Chapter 8

0 1 0
                                        

A perfect day

This is my day. Sa buong taong nag-exist ako, heto ang birthday na inaabangan ko. I love having dance with my father. At ang isiping I am already 18 years existing in this world makes me proud so much.

Habang naririnig ang MC sa loob para ipakilala ako. I always looking everywhere hindi pa kasi siya dumadating.

My birthday held only in our house. Nasa garden ang mga bisita na nasa bandang likod nang bahay namin. At nandito ako sa likod ng pintoan papuntang garden wearing my purple ball gown. Natawa ako sa isipin na para akong isang bride na papasok sa simbahan. Ang kaibahan nga lang my groom will be my side once we walk to the aisle.

"Shet! Nakakaba naman 'tong debut na 'to!" bulong ko nang hindi ko na makaya ang panginginig sa kamay ko. Gusto ko nang kausap para man lang mawala 'yong kaba ko, pero ang buwisit na Cad ay hindi pa dumadating.

Ako nalang mag-isa dito sa loob nang bahay kaya nagulat ako nang may biglang sumitsit sa likod ko.

"Pst! Hoy! Multo ako! Matakot ka! Awoooo!!" pinanlakihan ko nang mga mata si Cad na palapit sa akin at umaarteng parang zombie. Nilapitan ko siya at dinala sa tabi ko.

"Alam mo namang kinakabahan ako! Bakit ang tagal mo pang dumating!" sabi ko at nanginginig na nilagay ang kamay ko sa braso niya.

"Bakit? Ayaw mong makapartner si Bry? Dapat talaga ako? Kasi ang guwapo at cute ko?" nagpose pa sya na poging-pogi sa sarili.

Nginiwian ko siya at hinampas sa balikat.

"Baliw! Kinakabahan ako kasi ikaw kasama ko dito! At isa pa!.." tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "pogi natin ah?"

Nakasuot kasi siya nang tuxedo. May tie pang nalalaman. Inasar-asar ko sya hanggang sa nabigla kami nang buksan ang pintoan. Inilagay niya ang kamay ko sa braso niya at nagsimulang maglakad papunta sa mini stage na ginawa nang mga pinsan ko.

Nakakaba naman pala 'tong debut.

"Ang ganda mo ngayon ah? Palibhasa suot mo 'yong kwentas na binigay ko." kinurot ko si Cad matapos niyang sabihin iyon habang naglalakad. Naramdaman ko napakislot siya sa ginawa ko. Kapal nang mukha niya! Akala mo naman kung sinong guwapo!

"Pasalamat ka kaarawan ko ngayon. Kundi gagawin kitang isa sa mga halaman ni Mama." sambit ko na nanatiling nakangiti at nakatingin sa mga bisita ko.

In all fairness, hindi masyadong marami ang bisita ko. Kasi naman, pista ng simbahan namin ngayon. Kaya medyo busy.

"A round of applause to our debutant and her partner. Marianna Eleanor Legazpi and Caden del Real." sunod-sunod na palakpak ang narinig namin nang i-anunsyo iyon nang MC.

Nagsimula ang party sa cotillon na ginawa nila Bry at nang ibang kabarkada ko. Si Cad ay biglang nawala at nakita ko siyang lumabas nang gate. Hah! Akala niya hindi ko siya makikitang may kasamang babae? Iyon yong babaeng kulay pula ang buhok at nakamotor sa eskwelahan. Siya siguro si Arrianna. Ang long time crush ni Cad na muntik nang maging girlfriend niya.

Sumunod ang 18 roses. Si papa ang naunang sumayaw sa akin sunod ang isa kong kuya, at sumunod si kuya Drei na nakasimangot. Nginitian ko siya at tinusok-tusok ang pisngi niya.

"Smile naman diyan bro!" unti-unti siyang ngumiti at hinalikan ako sa pisngi. Nagulat nalang ako nang magtawanan ang mga tao. Nakita pala nilang umiiyak si kuya.

"Wala na yong prinsesa ko. Iiwan mo na kami. Nag-18 kalang tapos iiwan mo na kami? Sino nalang kaasaran ko dito sa bahay?" tinawanan ko si kuya dahil sa kadramahan niya. Ang OA naman nito! Lilipat lang naman ako nang school hindi naman ako maglalayas.

Buried Past (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon