"Nakatira ko sa Taguig City. Kalilipat lang namin nun sa isinangla na bahay samin. 10 kami lahat sa bahay kasama ang parents at mga kapatid ko pati narin yung apat kong pinsan. Panganay ako sa apat na mag kakapatid yung bunso ay mag tatatlong taon pa lang this march.
2014 ng september ng lumipat kami nun. May mga kakaiba na kaming nararamdaman at nararanasan simula ng lumalaki na yung kapatid kong bunso. Dahil 2 yrs old na. Sya ay marunong naring magsalita, bibo syang bata at masiyahin lahat ng bagay na nakikita niya sa isang tao ay mabilis nyang nagagaya. Samin sya nung 1 yr. old palang sya then nilipat sya sa probinsya. 6 months din sya dun.Pagbalik niya samin dec. Last yr. Ikatlong gabi pa lang niya nun samin , palaging gabi na kung matulog sya. Madalas around 11:30pm to 12am. Pag mga bandang 11pm na palagi syang pumupunta sa harap nang salamin sa bahay, kumakanta, basta paikot ikot lang sya dun at kung ano anong ginagawa. Parang nakikipaglaro sya. Isang beses tinanong sya ni papa kung anong ginagawa nya dun. Bigla niyang hinampas sa kamay si papa at sabi niya “ wag ka maingay pa, nagagalit sya"" sabay tulak kay papa palayo. Palaging ganun ang ginagawa niya.
Isang beses pagod si papa kaya maaga syang natulog at ako muna ang nagbantay sa kanya. Ganung oras pa din habang nanunuod ako sa sala pumunta nanaman sya sa may salamin. Hinayaan ko sya dahil alam kong palagi niya namang ginagawa yun. 11:20pm nauhaw ako at pumunta sa kusina. Madadaanan ko sya pag punta dun , nakapatong sya sa isang maliit na upuan nakatayo at may hawak na suklay. Nagsalamin muna ko bago ko pumunta nang kusina at pagbalik ko may napansin akong bakas nangmaliit kamay sa may bantang itaas ng salamin kamay ng bata at ang pinagtataka ko imposibleng ang kapatid ko ang gumawa nun dahil masyadong mataas yun para maabot niya kahit nakapatong pa sya sa maliit na upuan.
Kaya naisip ni mama na dalhin sa albularyo at ipatawas ang kapatid ko ang sabi hindi daw multo ang nakikipaglaro sa kapatid ko kundi isang demonyo daw.
Nakita ko na yung batang tinutukoy ng albularyo...
rein
Taguig City .
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation
RandomAng seryeng ito ay binubuo ng isaang daang kwentong kababalaghan, na hango sa FBpage Spookify. Kinolekta at ibinahagi dito sa Watpadd. Read, be scared and Enjoy! The English Stories for the latter chapters from FB group #DeadTimeStories and From FB...