Sit-In.

7 1 0
                                    


Teacher ako sa isang university dito sa Bulacan. Bale June 'to nangyare bago mag simula ang klase. Adviser kasi ako ng isang section sa high school, bilang adviser aq ang gagawa ng decoration ng room.

Nasa 2nd floor ang room ko. Around 6:00 pm na at medyo madilim na sa labas. Sanay naman ako na gumagawa mag isa. Sanay na din ako na kinikilabutan at nakakaramdam ng kaluluwa sa paligid since nature na yata ng family namin na nakakakita ng kaluluwa, aware din aq na my 3rd eye ako though matagal na nung huli akong naka kita. Akala ko nga sarado na 3rd eye ko.

Nasa bandang likuran ako ng room, putting some designs sa bulletin board.
Narinig ko na bumukas yung pinto  sa harap, paglingon ko my nakita kong dumaan. Inabangan ko na dumaan din sa kabilang pinto since 2 ung pinto ng room namin kaso walang dumaan so nagpatuloy lng ako.
Narinig kong sumara at bumukas ulit yung pinto.  Nag patay sindi yung ilaw.
Dinedma ko lang. Gumagamit ako ng glue stick non so my kandila din. Yung kandila nakalapag sa isang chair sa my left side ko. Iba na yung pakiramdam ko that time sa loob ng room. Alam ko na na hindi na ko mag isa. Narinig ko yung tunog ng mga arm chair sa likod ko para bang hinahawi, nagsimula sa unahan papalapit sakin yung pagkakahawi ng mga chair. Pinipigil kong matakot non. Ayoko mag panic pero sa isip ko gusto ko ng tumakbo. Nanigas na yung buo kong katawan at di aq makagalaw. Alam ko na nasa likod ko na sya. I started praying pero sa isip lang. Maya maya nawala na yung mabigat na pakiramdam. Nakahinga na ko maluwag at pinlano ko na bumaba. Nag start aq magligpit ng mga gamit ko kahit medyo nanginginig padin aq.
Di pa man din aq nakaka kalahati ng ligpitin nakita ko na umuwang yung pinto sa gilid ko, (student door located at the back of the room so malapit sakin) Nagsimula nanaman akong kilabutan. Hindi ko na nagawang umiba ng tingin kasi nanigas na yung buong katawan ko, kitang kita ko na my pumasok na batang lalaki. Naka white na sando at naka short. Malabo lng ung image nya pero kita ko na medyo maitim sya at madumi yung suot pati binti at paa nya madumi din. Para syang batang hamog or batang namamalimos na nakikita natin sa kalsada. Natatakot padin ako pero my parang kumurot sa puso ko upon seeing him . Siguro bilang teacher naawa ako sa itsura ng bata, hundi kasi ganon ung inasahan kong makikita.. Sa nakita ko mukang di nmn nya intensyon na manakot. Muka kasi syang naglalaro lang. Ni hindi nya nga ako tiningnan, pag pasok nya sa room dun sya tumingin sa black board pagtapos tiningnan din nya yung bulletin board na ginagawa ko then lumabas na ulit. Mata ko lang yung gumagalaw that time, sumusunod sa kilos nung bata. Nung paglabas nya feeling ko dun lng ulit dumaloy yung dugo sa katawan ko. Napatakbo ako palabas ng pinto pababa sa faculty. Hindi ko na nagawang ligpitin at patayin manlang yung kandilang ginagamit ko. Napadasal nalang ako na wag sana pagmulan ng sunog.. Kinabukasan bumalik ako sa room pero kasama ko na yung kapatid ko. Wala naman kasi akong choice kelangan ko talaga matapos yung decor ng room ko. Nakita ko yung kandila, kung gaano sya kahaba nung iniwan ko ganon padin sya. Hindi ko alam kung paano namatay kasi wala namang pumapasok na hangin sa room since aircon sarado ung mga window. Pasalamat nalang aq sa kung sino mang nagpatay nun.

Hindi iyon yung huling beses na nakita ko yung bata. My pagkaka taon na nagkaklase ako nakikita ko sya na lumalabas pasok sa back door. Minsan umuupo pa sa bakanteng upuan sa likod o kaya tatayo na nakasandal sa book shelf namin sa likod. Nakakatakot oo, pero nasanay nalang ako na nandun sya. Nakiki seat in sa mga istudyante. Minsan naiisip ko baka gusto nya mag aral kaya nandun sya.

Maestra .

Ghost Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon