Chapter 19

2K 47 0
                                    


"Magkwento ka ulit tungkol sa bata"

"Ehh ate naman nag-kwento na ako eh. Dapat nga po kayo po yung nagkwekwento sa'kin" nakasimangot na angal ng nakababatang kapatid ni Maddie na si Mira sakanya.

Why not? She's forcing her little sister to tell her what happen on the accident again this past few days. Hindi talaga siya matahimik dahil parang bitin naman yung kwento ng kapatid niya.

Umalis na kasi si Kai at ngayon ay dalawa na lang sila ng kapatid niya sa kwarto ulit. Hanggang ngayon, hindi niya parin lubusang maintindihan ang sarili niya. Para na siyang paranoid kung mag-isip ng kung ano-ano tapos matatakot naman bigla sa hindi niya malamang dahilan. Hindi naman siguro siya baliw ano.

"Sige na. Ang arte mo nako. Sino ba kasi yung batang yun?" muling tanong niya sa kapatid. Tila napaisip naman ang bata.

"Hindi ko siya kilala ate pero may tinatawag siyang Rara at sa'kin siya nakatingin. Tapos syempre, mabait ako kaya niligtas ko siya.....para kasing may nagsasabi sa'kin na itulak siya."

"Huh? Namukhaan mo ba yung bata?"

Her sister shooked her head. "Ewan ko po. Basta po mas matanda siya sa'kin ng ilang taon po at tsaka gwapo po siya at matangkad na bata."

"Ang sabi mo tinatawag ka niyang Rara?" tanong ni Maddie ulit sa kapatid. Hindi niya maintindihan pero parang may tumutulak sa kanya na kilalanin ang batang iyon. Sino ba kasi ang batang niligtas ng kapatid niya at bakit parang gustong-gusto niya itong makilala?

Napaiking siya sa mga iniisip. Heto na naman ang utak niya na kung ano-ano na naman ang iniisip. Mababaliw na talaga siya kapag nagpatuloy iyon pero sa bagay na pinag-uusapan nila ng kapatid niya, there's something in there. The little boy, sino nga ba iyon?

"Oo nga po. Tawag niya po sa'kin Rara"

"Ang gulo mo naman kausap"

"Po? Naku ate, mas magulo po kayo magtanong"

"Eh sabi mo kasi di mo siya kilala pero tinatawag ka niyang Rara, so ano yun, kilala ka niya pero di mo siya kilala. Nagka-amnesia ka ba? Baka kaibigan mo yun sa school?"

"Wala po akong kaibigan na lalaki ate sa school tsaka po hindi namin siya ka klase at sa tingin ko po ay hindi siya doon nag-aaral kasi po mukha silang mapera kaya malabo po iyang sinasabi niyo"

Muli siyang napakunot ng noo. Pilit man niyang kumbinsihin ang sarili na kalimutan na lamang iyon ay hindi niya magawa. Kailangan niya talagang malaman kung sino yung bata, bakit parang sabik na sabik siya, bakit parang gusto niya itong makita? What the hell is wrong with her! She shouldn't think about it anymore but she just can't. She reallt want's to meet the kid. Why the hell she's obssessed to know him. Is there something about that kid? Bakit ganito na lang kung mag-react ang puso niya. Bakit ganun na lang siya kasabik na makita ito. Sino ang batang iyon.

Only one thing that is playing on her mind right now. She's very eager to know him.

Muli niyang binalingan ang kapatid.

"Anong itsura nung bata?"saad niya dito.

Napakunot ang noo ni Mira sa tanong ng kanyang ate. Tila nagdadalawang-isip pa ito pero sa huli ay tumango na lamang siya.

"Yung mukha niya po ay para pong bilog tapos po may itim siyang buhok, matangos na ilong, makapal na kilay, tapos po ay sakto lang po yung hugis ng mata niya po at tsaka po mapupula po yung mga labi niya" natigilan ang kapatid sa paglalarawan sa bata at saglit na tumitig sa kanya. Her forehead furrowed when she saw her sister shocked face while pointing her little finger at her. "Para pong may pagkakahawig po kayo ng bata!! Opo!! Magkamukha po kayo nung bata!!" gulat na gulat na saad ng kapatid sa kanya na ikinatigil naman niya.

My Possessive CEO✔(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon