Chapter 13

0 0 0
                                        

Secretes

"I'm sorry if I'm gonna be busy this next week. May aasikasuhin lang talaga ako. You know. Papa wants to run again this coming election. And we want to be ready for that day." tumango-tango ako sa sinabi ni Kenzo habang kumakain nang ice cream dito sa loob nang sasakyan niya.

Pauwi na kami galing mall nang maisipan kong bumili nang cornetto na nakita ko sa isang tarp na nasalubong pauwi. Buti nalang at nakakita agad ako nang convenience store malapit sa mall, nakakapagod na kasing pumasok ulit sa mall.

"And beside, you'll be busy that week too. Di ba pasok niyo na 'yan?" tumango-tango ulit ako sabay pahid nang kalat sa bibig ko. Bakit ba? Bata lang ba ang marunong magkalat?

"Ah... Oo. Buti nga ngayon pa lang november pasukan eh. Nadelayed." sambit ko at nagpunas na nang kamay pagkatapos kong kumain. "Haay! Pahirapan na naman! Nakakainis! Sana hindi ko maging teacher 'yong istrikta! Wala pa naman patawad 'yon." naisip ko na naman 'yung istrikta naming teacher sa isang major subject. Grabe! Hindi pa naman siya matanda, actualy nasa early thirties pa lang siya pero ang sungit niya literal! Kahit stress na stress ka na dinadagdagan pa rin ang project na ginagawa.

"Calm down. Your admins give you all a long sembreak. I thought you're ready? You told me you're always on study whenever you said to me you're busy?" pasulyap-sulyap siya sa akin habang nagda-drive. Akala niya siguro hindi ko siya pakikinggan kasi nakatuon 'yong atensiyon ko sa phone ko.

"Hmm.. Oo. Kaso, iba pa rin 'yong harap-harapan kang may matututunan di 'ba? Keysa sa mga self study mo or research." actualy, hindi talaga ako 'palaging' nagsa-study, minsan lang pag may time. Kasi naman! Nakakatamad kayang magbasa nang magbasa nang english!

He just chuckle to my response at kinurot ang ilong ko. I connet my phone to his car stereo para naman may maingay. Hindi kasi ako madaldal na pagkatao. Kaya habang nagba-biyahe sinasabayan ko nalang nang pagkanta.

"I like me better when I'm with you...
I like me better when I'm with you...
I knew from the first time, I'd stay for a long time cause
I like me better when,
I like me better when I'm with you..."

Pagsabay ko sa kanta at sumayaw nang sumapit ang beat break.

"Ay! Oo nga pala Kenzo! Malapit na rin ang birthday ni Cad! Gusto ko siyang sorpresahin kaso baka magalit na naman ang gf 'non kaya bibili nalang ako nang regalo." ngumuso ako at nanliit ang mga mata habang nag-iisip nang maaring i-regalo kay Cad. "Sa susunod ko nalang iisipin 'yon, total may dalawang linggo pa naman." bulong ko sa sarili at nag pokus nalang sa kinakanta ko.

*****

"Hoy! Babae! Kumusta na?! Hindi ka na tumatawag sa amin porket may jowa ka na?!" sigaw ni Bry nang sagutin ko ang tawag niya. Natawa ako sa sinabi niya at inilayo ang phone sa tenga nang narinig kong tumili siya. Totoo naman kasi, sa mahigit dalawang taon ngayon lang kami nagkatawagan ulit, nasa ibang syudad kasi sila nag-aral. Medyo na busy sa buhay college life kaya ngayon lang nagkaoras.

"Ayos naman. Stay Strong kami ni Kenzo. Hanap ka na rin nang babae mo diyan para may maikama ka naman." natatawa kong sabi at inilayo ulit sa tenga ang phone nang tumili na naman siya. Ano ba 'to siya!

"Girl! Tumawag ako kasi hindi matutuloy 'yong party natin this coming christmas! Pero itutuloy natin ang reunion! Pero sa birthday nga lang ni Cad." tumamlay ang boses ni Bry kaya alam kong napilitan lang din siya sa ano mang rason nang pagtigil sa party namin.

"Ayos lang! Ano ka ba! Pero kailangan nating magkita this coming december sa birthday ni Cad! Alam mo na! Sisingilin ko 'yong mga utang ninyo na hindi niyo pa nababayaran!" I joked. Actualy, ako pa talaga 'yong may utang sa kanila.

Buried Past (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon