Chapter 14

2.4K 62 0
                                    

"Here" Kai said while extending his hand towards Maddie while holding a brown paper bag to give to her. She glanced at him then her eyes landed on the brown paper bag after. Nagtataka niya itong tinignan kaya nagpakawala ng buntong-hininga si Kai. "You haven't eaten breakfast yet" dugtong ni Kai matapos magbuntong-hininga.

"Ah. Salamat" agad na saad ni Maddie at agad din nitong tinanggap ang brown paper bag na sa tingin niya ay may lamang pagkain.

Kai sat next to her on the couch at pagkatapos ay nagsimula na silang kumain. Hindi pa nagigising ang kapatid niya kahit ilang oras na ang lumipas. Nag-aalala din siya sa kapatid pero wala na silang magagawa dahil nangyari na ang nangyari.

Napabuntong-hininga si Maddie matapos sumulyap sa kapatid na hanggang ngayon ay nakaratay patin sa hospital bed. She's like an angel. She's peacefully sleeping as of nothings bad happen to her.

Dalawa na lamang silang nagbabantay sa kapatid ni Maddie sa hospital dahil umuwi na ang mama nito para makapag-pahinga rin dahil napagod din ata siya at na-stress dahil sa nangyari sa kanyang anak. Well, a mother will always be a mother. Mag-aalala sila syempre kasi sino ba namang ina ang gustong mapahamak ang anak diba?

But others said that not all kids have a good mother. Karamihan din kasi sa mga magulang ay pinapabayaan ang anak o di kaya ay nagsisisi sila kung bakit sila nagka-anak. Bakit nga ba may mga gano'ng magulang sa mundo? They treated they child as if they are not their own flesh and blood. Minamaltrato at kung ano-ano pang masasama ang ginagawa nila sa kanilang mga anak.

Some mothers are not good as Maddie and Kai's mother.

Pero sa tingin niya, hindi na niya problema iyon dahil sapat na, na makita niyang maganda ang ugali ng magulang niya at syempre, maganda rin siya.

Napailing si Maddie sa naisip bago pinagpatuloy ang pagkain.

A moment of silence filled the room that's why she felt uncomfortable. Bakit hindi diba? Katabi lang naman niya si Kai na parang hindi ramdam ang ilang na nararamdaman niya. She frowned. He seems comfortable habang siya ay nagsisimula na ngang ma-concious sa kanilang dalawa.

"Maddie?"

Napatingin siya sa kanyang boss slash kaibigan niya nung binanggit nito ang pangalan niya but Kai did not bother to glanced at her.

"Bakit?" she nervously asked him.

Napatingin sa kanya si Kai at ilang segundo silang nagtitigan bago umiwas ng tingin sa kanya si Kai. She heard him sighed that's why her forehead furrowed. Mukhang may sasabihin sa kanya si Kai but he's not saying any single word. Mukhang nagdadalawang-isip pa ito.

She shooked her head at him bago umiwas ng tingin dito. Ano bang sasabihin niya at parang nagdadalawang-isip pa siya? Her mind asked her na hindi naman niya masagot.

Mukha siyang tanga kakaisip kung ano ba talagang sasabihin ng boss na kaibigan niya kasi mukhang seryosong bagay ang pag-uusapan nila pero hindi naman nagbubukas ng topic si Kai.

Muli siyang napailing dito at muling sumubo rin ng pagkain na nasa harap nila.

"Ano bang sasabihin mo? Mukhang seryosong bagay yan pero mukha ka ring tanga at the same time" walang prenong saad ni Maddie sa kanyang kaibigang si Kai habang abala parin sa pagkain.

Kai glared at her pero hindi niya iyon pinansin at patuloy lang sa pagkain.

"Ako pa talaga. Ikaw bobo ka"

"Wow. Ikaw impakto!"

"Sa gwapo kong 'to? Baka ikaw maligno!"

Sinamaan siya ng tingin ni Maddie dahil sa sinabi nito hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang bangayan nila. Ang unang mapikon, talo and that's Maddie.

My Possessive CEO✔(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon