Way back noong Oct. 3, 2014.Galing akong Cavite nun, sa bahay ng GF ko. Anniversary kasi namin nun. So after school eh dumiretso ako sa kanila. Btw sa Las piñas kasi ako nag aaral tapos siya sa Cavite, so ayun na nga. Dismissal namin sa school eh 4pm kaya dumiretso ako agad sa kanila para magkita kami.
Fast forward na. Around 11:30pm eh pauwi na ko, edi nagpaalam na ko kay tita (Mama ng GF ko) tsaka sa kanya. Sinabihan nila ako na mag ingat, defensive driver naman ako eh. Kaya maingat talaga, edi nagmomotor na ko pauwi. Mabibilang lang ata sa daliri mga nakakasabay ko sa daan na yun, nasa bandang sea side nko ng Daang hari, part na ata ng Alabang na yun eh. Nasa bandang pa curve na ko ng daan tapos may batang babae na nasa gitna nung daan. So bigla kong iniwas yung motor pakaliwa, sumalpok ako sa concrete dun sa gitna ng road pero gising ako.
Napunta ako sa kabilang side ng daan. Buti na lang may pulis that time tapos inasikaso agad ako. Nafracture yung left na binti ko, parang na Paul George ba. Pero mild lang. Dinala nila ako sa nearest hospital. Habang nasa mobile ako nila eh kakwentuhan ko yung isang pulis, tinatanong kung lasing daw ba ko or ano. Sabi ko hindi naman, galing kasi ako sa GF ko nun, anniversary kasi namin. Ayun, nagkwento yung isang officer na sabi nung nakaraang linggo lang daw eh may magkaangkas sa motor na bumangga daw din dun. Pero patay daw sila, buti nga daw ako eh okay. Bali lang.
Fast forward ulit. Okay na yung binti ko, BTW nadala ako sa Banawe na Ortho sa QC kasi dun daw may magaling. Edi okay na, pahinga na ko sa bahay nun. Mga 3 weeks after ako maaksidente every night may napapanaginipan akong batang babae. Unang gabi na panaginip ko eh nasa daang hari ulit kami, nasa bandang madamo. Nakita ko siyang tumatakbo palapit sakin, tapos nagising na ko. Second night eh siya ulit sa panaginip ko, this time eh nandito na sa bahay namin. Galing daw akong school nun tapos gabi na din ako nakauwi. Pagpasok ko ng bahay nakita ko siya nasa loob at pinapakain nila mama. Tapos sabi ko sino yan, sabi nila eh nakita daw nila sa labas at kilala ako kaya pinapasok nila muna. Pagharap sakin nung batang babae bigla akong napaatras kasi duguan yung mukha niya. Nagising ako bigla, nagdasal ako agad after nun.
Every night nagdadasal na ko nun. Ayun so far di ko na siya napapanaginipan. Tsaka every time na dumadaan ako sa daang hari, bumubusina na lang ako.
Rider. .
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation
RandomAng seryeng ito ay binubuo ng isaang daang kwentong kababalaghan, na hango sa FBpage Spookify. Kinolekta at ibinahagi dito sa Watpadd. Read, be scared and Enjoy! The English Stories for the latter chapters from FB group #DeadTimeStories and From FB...