Prologue

10 2 0
                                        

"Good evening doc, nice dress."

"Thank you Ma'am."

It's a busy night for me. Bati doon, bati dito. Hindi ko na alam kung kailan ako uupo o uupo pa ba ako. Kaliwa't kanang bati kung saan man ako maglalakad-lakad. Lalabas na sana ako para puntahan ang lobby ng nakita ko ang isa sa mga kaibigan ko.

"A beautiful dress for a beautiful woman." nginitian ko lang siya ng pagkalapad lapad bago lapitan at yakapin. "Handang-handa nang maging asawa ah?"

"Hindi naman, nagsasanay pa." sabay kaming natawa sa sinabi ko. "Oh, by the way, where's Paul? Hindi mo yata sya kasama?" nilingon lingon ko ang loob ng hall para hanapin ang hinahanap ko. Pero wala akong nakita. "Nag-away kayo?"

"Nope, kumuha lang ng pagkain sa buffet."

"Ohh, akala ko nag-away naman kayo." tumawa ako at natigil ng may sumabay sa pagtawa ko.

"Can I join?" sambit nang nasa likod ko. At paglingon, ko dali-dali ko syang niyakap. Elna, one of my bestfriend. "Miss na miss mo ko, ah?"

"Of course, sino naman ang makakalimot sa kaibigan kong parating nanlilibre?" sabay sabay kaming tatlong humagalpak ng tawa. "Puwedeng spa naman ang ilibre mo sa susunod?"

"Nakakarami ka na Marel, ah? Una 'yang suot mong gown ako pa mismo ang gumawa at nagdesign, tapos libre pa? Ngayon spa na naman ang gusto mong ilibre ko sa'yo? Aba! Para saan pa't may trabaho ka? Kung parating nagpapalibre ka?"

Binibiro ko lang naman sya, pero bakit kung makaasta sya parang mauubusan na siya ng pera? Bakit? Naghihirap na ba siya?

"Binibiro ka lang ni Marel, Elna. Bakit ang OA mo?" tumaas ang perpektong kilay ni Nika. As I trace her face down to her body talagang malaki ang ipinagbago ng mga kaibigan ko.

Elna has her intimidating eyes but chinita. Pointed nose and a perfect shaped face, fair skin, thin lips and long straight hair. She wore a long yellow green gown and a slit in the left leg. Sa aming tatlo sya ang mas warfreak. Hindi kontento kung hindi makakapaghiganti. Palibhasa laking mayaman, kaya walang bagay ang hindi nakukuha.

While, Nika has this curved lips and cat eyes. Morena skin, pointed nose too, mas matangkad siya sa amin ng isang dangkal ni Elna. Her shoulder length curly hair looks fit to her slim body. Mahihintulad ko ang ganda niya kay Catriona Gray.

"O sige, ako nalang ang manlilibre ng spa this weekend, pambayad sa gown na ginawa mo para sa'kin." sabi ko na nagpasaya sa kanila.

Ang suot ko ang katulad lang din ng kay Elna, except sa color at sequins.

"Sabi mo yan, ah?" sambit ni Nika na kumuha ng wine sa waiter na dumaan. "Baka magdadahilan ka na naman ng 'busy' ngayong weekend?"

"Oo nga, paasa ka pa naman." sambit rin ni Elna sabay inom ng wine na kinuha niya rin sa waiter kanina.

"Medyo, maluwag ang schedule ko ngayong sabado at linggo. Makakasama ako sa pa-spa sa inyo." uminom na rin ako sa wine na hawak ko.

"Maiwan ko muna kayo, Mom and Dad already here."bumeso-beso pa muna si Elna sa amin bago umalis para puntahan ang mga magulang niya na dumalo rin sa ginawa naming paparty ni Lucas.

"Hahanapin ko na rin si Paul. And by the way you're soon to be husband is here." nagpaalam na rin si Nika at umalis na.

And before I utter a word, someone's armed grab my waist from behind and I inhaling a familiar scent.

"You're late attorney." I said as I turn around to face him. He plastered a grin in his curved lips. "How's your day?"

Suminghot muna sya bago nagsalita. "My client is stubborn. But, it was a nice day for me Miss."

Buried Past (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon