Chapter 6

0 2 0
                                    

Sa isang linggong pagpaparinig sa akin ng mga kabarkada ko tungkol sa hindi ko pagsabi sa kanila sa kaarawan ko ay mas lalong nagpapastress sa akin.

Mas nacurious pa sila dahil sa nakuha kong scholarship. Paano ko ba daw na kuha 'yon na wala naman daw akong alam sa mga sports except sa badminton at volleyball. Aba syempre, hindi ko sinagot. Hindi ko rin naman alam ang sagot maliban nalang sa sinabing ako daw ang una niyang kaibigan.

Na hindi ko naman alam kung totoo ba talaga iyon.

"Haaay! Iba talaga kapag debut mo na sa susunod na linggo hindi na umiimik, ehem!" pagpaparinig ulit ni Bry.

"Naku! Kung ako 'yan? Mag-aabsent na ako dahil sa preparation ng debut ko, pero ang isa diyan... Paespesyal." parinig naman ni Mea.

Nagbuntong hininga nalang ako. Ang hirap kapag may mga kabarkada kang uhaw sa mga selebrasyon.

"Tumigil na kayo, nakakahiya sa'kin. Nandito lang ako pinagchi-chismissan niyo ko?" Mga wala silang kwentang chissmosa.

"Oo nga, ano ba kayo?" sabat naman ni Cad na syang nangungunang magbuyo sa akin kanina. Lintek sya! Akala niya nakakaguwapo ang inisin ako? Ano sya? Tange?

"Tumigil ka at baka i-lock kita sa CR baliw ka!" saad ko at umalis na habang dala-dala ang mga manila paper na sinulatan ng visual aid ng Filipino teacher namin.

"Hoy! Ito oh! 3 over 25 ang score mo sa Math." natatawang sabi ni Cad na sumabay sa akin matapos kunin ang mga activity notebook na dinistribute ng Math President namin.

"Haaay! Talagang wala akong pag-asang maging engineer. Maghahanap nalang ako ng engineer." nanlulumo ako habang iniisip ang problema ng utak ko sa Math. Bakit ba kalaban kami ng Math?

Papasok na kami sa faculty ng may babaeng nakamotor ang nagpark sa tabi ng faculty. Talagang kapansin-pansin ang babaeng 'yon. Dahil maliban sa naka leather jacket siya ay may kulay pa ang buhok niya. Kulay pula.

Wow! Para siyang model 'nong kinuha niya ang helmet niya. Witwiw.

"Pumasok ka na, ibigay mo na yan kay Ma'am Filipino. Hihintayin nalang kita dito." sambit niya at saka umalis.

Sabi niya hihintayin niya ako dito? Bobo rin siya eh 'no?

Pagpasok ko sa faculty, nakita ko ang mga lamesa nang mga Senior High Teachers. Sa sobrang dami nang lamesa at mga files na nakapatong. Talagang nakakairita kapag parati kang pupunta dito. Hindi naman siya masikip pero, nakakairita ang mga papel na hindi organize. Hindi rin naman marami ang mga teachers. Kaya nakita ko si Ma'am Filipino. (nakalimutan ko 'yung pangalan kaya Ma'am Filipino nalang)

Pumunta ako sa table ni Ma'am at nilapag ang mga visual aid matapos ko siyang batiin. Kinausap niya muna ako sa mga nangyari nang binigay niya ang mga iyon. May nag-away ba daw o hindi nagcopy.

Ayan kasi pasok pasok din pag may time Ma'am pacopy ka kasi ng pacopy. Kaya wala kang nakukuhang progress.

Siyempre hindi ko na iyon sinabi sa kanya baka mabagsak ako sa ESP nandito pa naman si Ma'am ESP.

Paalis na ako sa table ni Ma'am nang bumukas ang pinto at iniluwa ang Teacher's Head sa Senior at isang kilalang lalaki si...

"Kenzo?!" ay? Napalakas yata? Tapos feeling close pa? Kenzo talaga eh no?

Napatingin sa banda ko si Kenzo at parang hindi nasorpresa na nandito ako. Siyempre, dito ako nag-aaral alangan namang mashock pa siya di ba? Boba talaga ako paminsan-minsan.

"Yes, Ms...?" sabi 'nong head teacher. Excuse me si Kenzo ba siya?

"Uhmmm... Excuse me Ms. Madrigal. I have to talk to her." ani ni Kenzo saka siya ngumiti at lumabas nang faculty.

Buried Past (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon