Chapter 4: Fiesta ng Kabisera
"Oh? Iniisip mo diyan?" napalingon ako sa nagsalita at nakita si Cad na nakaupo sa kaharap nang inuupuan kong bench.
"May... Problema ako." sagot ko at napayukong muli.
"Ano ba 'yon?" tanong niya na parang naiinis kaya tinignan ko ulit siya.
"Wala~ kaya ko na 'to"
"Sige na, sabihin mo na."
"Ayoko nga eh, hindi mo nga ako tutulungan sa bagay na 'to."
"Ano nga sabi 'yon, di mo sure baka matulungan kita."
Napabuntong hininga nalang ako. Ang kulit niya, alam ko namang hindi niya talaga ako tutulungan sa bagay na 'to. Ilang beses ko nang hiningi 'to sa kanya.
"Sige na, sabihin mo na." ulit niya kaya napatayo ako at tumalikod para ipakita sa kanya 'yong problema ko. "Ay! Oo nga hindi nga kita matutulungan, sige, bye!"
Napanguso na lang ako kasi alam kong ganyan ang gagawin niya... Pero...
"Haaayyys! Bakit ba kaibigan kita?! Halika nga!" bumalik siya at may dala nang jacket para panakip sa palda kong may tagos.
"SINO pala 'yong naghatid sa'yo kagabi?" tanong niya matapos akong tulungan magpalit nang mga bagay na dapat ay hindi gawain nang mga lalaki. "Ang ganda nang sasakyan ah?"
"Ah, 'yong anak nang mga Bartolome."
"Sino? Si... Kenzo?" parang nagdududang tanong niya.
Tinangoan ko lang siya kasi wala ako sa mood magsalita. Gutom ako. Gusto kong kumain nang maraming pagkain.
"Libre mo ko babe..." wag ka! Pacute ko 'yan sa kanya! Kailangan ko pa siyang babuyin para mawala 'yong pagakakuripot niya.
"Drop the babe. Ang baboy mo pakinggan!" nandidiri niyang sabi saka naunang maglakad.
"Luvs na Luvs kita bebeko!" sigaw ko na dahilan nang paglingon ng mga tao sa may hallway. Hehe! Pero nginitian ko lang sila. Haha! Bakit ba! Naglalambing lang sa bebeko!
SUMAPIT ang hapon at wala namang masyadong nangyari, except sa batok ni Cad dahil 'don sa pagsigaw ko sa may hallway. And the rest is peace naman. Hindi na naman ako natagusan. Habang naglalakad pauwi nang mag-isa, dahil nagpa-praktis sila Cad sa basketball tournament ng mga Senior High School student sa next month after ng exam for first sem, kaya wala akong kasama habang naglalakad. Gusto ko sanang sumabay sa isa naming kapitbahay, pero ayokong maging third wheel at saka nakakasuka 'yong mga sweet words na naririnig ko sa kanila ng jowa niya. Para akong lalagnatin dahil sa kanilang dalawa. Mas mabuti pa 'yong ganito, mag-isa, walang kausap, at walang sayang nang laway. Hehe!
Yeah when my world is falling apart
And there's no light
To break up the dark that's when I~
I, I'll look at you...When the waves are flooding the shore
And I can't find my way home anymore
That's when I, I,
I'll look at you...Alam ko namang hindi masamang kumanta kahit na hindi kagandahan 'yong boses mo, at alam ko rin na masama ang manira sa isang tao, Pero... Grabe naman 'tong isang 'to! Naglalakad siya at hindi lang siya 'yong tao! Kung gusto niyang umulan wag niya kaming idamay! Magkakantang may suot na headset sa tenga, tapos naglalakad pa sa gilid ng daan... At saka, hindi pa kagandahan 'yong boses, pumipiyok piyok pa sa may high notes. Nabubully tuloy siya nang mga nakarinig sa kanya. Lalo na ako! Laitera ako eh!
Habang tumatawa dahil sa narinig kanina. Hindi ko namalayang nakabunggo ako ng sasakyan sa tapat nang bahay namin. Teka?!
BAHAY NAMIN?! SA TAPAT?! TAPOS?! NAKAPARADA?! ANO 'TO?!

BINABASA MO ANG
Buried Past (On Going)
RomanceMarianna Eleanor Legazpi is the purest heart woman who always believe that love will wait until she will able to succeed. A woman who will always willing to help just to give a new life for her patient, a doctor always wearing smile in front of the...