Answer
Isang linggo na ang nakalipas at isang linggo na rin akong binabagabag nang mga salita ni Kenzo.
Nangyari ba talaga 'yon? Bakit feeling ko hindi 'yon nangyari? Panaginip ba 'yon o totoo talaga?
"Hoy! Kunin mo na ang helmet mo! Aalis na tayo!" nabalik ako sa ulirat nang sigawan ako ni Cad sa mismong tainga ko. "Nanaginip ka na naman?! Kakagising mo lang ah?" sabi niya habang chine-check ang motor niya.
Inirapan ko lang siya kahit hindi naman niya nakikita at pumasok na sa loob para kunin ang dadalhin kong mga bag.
Ngayong araw kami lilipat sa eskwelahan na nagbigay sa akin nang scholarship. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung papaano nakuha ni Cad ang 3 months experience certificate para makapasok sa Academy. At dahil board school 'yon kailangan naming magdala nang mga damit na kailangan namin sa loob nang three months.
"Ya! Asan 'yong helmet nang kolor black?!" tawag ko sa kapatid kong nage-ML sa loob nang kuwarto niya. Sana all Mythic na.
"Leche naman oh!" galet niyang saad at inilahad sa akin ang helmet habang naka awang nang kunti ang pinto nang kuwarto niya.
"Pabuhat?" sabi ko at ikinislap-kislap ang mata para kaawan niya. Sinapak niya lang ako nang helmet tsaka sinirado ang pinto nang kuwarto niya. "Buti pa sya! May ka-duo!" umirap ako at kinuha ang bag sa kuwarto ko saka lumabas.
"Tayo na?" sabi ni Cad habang nagsusuot nang helmet at nakasakay na sa motor niya. Suot niya na rin ang bag niya sa likod.
"Naks! Ready'ng ready na ah?" naglalakad na ako papunta sa motor ko na katabi ng kanya, nang pinabugahan niya ako nang usok mula sa tambutso nang motor niya. "Buwisit! Panira nang araw!" reklamo ko na tinawanan niya lang.
Sumakay na ako sa motor ko at naghanda na. Nang nagpasya na kaming umalis ay nagpaalam na kami kay Mama na nasa terrace namin na uminom nang juice.
Trenta minutos bago namin narating ang eskwelahan na sinasabi ni Kenzo. At ano pa ang inaasahan kapag anak nang mayayaman ang nag-aaral sa isang paaralan? Syempre, sing gara din nang buhay nila.
Malalaking building na may rooftop bawat isa. Malapad na oval, halos bawat sulok ay puno nang mga pine tree.
"Rel, may pool daw dito. Tsaka boxing ring." bulong sa kin ni Cad na ang mga mata ay nananatili pa rin sa harap nang napakalawak nilang oval. "Grabe! Ang laki naman nang school na 'to."
Naglakad na kami patungong admin office para makapagreport. Sa bawat nadadaanan naming building o mga lugar ay para kaming tangang titingin sa mapang hawak namin at hahanapin kung nasaan na kami napadpad.
Sa wakas, sa half of hour naming paglalakad ay narating na rin namin ang admin office.
"Katokin mo na, Rel!" tulak sa akin ni Cad.
"Ikaw kumatok! Ikaw kaya lalaki." ewan ko kung anong konek sa pagkatok at lalaki. Wag niyo kong tanungin.
"Ikaw na nga! Lady's first di ba?" sabi ko na nga bang sasabihin niya talaga ang katagang 'yan.
"Buwisit ka! Lady's first, ako unang papasok pagkatapos mong kumatok! Katokin mo na, bilis!" tinulak tulak ko na siya palapit sa pinto.
"Letse! Oo na! Heto na!" kakatokin na sana niya ang pinto nang bumukas ito at mukha nang babaeng nakasimangot ang sumalubong sa amin.
"Noisy! If you don't want to knock, just open the goddamn door, dummy!" sabi niya na lumabas nang office at linagpasan kami. Problema 'non? Teka lang... Parang pamilyar sya...
"Hala ka, Rel! Enenglishan ka!" sabi ni Cad at tumawa.
Pumasok na kaming dalawa sa office at nakita namin ang isang hindi katandaang babae na siguro'y nasa 40 and above? Nakasalamin na sya at hindi pa naman kulubot ang balat niya.
BINABASA MO ANG
Buried Past (On Going)
RomanceMarianna Eleanor Legazpi is the purest heart woman who always believe that love will wait until she will able to succeed. A woman who will always willing to help just to give a new life for her patient, a doctor always wearing smile in front of the...