Il mio amore da un altro universo
* This is based on real life. In real life, a happy ending doesn't exist.
When I graduated in College, kinuha ng parents ko para dito na sa Italy magtrabaho. Year 2013 nang dumating ako rito.
After 2 months, I decided na maghanap ng trabaho. Ilang buwan kong tiniis ang pagod bago ako ma-promote as Branch Manager. Marami na akong nakasalamuhang iba't ibang lahi, iba't ibang tao.
Year 2014, isang gabing maraming customer, siguro dahil week end at karamihan ay naka-off sa work. Panay lang ang tango at ngiti ko bilang pagbati sa mga customers. I saw a man with a black leather jacket, (tag-lamig noon). I came to him and gave him a menu, hindi niya ako tiningnan o tapunan man lang ng tingin. Ilang minutong nakatitig lang siya sa binigay kong menu, I asked him if what's his order. Hindi niya ako sinagot pero tinuro lang niya ang gusto niya nang hindi nagsasalita. I shrugged to myself, ganon naman talaga ang ilan sa mga tao dito. "Va bene signore. Sei disposto ad aspettare 10 minuti?" Tinanong ko siya kung okay lang ba na maghintay siya ng sampung minuto, tumango lang siya kaya nagpaalam na ako at ibinigay ko na sa counter ang order niya. Buong oras na nandoon siya at pinipilit kong abalahin ang sarili ko sa mga customer, pero ramdam ko na parang nakatitig siya sakin.
Isa-isang nagsisialisan ang mga tao, meron pa rin ang dumarating na bagong customer. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo yung lalaki at lumabas na ng restaurant. Inutusan ko ang isang crew na lapitan ang iniwan niyang table dahil akala ko hindi pa siya nagbabayad. I was little bit shocked nang lumapit sakin ang crew at pinakitang triple pa sa presyo ang iniwan niyang bayad. Pinalabas ko yung crew at inutusan ko siyang habulin yung lalaki, pero wala pang dalawang minuto ay bumalik ang inutusan ko at sinabi niyang hindi na daw niya makita.
Since then ay araw-araw at gabi-gabi kong inaabangan na bumalik ang lalaking iyon. Pero, dalawang linggo na ang lumipas ay hindi pa rin siya bumabalik sa branch namin. Sa isip ko ay baka hindi naman talaga siya taga rito sa Italy at baka isa lang siyang tourist.
Abala lang ako sa opisina at inaayos ang ilang documents nang kumatok ang isang crew. "Ma'am Jas, yung customer po na nagbayad ng triple, siya po siguro yung nasa labas." My heartbeat was extremely run real fast, nang sabihin niya iyon sakin. It's already 8 in the evening, same time nang makita ko rin siya noon.
Lumabas ako ng opisina habang dala ko ang sobrang binayad niya. Gusto ko kasing maibalik iyon sa kanya dahil gusto kong maging fair sa kanya. Sabay namin siyang binati ng crew na kasama ko, pero tulad nung una ay hindi niya rin kami binigyan ng tingin.
I handed the money to him, "Signore–"
"Va bene, questo è un suggerimento. Mi puoi dare un rigatoni, per favore?" Hindi niya pa rin kami nililingon. Nagkatinginan kaming dalawa ng crew na kasama ko at wala akong nagawa kundi ang tumango na lang sa kanya kahit hindi naman siya nakatingin. Hindi ako makapaniwalang parang nagtapon lang siya ng pera at sasabihin niyang tip niya iyon samin.
Ilang araw at linggo ang lumipas nang hindi siya naalis sa isip ko, walang araw at gabi na palagi ko siyang naiisip at umaasa akong babalik siya sa restaurant at muli kaming magkikita.
Isang gabing akala ko ay normal lang, nawala na rin yung feeling at yung parang inaasahan ko pa na makikita ko ang lalaking yon. Pero nagkamali ako, saktong paglabas ko ng counter ay bumukas ang pinto, noong una ay parang wala lang sakin. Pero nang mapansin ko ang suot niya at masiguradong siya nga iyon ay parang bigla na lang akong nabuhayan. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, ganoon pa rin siya tulad noong una. Tahimik at hindi rin lumilingon kung saan-saan. Sinenyasan ko ang crew na nasa malapit na lapitan niya yung lalaki at bigyan ng list of menu. Tulad noon ay ganon pa rin ang naging sistema, palaging sobra pa sa presyo ang iniiwan niyang pera. Naisip kong baka isa siyang business man kaya ganoon na lang siya kung magtapon ng pera. Bigla akong nawalan ng gana and I realized na kung yaman ang babasehan ay walang-wala talaga ako. Isa lang naman akong normal na mamamayan na nagpapakahirap magtrabaho. Kaya simula noon ay tinigil ko na ang mga pantasya ko at inagapan ko ang nagbabadyang pag-usbong ng feelings ko for him.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation
RandomAng seryeng ito ay binubuo ng isaang daang kwentong kababalaghan, na hango sa FBpage Spookify. Kinolekta at ibinahagi dito sa Watpadd. Read, be scared and Enjoy! The English Stories for the latter chapters from FB group #DeadTimeStories and From FB...