Chapter 14

0 0 0
                                    

Threat

"Ayos ka na?" huminga ako nang malalim nang makita ko ang mga mata ni Cad. Puno iyon nang pag-aalala kaya sinubukan kong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"O-Oo. Salamat." yinapos niya ulit ako sa yakap kaya unti-unti na namang tumulo ang luha ko. Kaya ipinikit ko na lamang mga iyon at pinigilan ang pagbuhos sa lahat nang paraan ko. "Alis na tayo." ngumiti ako para ipakita kay Cad na ayos na ako. Hindi man talagang maayos na pero may kaya nang pigilan ang damdamin.

"Pag-usapan niyo ni Kenzo 'yan ah? Wag mong pairalin ang pride mo. Kung sa akin puwede mo kong hindi pansinin nang limang buwan, ibahin mo si Kenzo. Kailangan mong magmature kasi nasa relasyon ka na. Sayang ang pinagsamahan niyo kung maghihiwalay lang din naman dahil sa hindi pagkakaunawaan." litanya niya sa akin habang isinusuot niya ang helmet sa ulo ko.

Tumango lang ako at hinayaan siyang paandarin muna ang motor. Habang abala si Cad sa paglagay nang mga bag namin sa harap ay napatingin ako sa loob nang building.

Hindi niya ako sinundan kasi sinabi kong mag-iisip muna ako. Kailangan kong mag-isip at magpalamig. Hindi ko naman siya hihiwalayan agad dahil lang sa nasaksihan ko. Maaring meron siyang dahilan kaya ganoon ang posisyon nila kaya hindi ko hahayaang pagdudahan ko sya.

"Halika na!" nabalik ang atensiyon ko kay Cad nang narinig ko na ang tunog nang motor. Gusto ko sanang ako ang magmaneho pero alam kong hindi sya papayag dahil sa lagay kong 'to.

***

"Please. Just... Listen to me, hmm?" huminga ako nang malalim habang nakatitig sa mga kamay naming magsalikop. "Magbebeso sana kami ni Kristina nang pumasok ka sa office. I didn't know na pupunta ka pala kaya naiblinds ko ang office. There's this thing na kailangan naming pag-usapan ni Kristina."

Umangat ang tingin ko sa kanya nang matapos siya sa paliwanag. Mabuti nalang at nagpaliwanag siya kundi, mapa-praning na ako sa kakapanood nang mga about sa cheating na movies at series. May napanood kasi akong series, kahit na sobra na nilang tagal mga sampong taon na yata silang kasal pero napagod iyong lalaki kaya naghanap siya nang iba. Ayoko nang ganoon. Magkarelasyon pa lang kami kaya ayokong isipin ang mga ganoong bagay.

"Hey, I'm sorry, okay? Hindi ko talaga sinasadya. If you want, I'll bring my works to our house para doon na ako magtrabaho. Para matanong mo si Mama time to time kung ano ang ginagawa ko?"

I stared at his brooding brown hazel eyes, nakakaakit ang mga iyon. His pointed nose, his thick brows and his lips. I gave him a quick kiss before he even notice. Kasalanan ko bang sobrang maseduce ang mga labi niya?

"You naughty lady." nginisian ko lang siya saka naghikab.

It's already eleven in the evening at apat na araw mula 'nong insedenteng iyon. Tinext niya ako kanina na naghihintay siya sa labas at nasa loob daw siya nang kotse niya. Kaya nilabas ko na dahil tahol nang tahol ang aso nang kapit bahay namin. Hindi siya nagparamdam nang apat na araw ikinasalamat ko kasi nabigyan niya ako nang panahon para mag-emote. Buti nalang talaga nag-explain siya! Kung hindi mamamaga ang mga mata ko kakaiyak dahil sa kapanonood ko doon sa series na 'yon!

"Kailangan ko na palang bumalik. May quiz kami bukas kaya kailangan kong magreview." half lie and half truth iyon. Half lie kasi hindi naman talaga ako magre-review tinatamad ako. Half truth naman dahil totoong may quiz. Manonood lang talaga ako nang bagong episode.

"Hmm? Kaya gising ka pa hanggang ngayon?" tumango ako pero biglang nagulat dahil imbes na i-unlock ang kotse ay pinaandar niya iyon. "You think you can fool me? I know you're lazy when it becomes on reviewing. You didn't even bother to review the last time you took a quiz. Instead, you're playing some online games to your brothers."

Buried Past (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon