"SEMINAR"
Ang kwentong ito ay totoong nangyari. Pinalitan lang ang pangalan ng mga karakter. Sinadyang hindi sabihin ang eksaktong pangalan ng hotel para nadin sa seguridad nito.
Ang kwentong ibabahagi ay karanasan, kasama ang mga ka trabaho nang umatend ng seminar sa isa sa mga pamosong hotel sa Ortigas, Pasig, City.
"Ang ganda naman dito sa hotel na to, sana hindi na matapos ang pag stay natin dito" ani Anna.
Si Anna ang tumatayong lider ng kanilang grupo na nakalagak sa room 13 na binubuo ng apat na kababaihan. Ang iba pa ay sina Carrie, Nin, at Inna"Pre, maganda dto sa hotel noh, pero parang ambigat ng pakiramdam ko sa kwartong ito, wika ni Ferdie, sya naman ang tumatayong lider ng kanilang grupo na nakalagak sa room 66 na binubuo naman ng apat na kalalakihan. Kasama sina Noy, Jejo at Bam.
Sa naunang dalawang araw na ginugol nila sa hotel na iyon, masasabing maayos naman. Nakilala din nila ang ibang kalahok sa pulong na iyon mula sa ibat ibang distrito at departamento. Kapag may oras, pumapasyal sila sa mga mall na malapit sa naturang hotel na iyon. Tawanan, kulitan halakhakan, ang namutawi sa kanilang lahat na magkakasama.
Ngunit nagbago ang lahat sa huling gabi ng kanilang pagtigil sa hotel na iyon. Ang dating tawanan, napalitan ng takot, ang halakhakan napalitan ng sigawan.
Room 13 ,Gabi. Katatapos lang nilang maghapunan. Nasa komedor si Inna at Nin. Habang nakaupo sa silya si Inna siya ay nag se-cellphone at si Nin ay napasigaw bigla
"ayyy! " . Napatayo si Nin at tinanong kung ano nngyari sa kanya. "May bumulong sa tenga ko, babae.. pero hindi ko maintindihan ung sinasabi nia pero ung boses nkakatakot".
Inalo sya ng huli at pinainum ng tubig."Tara na sa kwarto at makapagpahinga. Baka pagod ka lang. "
"Sana nga pagod lang ako, hindi kona kasi sinabi sa inyo na nung unang gabi, may humawak sa paa ko nung nkahiga na ako, tapos may humihila ng kumot ko, kaya nagising ako sa pakikipaghilahan sa akala kong isa sa inyong mga kasama ko, ngunit walang tao kung kayat pinilit ko nalang matulog kahit natatakot nko"
Lahat sila ay sama sama sa loob ng iisang kwarto. Nang sumapit ang mag aalas dose ng hatinggabi, naalimpungatan si Inna kung kaya't sya ay bumangon sa kanyang pagkakahiga. Lalabas sana sya ng kwarto ng makarinig ng ingay mula sa labas. Ingay ng mga upuang pabalik balik na kinukuha sa pagkakaayos sa harap ng lamesa. Ginising nya ang mga kasama nya para sabihin ang bagay na iyon. Sumenyas sya na wag maingay at pinakinggan nila ito. Tuloy tuloy ang ingay ng mga silyang iyon.. Nkaramdam sila ng takot. Naidikit nila sa pinto ang kanilang mga tainga, Nang may biglang kumatok ng sunod sunod at napakalakas. Napuno ng sigawan ang silid. Nag iiyakan na silang lahat. Tumahimik ang paligid. Akala nila ay tapos na.. Nang biglang may nagpatugtog ng radyo. Muli na naman silang nagsigawan sa takot. Hawak kamay silang umuusal ng panalangin.
Sa Room66: Nasa harap ng laptop si Bam habang nkaupo sa may komedor. Nang biglang may humila sa silya, (yung akmang may uupo) nagulat siya pero hindi nagtuon ng atensyon dito. Nang biglang padabog, na ibinalik ng kung anong nilalang ang silyang iyon na kalapit niya sa pagkakaayos. Dali dali siyang tumakbo patungo sa silid ni Ferdie.
Lingid sa kaalaman niya ay may hindi rin magandang naramdaman sa kwartong kinaroroonan ang huli.
Nagpapaantok noon si Ferdie. Nakahiga ito sa malambot na kama habang nkatitig lang sa kurtinang nsa kanyang harapan ng biglang may humawi nito mula sa gitna, ( yung may humawi sa kurtina pero wala namang tao) dahilan upang mapunta sa magkabilang gilid ang kurtina. Dali dali syang bumangon at tinungo ang pintuan. Pagbukas nya ng pintuan, nakasalubong nya si Bam na takot na takot. Naibahagi nila sa isat isa ang kanilang karanasan sa kwartong iyon.
Kinaumagahan, nagkasama sama sila sa hapag kainan. Habang nag aalmusal napagkwentuhan nila ang ngyari ng huling gabi at hindi nila inakala na lahat sila ay nakaranas ng nakakakilabot na pangyayari sa hotel na yun. Ngunit sila ay natutuwa dahil ilang oras nalang ay makakaalis na sila sa hotel na yun at makakauwi na sa kani-kanilang tahanan.
Nang paalis na sila, sinabi nila sa isang empleyado doon ang nangyari sa kanila tinanong sila kung anong room number nila,
" Room 13 at Room 66 po. ""No comment " ang naisagot ng empleyadong iyon sa kanila ng tanungin nila kung may naninirahan ba doong hindi nila nkikita?
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation
De TodoAng seryeng ito ay binubuo ng isaang daang kwentong kababalaghan, na hango sa FBpage Spookify. Kinolekta at ibinahagi dito sa Watpadd. Read, be scared and Enjoy! The English Stories for the latter chapters from FB group #DeadTimeStories and From FB...