Suyo
Hindi nawala ang tingin ko sa kanya. Sinusundan ko ang bawat galaw niya, saan man sya pupunta o kung sino ang kausap niya.
Ito pala ang dahilan niya kaya hindi niya ako nasundo ah? O may iba pa? Ayaw kong mag-isip agad-agad. Pero sa ginawa niya ngayon, talagang nabasag na niya ang buong tiwala ko sa kanya.
Napatingin ako sa kamay na nasa harapan ko. May plastic cup na may lamang tatlong kwek-kwek. Sinundan ko brasong naglahad at nakita ang kaibigan kung umiinom nang buko juice habang ang tingin ay na sa stage.
"Kumain ka." walang gana niyang sabi at pinagdul-dulan sa aking mukha ang plastic cup nang kwek-kwek. "Hindi ka kumain kanina. Kumain ka man pero maliit lang. Kaya ayan! Ubusin mo 'yan. Mainit pa."
Unti-unti kong tinanggap ang nakalahad na kwek-kwek at inamoy iyon. Maraming suka at pipino. Napangiti ako nang tama nga ang hinala ko. Nagdagdag siguro sya nang bayad para madamihan iyong pipino.
"Salamat ulit." mahina ang boses ko habang binibigkas ang mga salitang iyon. Kanina pa ako nanghihina matapos hindi niya ako siputin. Tapos nadagdagan ang inis at lungkot ko nang madatnan siya dito.
"Alam ko na kung bakit gusto niyang sa kanya ka sasabay." napahinto ako sa pagbabalak kong pagsubo nang magsalita sya. "Plano na niyang hindi ka siputin kaya sinabi niyang sasamahan ka niya." nangunot ang noo ko nang mapagtanto ang sinabi niya. Sinisiraan niya ba si Kenzo? "Akala niya siguro pagkatapos mo kong tanggihan ay uuwi agad ako. Pero hindi niya inaasahang nanatili ako sa bahay niyo at dinala ka pa rin dito."
Lumayo ako nang kaunti sa kanya at tinitigan siya nang mabuti. Ngunit imbes na sitahin ang paglayo ko sa kanya ay nanatili pa rin ang kanyang tingin sa harap. Walang kakurap-kurap at seryoso siyang nakatitig doon.
"At isa lang ang ibig sabihin 'non..." my breath stop when he trailed off those words. Tinitigan ko siya nang nagtataka at hindi makapaniwala. Paano niya 'to masasabi? How can he judge Kenzo in front of me. "Ayaw ka niyang pumunta dito." sa wakas ay hinarap niya ako. Nandoon pa rin ang lungkot at seryoso sa mukha niya.
"Paano mo naman 'yan masasabi? Huh? Sinabihan ka ba niya?" naiirita kong sumbat habang nanlilisik ang mga mata. "Nasabihan ka ba niya? Alam mo ba lahat nang plano niya? Kilala mo ba sya?"
Umiling-iling siya at yumuko.
"Pero bakit mo siya hinuhusgahan?!" galit kong sigaw na nakaagaw sa atensiyon nang iba.
"Marel... Sorry."
Unti-unti akong umatras at pailing-iling na umalis doon. Pumunta ako sa bandang may bench na malapit sa christmas tree. Kung kanina ay malabong hindi ako makikita ni Kenzo, ngayon na ma'y alam kong makikita niya ako dito.
Pinatuloy ko ang pagkain nang kwek-kwek at napagtanto ang ginawa sa kay Cad.
Powtek! Nasigawan ko talaga s'ya? Paano 'yun nangyari?
Nakatulala ako at nakakunot noo habang iniisip ang ginawa ko kay Cad. Nasigawan ko siya? Yung lalaking sumalo sa lungkot at galit ko? Sinigawan ko? Ha! Ano ba ako? Wala ba akong utang na loob?
Wala sa sariling pinunasan ko ang pisnging may tumulong luha. Letse naman kase eh! Bakit ba kase niya ako pinaasa? Puwede niya naman akong sabihang wag nalang akong pupunta. Susundin ko naman sya kahit na ayaw ko. Pero bakit niya pa ako pinaasa?
"Let's welcome! A round of applause for aou royal couple for tonight! Mr. Frederick Kenzo Bartolome and Ms. Kristina Laurel!"
Nagpantig ang tenga ko sa aking narinig. Mabilis na napadako ang tingin ko sa harap kung saan nandoon ang nakatayong dalawang tao na kumakaway sa mga tao. And did I hear it? Royal couple? Sila? Couple?
BINABASA MO ANG
Buried Past (On Going)
RomanceMarianna Eleanor Legazpi is the purest heart woman who always believe that love will wait until she will able to succeed. A woman who will always willing to help just to give a new life for her patient, a doctor always wearing smile in front of the...