CHAPTER 3: SECOND CHANCE"Oy! Marel! Saan ka pupunta?" tanong ni Bry ng nakitang tumayo ako sa upuan. Kanina pa talaga ako gustong mag-CR, mukhang puputok na 'yong pantog ko kakatiis. Bakit kasi nakalock 'yong CR sa basketball court kanina?
"Magsi-CR." sagot ko sa kanya ng pabulong. Tumungo nalang ako para humingi ng excuse.
Nagulat ako ng tumayo rin si Ate Rosalie at nakasunod na sa akin. "Sasamahan na kita." bulong niya sa akin mula sa likod. Nilingon ko naman siya pero nginitian niya nalang ako.
Sa sobrang laki ng bahay. Hindi namin alam ko saan ang CR. Kaya nang dumaan 'yong isang maid ay nagtanong na kaagad kami. Keysa makaihi pa ako dito sa pantalon ko.
May dalawang CR daw dito sa baba ayon pa sa maid na napagtanungan namin. May isang pang-isahan at isang cubicle design. At dahil dalawa kami ni Ate Rosalie dumiretso kami sa pangmaramirahang CR.
Kagaya ng iniisip ko. Parang pangmall nga ang CR. May tatlong cubicle sa loob. Kulay cream at puti ang pinaghalong kulay ang pintura sa loob. At ang sahig ay kumikinang. Parang hindi CR ah?
"Umihi ka na. Mag-aayos lang ako." sabi ni Ate Rosalie at nanalamin na. Hindi na ako nakasagot kay Ate at pumasok na ako sa isang cubicle dahil ihing-ihi na talaga ako.
Sa kalagitnaan ng pag-ihi ko ay nasulyapan ko ang paa kong natapilok kanina. Hindi naman talaga siya sumakit parang nabigla lang 'yong paa ko sa pagkilos ko ng pabigla-bigla.
Palabas na ako sa cubicle ng tumunog ang phone ni Ate Rosalie. Nilingon niya muna ako at iseninyas ang phone niya. Tumango lang ako at dumiretso na sa harap ng salamin. Naghugas ng kamay at naghilamos ng mukha. Kakahiya naman ang mukha ko. Haggard. Tsk! Inilapag ko muna ang sling bag ko sa lababo at kinuha ang suklay. Ito lang ang laman ng sling bag ko maliban sa phone kung dead batt at charger.
Habang nagsusuklay ako may sumagi sa isipan ko. Puwede naman siguro akong magcharge dito, kahit sandali lang. Pero ang kapal naman ng mukha ko kung gagawin ko 'yon.
Bago lumabas ay sinulyapan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Ayos na ang buhok hindi na buhaghag. Inayos ko rin nang kaunti ang black off shoulder shirt ko. Ayos na 'to hindi na mukhang haggard.
Pagkalabas, ay dumiretso na agad ako sa kinainan namin kanina pero laking gulat ko nang wala na ang mga kasama ko kanina. Ang natira nalang ay ang nagpapaalam na mga basketball player na kasama ni kuya.
Nasaan na sila? Naku! Subukan lang nilang iwan ako!
"Marel! Halika na!" nabigla ako nang may bumulong sa likod ko. Nakahinga ako nang maluwag nang si Ate Rosalie lang pala iyon. "Hinanap kita sa CR, pero wala ka na 'don."
"Ate nasaan na iyong mga kasama ko?" tanong ko kay ate habang palabas na kami at papunta sa pinarkingan ng motor ni kuya. "Bakit wala na sila doon?" sabi ko na ininguso ang kinainan namin kanina.
"Ah, iyong naka Navarra? Umalis na sila ngayon lang." sagot ni ate na ikinanga-nga ko.
"Ano?! Iniwan nila ako?" hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nagagalit, naiinis at maraming tanong sa isip ko. Lintek! Iniwan talaga nila ako?
"Kinausap sila nang kuya mo. Ang sabi kasi nila mamaya pa silang alas diyes uuwi kaya hindi ka na pasasabayin ng kuya mo sa kanila." sagot nama ni ate at ikinatango-tango ko naman. Oo nga pala nagplano pala sila kanina na alas diyes na uuwi dahil manonood pa daw sila ng Search ngayon. Coronation Night na kasi.
Nakahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi ni ate. Lagpas na nga ako sa curfew ko eh. Buti nalang may dalang motor si kuya.
"Una na kami bro." paalam ng mga kasama ni kuya sa kanya. Hindi ko napansin na nakalabas na pala sila. At sabay-sabay na nagsi-alisan ang motor ng mga kasama niya. Kinawayan nalang namin sila habang papalayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/236803762-288-k896169.jpg)
BINABASA MO ANG
Buried Past (On Going)
RomanceMarianna Eleanor Legazpi is the purest heart woman who always believe that love will wait until she will able to succeed. A woman who will always willing to help just to give a new life for her patient, a doctor always wearing smile in front of the...