"Ang Nurse Sa Abandonadong Building"
Nung grade 7 ako, na admitted or na confined ako sa isang hospital dito sa Quezon City, malapit sya sa Muñoz.
Na admitted ako doon dahil sa nag ka dengue ako. Naasikaso din ako agad dahil sa emergency room ako dinala. That time Lola ko lang ang kasama ko kasi ang parents ko po ay nasa abroad. Kahit hinang hina na ako ay pumunta Pa din ako sa bahay ng Lola ko para masabi sa kanyang hindi ako maka hinga, mang hihiram sana ako ng nebulizer. Pero tinanong ako kung kailan Pa iyon sabi ko mag iisang linggo na. Ang aming mga kapit bahay ang nagsinabing dalhin na ako sa hospital.
Naka admit na ako, hindi ako naka private room. So doon ako na punta sa isang Pa square na room tapos may mga divider at apat na hospital bed. Sa paanan makikita mo yung isa sa mga pasyente sa loob ng room. At ako na punta ako doon sa malapit sa bintana since doon ang vacant. Malayo ang bahay namin sa hospital na iyon, kaya noong nag paalam ang Lola ko na uuwi muna para kumuha ng gamit ko katulad ng kumot at mga damit. Ipapaalam na din daw nya na admit ako. Gabi na pero wala pa din s ang Lola ko(Mommy A).
At dahil wala din akong magawa at makausap ay tumitig lang ako doon sa bintana. Grabe yung chills na binigay sa akin noong makita ko kung ano yung View sa labas ng bintana na iyon, yung bintana ay naka sarado lang at hindi rin nabubuksan. Mahaba sya mula taas pababa tapos payat na bintana siguro mga ¼ lang ng katawan ko ang kita doon. Ang view sa labas ay malawak, dahil nasa second or third floor lang kami kita ko yung baba kung saan may mga nag titinda ng mga prutas at kung ano ano pa. Puro bubungan pero pantay pantay lang sila, tapos sa likod nila para syang Abandonadong building ng hospital, abandonado nga ibig sabihin ay wala ng tao room. Pero ang nakakatakot ay may isang bukas na ilaw pero yung ilaw ay nasa Hall way Pa tapos yung room walang pintuan kaya naman kita yung Hall way na may liwanag. May dumaang babaeng nurse, naglalakad sya... Matangkad yung nurse na babae tapos yung lakad nya pang model, hindi naman ako natakot kasi sabi ko sa sarili ko baka ginagawang storage yung ibang part ng building na iyon at may kukuhain lang yung nurse. Maya maya ay dumating si Mommy A, tapos sinabi ko sa kanya na may nurse doon sa kabila, pero hindi sya sumagot, ilang araw akong nanatili sa hospital na yon at lagi din wala si Mommy A. Kasi may inaasikaso syang papeles ko daw sa hospital. Kaya ako lagi lang ako naka silip sa bintana yung nurse lagi ding padaan daan doon, minsan late na ako nakakatulog kasi nakasilip lang ako doon, Isang gabi andon si Mommy A. Hinahanda yung pagkain ko, tapos sabi ko "Mommy ayun yung nurse oh!" sabay turo tapos sabi nya "wala naman ahh, baka guniguni mo lang yon, oh kumain ka na" tapos sabi ko naman "hindi My ayun nga oh ilang beses ng padaan daan, bukas yung ilaw my kaya makikita nyo naman" pag ka tapos non ay kinabukasan birthday ko na doon ako ng birthday tapos dumating si ate niregaluhan nya ako ng sapatos pang school, hindi rin ako nag ganda kasi bawal ako kumain ng mapupula o kaya nga dark colored na foods sabi ng doctor. Siguro mga two days Pa ako doon tapos umuwi na din kami. Tapos sabi ni Mommy A. Sa akin na wala daw tao sa Abandonadong building na yon at wala din daw bukas na ilaw nung pinakita ko sa kanya.- Binibining L.A.G.I.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation
AcakAng seryeng ito ay binubuo ng isaang daang kwentong kababalaghan, na hango sa FBpage Spookify. Kinolekta at ibinahagi dito sa Watpadd. Read, be scared and Enjoy! The English Stories for the latter chapters from FB group #DeadTimeStories and From FB...