HOODED GUY

5 0 0
                                    

Nag-aaral pa lang ng college.  2nd sem na kaya todo aral talaga ako ngayon para maka-graduate at matupad yung mga pangarap ko samin ng mama ko.

Last Tuesday, binigyan ako ni mama ng pambayad for prelim kasi sa Wednesday na agad yung exam namin (yun kasi yung time na nagkapera si mama), pumunta na ako ng school, medyo nainis pako kasi pagkarating ko mahaba na ang pila, pinapagalitan ko ang sarili ko nung oras na yun kasi kahit gumamit ako ng alarm clock hindi pa din ako nagigising. Naghanap ako ng cashier na medyo hindi mahaba ang pila (apat kasi ang cashier sa school at hindi lahat available, siguro lahat available nung time na yun kasi marami ang students na babayad) Unfortunately, wala talaga dahil halos lahat mahahaba kaya wala akong nagawa kundi ang pumila sa pinakamalapit sa pwesto ko. Habang papunta ako sa pipilahan ko, may tumawag saking lalaki( hindi ko siya kilala pero inisip ko nalang na baka isa siya sa mga nag-aaral dun since hindi naman ako pamilyar sa mga students sa school dahil hindi naman face to face), nang makalapit ako sa kaniya napatingin ako sa suot niya, naka-hood siya tas pants tapos naka-mask, tanging pants niya lang yung blue pero yung hood and mask niya ay puro black. Naisip ko lang na baka takot siya mainitan kaya di niya hinuhubad ang hood niya. Tinanong ko siya "Bakit po?" kasi nagtataka ako kung bakit niya ako tinawag, di ko naman siya kilala kahit naka-mask pa siya, umalis siya dun sa inuupuan niyang monoblock chair (dahil mahaba ang pila kaya nag provide ang school ng mauupuan, every monoblock chairs may sapat na distance sa bawat isa,bawal dikit-dikit kasi dapat sundin ang social distancing),  nagtataka pa din ako kaya tinanong ko ulit siya kasi magpipila pa ako at nakaramdam na din ako nung oras na yun ng kairitahan. "Gusto mo bang maupo sa pinipilahan ko?" Nung una, syempre nagulat ako sa sinabi niya. Sino ba naman kasi di magugulat kung ganun ang mangyari, ang haba pa kaya ng pila sa likod niya tapos ipapamigay niya yung pwesto niya "pero bakit? Edi pipila ka ulit? Naku kuya wag na" nahihiya ako kaya yan ang sinagot ko tapos tumawa pa ako sa huli kahit na halatang alanganin, pero natahimik ako dahil wala siyang reaksiyon at nakatingin lang siya sakin, "sige na" yan lang ang sinabi niya tapos nilagpasan niya na ako. Nung una, sinundan ko siya ng tingin papuntang exit ng school, kaya sa huli nagkibit-balikat nalang ako at naupo sa inalok niyang pwesto, inisip ko nalang na baka nairita siya kaya uuwi nalang.

Gabi na nung makauwi ako dahil nagpabili pa sakin si mama ng groceries. Tinulungan ko siyang magluto at maghanda ng pagkain para sa dinner.

After namin kumain, nanood muna si mama ng TV at ako naman diretso na sa kwarto ko para gawin yung mga activities at makapag-study na din kasi sa umaga prelim exam na namin.
Hindi ko namalayan ang oras at 12 midnight na pala nun, nakapatay na din ang ilaw sa sala meaning natutulog na din si mama, kaya napagdesisyonan kong tapusin muna ang naumpisahan kong activity sa isa naming subject para makapagpahinga na din ako.

1am nang matapos ko yung activity, pagod na din ang utak ko at nakaramdam na din ako ng antok. Natutulog talaga ako ng 2am pero dahil siguro napagod din ako sa school kakapila at nag grocery pa kaya inantok agad ako nung 1, so ayun nilapag ko na cellphone ko at pati ang laptop para makatulog na.

Habang natutulog, napanaginipan ko ang sarili kong natutulog din, tapos dun sa panaginip ko nananaginip din ako. Nanaginip akong pumasok sa isang shop na konti lang yung tao, hindi ko alam kung anong gagawin ko dun at di ko din alam kung anong tinitinda nila kasi wala akong makita bukod sa mga taong nandun. Empty talaga yung loob ng shop, walang paninda. Pumasok pa ako sa isang pintuan tapos pagkapasok ko namatay lahat ng ilaw, pero hindi naman ganun kadilim. Dahil sa takot kaya lumabas ako dun sa room na napasukan ko, pagkalabas ko wala na yung mga taong nandun sa loob ng shop, dumoble yung takot ko kasi ako nalang mag-isa ang nandun. Tumungo ako sa exit ng shop at nung palabas na ako, may nakaharang na tao. Nung una di ko maaninag kung lalaki ba siya or babae, kaya lumapit pa ako sa kaniya. Nanlaki yung mga mata ko nang makilala ang nakaharang sa exit, naka-hood siya ng black tapos naka-mask din ng black. Sobrang familiar siya sakin. Kaso, bigla akong nagising. Ang buong akala ko nasa reality na ako pero hindi pa pala. Nang magising ako dun sa pangalawang panaginip ko, tumingin ako sa left side ng kama at naramdaman ko nanaman yung takot na naramdaman ko nang makita ko doon yung hooded guy, nagsimula akong sumigaw "Umalis ka dito!" todo sigaw ako dun sa panaginip ko kaso, kahit ni isang salita wala akong marinig. Yung nagsisigaw ka pero walang boses.

Nang bigla kong narinig si mama tapos naramdaman kong niyuyogyog ako at dun ako nagising. Pakiramdam ko sobrang pagod ako at pinagpapawisan din. Pinainom ako ni mama ng tubig at pinatulog sa kwarto niya.

Nung una, inisip ko na dahil lang sa pagod kaya nanaginip ako ng ganun pero hindi, dahil makalipas ang isang gabi, napanaginipan ko nanaman siya pero iba na ang nangyari..

-Serra

Ghost Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon