Chapter 16

0 0 0
                                    

It's a prank



Natapos ang birthday ni Cad na walang lungkot ang nafeel naming magbabarkada. Bawat kuwentuhan at bangayan ay nauuwi sa tawanan o kantahan. Naibalik namin iyong mga panahong nasa high school kami at papetiks-petiks lang sa amin ang lahat. Ngayong nasa kanya-kanya na kaming buhay college, masasabi kong worth it ang isang gabi naming pagtitipon.

"Hoy Rel! Maghugas ka daw nang plato! Kanina ka pa cellphone nang cellphone diyan! Wala kang ginagawang kundi umupo diyan!" inis kong ibinaling ang masamang tingin sa kapatid kung salita nang salita na wala akong ginagawa, eh wala lang din naman siyang ginagawa kundi mag ML buong araw!

"Wow! Nagsalita ang may ginawa." bulong ko dahil mahirap na kapag narinig niya ako. Bugbog na naman ako at baka pagdating nila Mama at Papa madatnan nilang nakabaliktad lahat nang gamit dito sa bahay.

Dahil sa totoo naman talagang wala akong magawa dito sa bahay kundi mag cellphone at manuod nang video sa tiktok. Kumilos nalang ako at pumunta na sa lababo para maghugas.

Kung makareklamo 'tong si Kuya Drei na may hugasin, akala mo naman abot hanggang kisame ang dami. Eh mas madami pa nga labahin ko dito!

Habang nagsasabon nang mga plato. Naisipan kung mag-imagine. What if kasambahay ako? Tapos may gusto 'yong amo ko sa akin? Tapos pupuntahan niya ako sa kusina para kulitin, tapos madadatnan kami nang Mama niya kaya aalipinin ako doon sa bahay. At dahil pagod na ako sa pang-aalipin. Aalis ako doon at malalaman kung buntis pala ako tapos ang ama ay 'yung anak nang amo ko. Eh dahil takot nga ako sa Mama niya itanago ko 'yung anak namin at lumaki na sa akin—

"Imagine na naman?! Basa kasi nang basa nang wattpad! Ayan!" napatalon ako at muntik nang mabasag ang bowl na sinasabunan ko nang biglang lumitaw si Cad sa tabi ko at umiinom nang tubig!

Ahhhh!!! Dagdag hugasin na naman!

"Hugasan mo 'yan ah?!" irita kung sigaw kay Cad na muntik nang mabilaukan dahil sa sinabi ko.

"Grabe ka naman! Umiinom yong tao tapos ganyan sasabihin mo?! Pag ikaw pumunta sa bahay hindi kita piinomin nang tubig!" pahablot niyang kinuha ang sponge sa kamay ko at sinabunan ang basong ininuman niya kanina. Naghugas ako nang kamay sa gripo at umalis.

"Ikaw na magtuloy niyan." tumatawa ako habang pabalik sa kuwarto para kunin ang phone kong hindi naoff ang data! Shet! Sayang 'yung battery!

"Marel! Tapusin mo 'to!" dinig kong sigaw ni Cad mula sa kusina kaya in-off ko muna ang mobile data sa cellphone ko bago bumaba at tatapusin na sana ang hugasin nang makitang nagpupunas na si Cad sa mga plato.

Aww so sweet nang Caddy-baby ko.

"Ehhh!!! Kaya mahal kita bebe Cad!" lumapit ako sa kanya at inagaw ang tela para punasan ang natitirang plato. Akala ko talaga ako pa ang maghuhugas. Sa bagay, last na lang naman yung bowl na sinasabunan ko kanina, banlaw lang naman ang kailangan 'non.

"Aalis ako, sama ka?" napatingin ako kay Cad nang bigla niya iyong sambitin. Minsan lang 'to nag-aaya! Kaya it's a miracle!

"Saan naman?" nagtataka ko paring tanong habang nilalagay sa lagayan nang plato ang hinugasan namin.

"Sa CR, tatae." humagalpak siya nang tawa bago tumakbo palabas nang kusina.

Buwisit talaga 'yon! Alam ko na talagang walang kuwenta mga sasabihin niya kaya wala na akong aasahan noong sinabi niya 'yung isasama niya ako! Pisti talaga!

Padabog kung sinirado ang pintoan nang kusina at dumiretso sa terrace. Nakita ko si kuya Drei na kausap ang mokong. May pinag-uusapan sila tungkol sa mga motor. Hindi naman ako makarelate. Marunong nga akong magmotor hindi naman ako maalam sa mga motor motor na 'yan.

Buried Past (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon