Chapter 15

1 0 0
                                        

Wish

Tatlong araw nalang at kaarawan na ni Cad. May tatlong araw nalang rin ako para mag-isip ako nang ireregalo ko sa kanya. Palibhasa kasi ngayon lang ako magreregalo sa kanya. Siyempre magde-debut na siya kaya kailangan ko nang maggasta sa kanya. Noong mga nakaraang mga kaarawan niya kasi para daw sa kanya kahit presence ko lang okay na. Pero ngayong debut niya na, hindi ko na hahayaang presence ko lang ang iregalo ko sa kanya.

"Hay! Ano ba talaga ang puwedeng iregalo, Kenzo?" patingin-tingin ako sa mga damit na nakasuot sa mga mannequin habang hawak ko ang cellphone dahil tumatawag ako kay Kenzo. Kailangan ko nang tulong niya para sa bagay nato. "Ang dami na nang damit 'non! Ayaw niya naman nang pabango! Kase daw stick to one lang siya 'don sa perfume niya! Eh ang mahal 'non!"

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa mall. At kahit na isa wala akong makitang bagay na maipangreregalo sa kanya. Ewan ko ba sa sarili ko, siguro wala akong magustuhan na maipangregalo sa kanya o pinipilit ko lang talaga ang sarili kong magregalo sa kanya. Hay, ewan.

"Ano nga? Ang budget ko ay two five lang o mga tatlong libo. Kasama na don 'yong gift wrapper. Asan ka na kasi?" para akong tanga dito na magtatawag habang namimili nang damit.

"You can choose the best thing you think. You know, the value of the gift is important not the price..." eh sa pagkain ang naisip kong value na gift para kay Cad eh. "I'm at the parking lot, meet me at the food park."

Nang sabihin niya iyon ay dali-dali na akong pumunta sa food park area. Alam kong wala siyang takas kapag hihingan ko siya nang pagkain. Mapipilitan siyang bilhan ako nang pagkain doon. Kanina pa kasi ako nagugutom eh. Mahigit tatlong oras pa naman akong naglalakad.

Pagkarating ko sa food park area ay naamoy ko na ang mga pagkaing nagpagutom pa sa akin nang lalo. Susko! Nasaan ka na ba Kenzo?! Nagugutom na ako! Kaya habang naghihintay ay nag-order nalang ako nang pagkain. Pero kahit na ubos ko na iyon ay wala pa rin si Kenzo.

Asan ka na?

Tinext ko na sya sa pag-aalala ko. Kalahating oras na rin nang sinabi niyang magkikita na kami dito. Sa pagkakaalam ko, mas malapit 'tong food park sa may parking lot nang mall keysa sa mismong entrance, kaya nagtataka ako kung bakot ang tagal niya?

At dahil wala pa siya ay naglakad-lakad nalang ako uli. Gusto ko sanang memorable 'yong i-regalo ko sa kanya. Hindi man sobrang mahal pero mahal ko naman siya.

Papasok ako sa isang botique nang may maagaw nang pansin ko. Isa iyong white shirt na ang design ay parang may scarf. Kulay yellow iyong printed scarf sa t-shirt at sa ibaba 'non ay may nakalagay na C.d.R coincidence ba 'to or ano pero nakalagay talaga 'yong initial ni Cad.

"Suwerte nang lintik!" bulong ko sa sarili at mabilis pinuntahan iyong t-shirt. Baka may kumuha pa nang iba eh.

Pagkatapos kong bilhin iyon ay sinabayan ko na rin nang gift wrapper pala wala na akong po-problemahin.

Miyerkoles ang kaarawan niya kaya gabi na kami makapagcelebrate. Syempre kakontsaba ko mga barkada namin, para happy.

Nagwi-window shopping nalang ako para may silbi naman pagpunta ko dito. Ang layo pa naman nito.

I was continuing what I do when someone put his hands in my eyes. Muntik pa akong madapa lintek!

"Ano ba?!" inis kong tinignan ang jowa kong ubod nang guwapo pero pawis na pawis?

May aircon naman ah? Bakit pawis na pawis 'to?

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?"

"Ah, hard to find some space at the parking."

Buried Past (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon