siya na lang ang hihingan ko ng pera, pambili ng tubig.
"Tara, bilhan mo ko ng tubig. Gusto ko 'yong malamig. Nauuhaw ako. Ang init eh." pumunta na kami sa labas ng court at bumili ng mineral water sa isang tindahan.
BINABASA MO ANG
Buried Past (On Going)
RomanceMarianna Eleanor Legazpi is the purest heart woman who always believe that love will wait until she will able to succeed. A woman who will always willing to help just to give a new life for her patient, a doctor always wearing smile in front of the...
