Chapter 1

3 2 0
                                    


Simple

"Marel! Bilis baka hindi natin maabutan!" kanina pa sigaw ng sigaw ang pinsan kong 'yon. Alam kong kilos bao ako pero, slowly but surely naman. Ang sabihin niya lang excited siyang makita namin 'yun.

"Teka lang! Bakit ka ba nagmamadali? Kaa-ala singko palang ah? At isa pa?! Hindi pa natin makikita ang sunrise!" papalapit na ako ng sabihin ko iyon. At nakita kong ang mga pinsan ko ay nadoon na sa pilapil ng palayan. Nag uunahan pumunta sa kabila. "Hoy! Hintayin niyo 'ko!" nagtatakbo na ako papunta sa kanila, kaya paminsan ay nahuhulog ang isang paa ko sa putik ng palayan.

Nakikita ako ng mga pinsan ko kaya pinagtatawanan nila ako, pero syempre, dedsma ako. Nang nakaabot na kami sa kabila, nag-uunahan kami sa pag-upo ng maliit na upuan sa silong ng puno.

Hindi pa naman maiinit, pero ang aarte nila.

Ilang minuto pa ang ihinintay namin at lumabas na ang haring araw. Napangiti nalang ako ng makita ko iyon.

Sa wakas nagbunga rin ang paggising ko nang maaga.

Nakatanaw pa rin ako sa sunrise ng makarinig ako ng paghilik. 'Sabi ko na nga ba, may pa plano plano pa silang alas kuwatro bumangon, eh 'yon pala iidlip lang din.' Pero malas nila hindi nila makikita ang ganda ng sunrise.

"Pinaghandaan mo eh 'no?" napatingin ako sa isa kung lalaking pinsan na nakaupo at nakahilig sa puno. Mukhang kami lang dalawa ang hindi nakaidlip. Pero pumupungas-pungas rin naman ang mga mata niya. "Natulog ka nang maaga kagabi? Himala ah?"

"Sinong may sabi? Atsaka, Oo, pinaghandaan ko talaga 'to. Kahit buwis buhay ang pagpipilit sa sarili kong matulog, nakatulog pa rin ako." actualy, hindi naman talaga ako nakatulog nang maaga. Ikaw ba namang makarinig ng umaalulong na tao, akala mo aso, 'yon pala taong kumakanta na wala sa tono.

Mabuti nalang talaga at nagkayayaan ang mga pinsan kong sa kanila nalang matulog para makapanood kami ng sunrise ngayon. Pumayag naman si Mama. Kaya kagabi, sa kanila kami natulog. Kasama ang Kuya Drei at Ate Lie ko.

May handaan kasi kagabi sa amin at nagkakaayaan ang barkada ng isa kong kuya na magvideoke. Magdamag silang nagkantahan kaya ang ingay kagabi sa amin.

Mas gusto ko naman talaga ang paligid dito sa bahay ng mga pinsan ko. Nasa tabi kasi ng palayan ang bahay nila kaya kahit hindi na sila lalabas ng bahay at nakasilip lang sa bintana talagang makikita mo ang sunrise.

"Kuya, gutom na ako, uwi na kaya tayo?" sabi ko sa Kuya kong humihilik sa tabi ko. "Hoy! Uwi na tayo, nakakagutom na eh."

Nagising naman ang mga iba ko pang pinsan. Lima kaming nandito. Si ate Lie hindi nakasama sa amin dahil hindi nakayanan ang antok at natutulog pa nang umalis kami. Kasama ko ang kuya Drei ko, si ate Jey, si kuya Jel at si Jon na kausap ko lang kanina.

PAGKAUWI namin galing sa kabilang palayan ay nakahanda na ang i-aalmusal namin. Hindi naman kami mapili sa kinakain namin. Kahit medyo may kaya kami sa buhay.

Maliit lang ang bahay ng mga pinsan ko. Para lang siyang Kubo pero mas malaki-laki pa. Driver ng Jeep ang Uncle ko na kapatid ng Mama ko. At sumaside line naman ng trabaho si Auntie. Masyadong maliit ang bahay para sa limang taong titira, pero may kasabihan nga na 'Kapag maiksi ang kumot, marunong mamaluktot.' Kinakasya naman nila ang sarili nila dito.

"Kumain na kayo. Bakit hindi mo inantay ang ate Lie niyo Marel?" sambit ni Antie na ikinangiwi ng mukha ko.

'Muntik na nga akong maiwan kanina tapos ako pa ang nang-iwan? Eh di wow?'

"Sila po ang nang-iwan antie. Muntik na nga akong hindi makasama." nagtawanan lang ang mga walanghiya kong pinsan at kapatid. "Antie si ate Lie?" hindi ko kasi siya nakita kanina eh, malay ko bang umuna na siya umuwi kasi nagtampo dahil sa hindi siya nakasama sa amin kanina? Di ba?

Buried Past (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon