Umaga ng Miyerkules, January 28, 2021, katatapos ko lang magtake ng calls dahil ako at working from home, tinawagan ako ng kaibigan ko sa phone. Nagkwentuhan kami. Maya-maya, narinig ko na parang may kaguluhan sa labas ng pinto namin. Sa apartment kase kami nakatira. Sa may 2nd floor kami. Bale pag-akyat mo ng hagdan e may unang door, pangalawa samin at yung kina ate ay yung pangatlong door.Paalam ko sa sa kausap ko, "bhe saglit lang ha? Parang may commotion sa labas ng pintuan namin."
Nakikita ko kase sa may ibabang banda na uwang ng pinto na may mga anino ng tao na lalakad lakad. Lakad na parang natataranta. Tapos narinig ko mga boses nila na parang nagsisigawan. So tinapos muna namin ng friend ko pag-uusap namin sa phone. Nagpunta ako sa kusina. Naghugas ako ng kamay ko. Sa tapat ng lababo namin, narinig ko yung boses ng lalaki. Galing ung boses dun sa pangatlong pinto na katabi namin.
Sabi nung lalaki, " hindi mo na inisip ung bata?"
Akala ko, baka nadapa lang ung anak nila ate at nabagok ung ulo sa labas at nalimutan lang bantayan ni ate kaya nagagalit ung lalaki.
Sigaw naman ng landlord namin, "dadalhin ka namin sa ospital, lason yan e!"
Kinabahan nako nung narinig ko un. Lumabas na ako ng pinto namin at bumaba sa ground floor. Pagdating ko sa bandang hagdan nung pababa palang ako, nahagip ng paningin ko si Ate na inaalalayan ng landlord namin at ng bayaw nia habang binababa sya ng hagdan. Halos pakaladkad na nila binubuhat si Ate dahil ayaw nia magpadala sa ospital. Pero pinilit parin nila hanggang mailabas nila ito pagpuntang gate namin.
Pagkababa ko, nadatnan ko mama ko sa may bandang hagdan. Nanginginig mama ko at naluluha ang mata. So tinanong ko siya, sabi ko, "Ma anong nangyari? Anong nangyari kay ate ?"
"Nak, ininom ni Ate mo ung MURIATIC ACID"
Natigilan ako. Nanginig at napahagulgol ako. Hindi ko masyadong close si ate pero nakakausap ko naman siya minsan. Kaya di ko makapaniwala bakit nia nagawa un.
Maya maya pa ay may napara na silang tricycle at at dinala na nila si ate sa ospital. Nasabi saken ng mama ko na kahit siya ay nagulat sa nakita nia. Nung umakyat daw si mama sakanila, nakita nia si Ate na namumula ang mga mata at lumobo na ng malaki ang kanyang bibig hanggang bahagi ng pisngi at baba. Puro dugo narin ang kanyang harapang damit. Maitim na dugo na may mga buo buo ang tumutulo mula sa bibig ni ate.
Nung umaga pala na un, bandang 8am, nagkulong daw pala si Ate sa banyo. Akala ng Tita nia ay normal lang. Maya-maya ay narinig na niya ito na sumusuka. Kakaibang tunog daw ng pagsusuka. Parang may panaghoy. Kaya kinatok na siya ng Tita nia. Pero hindi kumibo si Ate.
Dali-daling bumaba si Tita nia sa ground floor at kinatok ang mama ko. Humingi ng tulong. Ano daw kaya ang gamot sa pagsusuka. Akala lang talaga nila may sakit si Ate, masama pakiramdam o di kaya ay buntis. Si Mama naman, nagbigay ng liquid supplement para maneutralize ang acid kung bka inaacid lang si ate. Umakyat narin ang landlord namin kase kinatok narin pala sila ng Tita ni Ate.
Pag-akyat nila, hindi parin talaga lumalabas ng CR si Ate kaya tinadyakan na ito ng landlord namin. Nagulat sila nung makitang puro sukang dugo na ang inidoro at sahig habang nakasalampak na sa sahig si Ate sa loob.
Dali dali nila itong nilabas. Ayaw talaga ni aAte tumayo at hayaan nalang daw siya.
Walang sinambit si ate kundi "ayoko na. ayoko na" habang tumutulo ang blackish red na dugo sa ilong at bibig nia.
Nakuha pa ng asawa ko ung bote ng kemikal na ininom ni ate.
Nakakalungkot at nangyari ito na wala si Kuya, ang asawa ni Ate. Nakastay-in duty kase si Kuya sa trabaho at 3 weeks na siyang di nakakauwi sa kanila. May nag-iisang anak sila na 4 years old lamang.
Binigay ng Tita ni Ate sa asawa ko yung cellphone ni Ate para subukan kontakin ung asawa at mga kapatid ni Ate sa probinsya. Pinuntahan din ng asawa ko ung bestfriend ni Ate na kasama nila sa apartment dun sa kanyang trabaho para sabihin sakanya ung nangyari kay Ate. Nabigla din siya sa pangyayari. Di namin akalain na yung palangiti bagamat tahimik na tao ay magagawa un. Nakakapanlumo.
Ang naalala ng mama ko, nung makita nia ang mukha ni Ate e ay wala itong bahid ng pagdurusa sa sakit na dulot ng kemikal. Poker face lamang ito habang sinasabi niang "ayoko na"
Nadala si Ate sa PGH Manila at sa kasamaang palad ay tuluyan na siyang binawian ng buhay nung Biyernes.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation
De TodoAng seryeng ito ay binubuo ng isaang daang kwentong kababalaghan, na hango sa FBpage Spookify. Kinolekta at ibinahagi dito sa Watpadd. Read, be scared and Enjoy! The English Stories for the latter chapters from FB group #DeadTimeStories and From FB...