Prank
"Congratulations! You are six weeks pregnant!" walang masidlan ang tuwa ko nang sambitin iyon nang doktor na komunsulta sa akin. Paulit-ulit ang tingin ko sa aking tiyan at sa doktor na napakaganda nang ngiti sa akin.
Nagpapasalamat akong ako lang ang nandito at wala si Kenzo sa tabi ko. Gusto ko kasing sorpresahin siya kahit alam kong alam na niya ang totoo. At dahil wala siya sa dito sa tabi ko, malaya akong ipahayag ang gusto kong maramdaman sa harap nang doktor.
"At dahil nasa first trimester ka palang, I suggest to you misis na mag-ingat. Base sa sinabi mo, medyo masilan ang pagbubuntis mo, one of the reason siguro ay dahil sa stress sa studies mo and of course this is you're first pregnancy."
Nakatingin lang ako sa aking doktor habang nagsusulat nang kung ano sa irereseta sa akin.
"Kagaya nang ibang buntis, I suggest to you na ilayo ang sarili sa mga nakakastress na bagay. Iwasan mo rin ang pagtakbo at kung ano-ano pang makakapagpahamak kay baby. Matulog ka rin nang maaga and mas mabuting tumigil ka muna sa pag-aaral. You must watch from time to time, kagaya nga nang sinabi ko, maselan ang pagbubuntis mo."
Natatakot man sa mga sinasabi nang doktor, hindi pa rin mawala ang excitement sa magiging anak namin ni Kenzo.
"Uhmm, doc, paano po kapag wala ang daddy? Uhm, busy kasi sya, can I have your number para tawagan kita kung may kailangan ako?"
"Of course. No problem." nakita ko siyang binuksan ang isang drawer malapit sa upuan niya at may kinuha roong isang maliit na papel. "This is my personal number. Ayokong sa reception ka tatawag. Baka mapagalitan ako ni Boss Fred." mahina syang tumawa habang inaabot sa akin ang papel na may numero niya.
"Thank you po rito, doc." I give him my sweet smile and bid my goodbye.
Naglalakad ako papunta sa kinaroroonan ni Kenzo nang mapag-isip ko ang dahilan nang pagiging maselan.
Masyado nga talagang naging hectic ang studies ko. Naeexcite kase akong makagraduate. Isang taon nalang at ga-graduate na talaga ako.
Pero ngayong kailangan ko palang maging maingat dahil sa baby, kailangan kong mag-drop next sem.
"What happened?" natigil ako sa paglalakad at nakita ko si Kenzo na nakatayo sa harap ko. "You're spacing out while walking. Anong sinabi nang doctor?"
Naramdaman ko ang pagpulot nang kanyang kamay sa aking bewang kaya napabuntong hininga ako.
"Maselan daw ang pagbubuntis ko. Pero sabi naman niya, malalagpasan ko 'to kung susundin ko lahat nang payo niya." ipinakita ko sa kaniya ang resetang ibinigay nang doktor. "Kailangan kong mag-drop sa eskwela dahil kailangan."
"Of course, you need to rest. Is this all?" tumango ako at ngumiti sa kanya. Dahil sa nakaramdam ako nang antok. Inaya ko na syang umuwi para makatulog ako.
Kenzo lead me to his car. Nakapark iyon sa likod nang hospital. Being a stockholder of this hospital, kailangan masecure ang safety nila. Iba ang parking sa mga patients and visitors, iba rin ang parking sa mga doctors at mga bosses.
Habang naglalakad kami, pansin ko ang ingat na ingat niyang paghawak at pag-alalay sa akin. Gusto kong matawa sa mga kilos niya pero at the same time naiiyak.
I thought he will disregard our child. I thought he never loves me. But my trust always win, at nagpapasalamat ako doon. Kung hindi dahil sa sobrang tiwala ko sa kanya, siguro nawasak na ang relasyon namin dahil lang sa maling akala.
"Dad, told me they want to see you tonight. Medyo nabigla sila noong nasabi ko ang balita, but I know, Mom would be so happy."
Tinignan ko siya habang nagmamaneho. Nanatiling nasa harap ang tingin niya at nasa manibela sa mga kamay. Pero ramdam kong kanina pa sya pasulyap-sulyap sa akin.

BINABASA MO ANG
Buried Past (On Going)
RomanceMarianna Eleanor Legazpi is the purest heart woman who always believe that love will wait until she will able to succeed. A woman who will always willing to help just to give a new life for her patient, a doctor always wearing smile in front of the...