Prologue

12.2K 192 7
                                    


Prologue
***

"Ang gwapo ko talaga. Diba Maddie?" saad ng binatang si Kai sa bestfriend niyang si Maddison Jin na animo'y wala sa mood dahil sa nakabusangot na mukha nito.

Kai frowned when Maddison ignored him. Kasalukuyan silang nasa park ngayon para mamasyal dahil malapit na ang pasko. Iba't ibang mga palamuti ang makikita rito at talaga namang nakakaakit ang lugar na iyon.

Sina Maddison at Kai ay matagal ng magkakilala at sobrang close nila sa isa't isa. Nagkakilala lamang sila sa social media ngunit heto at magkasama na sila sa personal at kasalukuyan pang namamasyal.

Bahagyang kinalabit ni Kai si Maddison sa braso nito ngunit hindi ito lumingon sa kanya. Napasimangot na lamang ang binata dahil sa hindi pagpansin sa kanya ng kaibigang babae na parang may malalim na iniisip.

Paulit-ulit niya itong kinalabit hanggang sa lumingon na rin ito ngunit naroon ang pagkainis sa kanyang magandang mukha.

"Ano!!? Kalabit ka ng kalabit diyan eh!! Nakakainis ka!!"

"Grabe ka naman sa'kin Maddie. Gusto ko lang naman sabihin mo na gwapo ako eh" nakasimangot na sabi ng binata ngunit inignora lamang ito ng kaibigan niya kasabay ng pag-irap nito sa hangin.

"Saan banda?" mataray na tanong nito then she crossed her arms.

"Ano ka ba naman. Syempre sa mukha"

"Yang mukhang yan gwapo? Tanga!! Hindi ka gwapo kundi impakto!! Narinig mo 'ko?! Impakto ka hindi gwapo!!" sigaw ng dalaga sa kaibigang binata.

Hindi nakaimik ang binata dahil sa mga binitawang salita ng dalagang si Maddie. Maya-maya lamang ay nakarinig na ng mga hikbi si Maddie na nagmumula sa tabi niya kaya agad naman itong napalingon sa kaibigang si Kai.

Maddie just rolled her eyes when she saw her boy bestfriend, crying like a baby. Wala namang magawa si Maddie kundi ang umirap lang dahil sa pagkaisip-bata ng kaibigan.

Kalahating oras din ang itinagal niya sa paghihintay  kay Kai na tumigil sa pag-iyak nito. Alam niyang mas lalo lamang na iiyak ang kaibigan niyang binata sa oras na sigawan niya ito para tumigil sa pag-iyak kaya nanahimik na lamang siya.

"Okay ka na?" tanong niya sa kaibigan niyang si Kai. Isang tango lamang ang sagot ng binatang si Kai dito  kaya napabuntong hininga na lamang si Maddie.

Isip-bata talaga.

Sigaw ng isip ni Maddie habang nakatingin sa kaibigan na ngayon ay pinupunasan na ang mga luha. She shooked her head and smile. Kahit gano'n ang kaibigan ay hindi parin maipag-kakailang mahal niya ito ngunit hindi iyon alam ng binata.

Ilang oras pa silang naglakad-lakad sa parke bago nila naisipang umuwi na. Malapit lang naman ang mga bahay nila sa park na iyon kaya hindi na nila kailangan pa ng sasakyan. Magkatabi din lang ang bahay nila.

Ngunit lingid sa kaalaman ng binata, aalis na pala si Maddie para mag-aral sa Maynila. Kaya lamang inaya ng dalaga ang binata ay para makasama lamang niya ito kahit sa huling pagkakataon lang dahil bukas na bukas din ay aalis na ito para bumiyahe patungong Maynila.

Ayaw niyang umalis at iwan ang kaibigan ngunit wala siyang magagawa dahil kinakailangan niyang lumuwas ng Maynila para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya kahit labag sa kanyang kalooban na iwanan ang lalaking kaibigan.

My Possessive CEO✔(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon