Pintong hindi binubuksan.

10 0 0
                                    


Tumira ako sa bahay ng pinsan ko for almost 1 year. nagstay ako doon kasama sina mama at ate. Yung pinsan ko may pamilya, pero yung husband niya seaman kaya laging wala sa bahay, may 2 silang anak 4 and 8yrs old.

yung itsura ng house: Hangang 2nd  floor yung house, malaki at yung design ng bahay makaluma kasi yung bintana di-slide ,yung bintana pang panahon ng kastila. Sa baba, pagpasok mo, sala,kusina at banyo. Sa tabi ng banyo yun na yung hagdaan paakyat, may 2 kwarto. Isang malaking kwarto, katabi naman maliit na kwarto pero ginawa na naming bodega yun. Pag pumasok ka sa maliit na kwarto, may isang pinto na hindi binubuksan. Ewan namin kung ano ang nasa loob noon. Pati may ari ng bahay ayaw sabhin kung ano laman noon. (Nangungupahan lang kasi sila pinsan ) yung pinto niya may design na rainbow at teddybear. Kaya baka pang bata. So hindi na namin inusisa sa may ari.

Last 2013, hindi ko na tanda ang date and month. Around 12am. 4th year hs ako, nagrreview ako sa taas sa malaking kwarto. Ako lang magisa, sila pinsan kasi sa baba nattulog pati sila mama at ate. Naglalatag sila sa baba. Tulog na silang lahat .

Nakabukas yung pinto ko, tas nakatalikod ako sa hagdan habang nagbabasa. May naramdaman akong may naglakad sa likod ko papunta sa kabilang kwarto. Humarap ako para tignan, at medjo matapang pumunta ako sa kabilang kwarto at binuksan ko ilaw. Wala naman tao. Bumalik ako sa pagbabasa.  Nagising si mama at Biglang sumigaw sa baba
Sabi niya, "" ano bayan, aneng(hindi tunay na name) bat ba takbo ka ng takbo jan sa taas!"" Nagulantang ako sa sinabi ni mama. Tumaas balahibo ko. Kasi pano ako tatakbo  e nagbabasa ako, nakaupo lang ako. Marrinig kasi pag may naglalakad or what sa baba kasi ang lapag ng kwarto is kahoy lang. Kaya rinig talaga. Bumaba ako, takbo ako kay mama at tumabi para matulog. Hindi ko na sinabi kila mama.

My 2nd experience yung natulog kaming dalawa ni ate sa taas. Tabi kami sa higaan. Tulog na siya, ako kausap ko pa si boyfie sa phone. Around 2am na noon kaya tulog na mga kasama ko, ako na lang gising. Habang kausap ko si boyfie sabi niya sa kabikang line, ""may gising pa diyan e sabi mo wala na.""
Nagtaka ako sabi ko ""ha? Wala ako na lang. Anong oras na kaya. Baket ba.? "" tapos sabi niya ""may tumatawa kasing bata sa tabi mo""  natakot talaga ako. Kaya sabi ko kay boyfie wag siyang manakot. Pero Hindi naman daw siya nananakot. Kaya sabi ko mattulog nako.

3rd experience ko nung nilaro ko pamngkin kong 4yrs old. nagtagu taguan kami pero sa bahay lang. siya taya, so ako, nagtago ako sa taas, sa bodega, sa tabi ng pinto na hindi binubuksan. Biglang may kumatok sa pinto na yon, kinabahan ako pero hindi ko pinansin. Meron ulit kumatok kaya ako lumabas nako ako at umayaw na sa laro.

Marami pakong naexperience pati pinsan ko pero hangang dito na lang muna. Nacucurious lang ako anong nasa kabila ng pintong yun.

Aneng
Manila

Ghost Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon