5E

3 1 0
                                    

2016. 2nd yr College ako non. So dahil nga college student may mga shifting sa subject na di maiiwasan kahit regular student ka 6:00-9:00 pm ata sched namin non every Friday.

Sa school namin, 6 story-building plus rooftop na. Di kalakihan sa labas pero pag pumasok ka sa loob mahihilo ka talaga kasi andming pasikot sikot. Friday, ang last subject namin non is Philo2 (Philosophy 2) 6:00-9:00pm yun, pero magigising ka kasi yung prof is may katandaan na plus araw araw may pa recitation after ng discussion test agad.Buti medyo mabait si Tatang (prof namin). 2nd to the last subj wala ng prof so napaaga kami sa room ng Philo2 which is 5th floor Room E or 5E. Dahil sa ayaw naming mapahiya sa klase ni tatang, kaming tropa kanya kanyang bunot ng reviewer tapos basa basa. 5 kami sa right side kami naupo. 2nd row mula sa una sakto saming 5 na magtotropa yung bilang ng upuan sa isang row. Each side may tig 5 rows at 5 na upuan lang per row. Sa kaliwang side naman mga kaklase namin kalat kalat ng upuan. Meaning kami lang tao sa right side na katabi ng pintuan ng room. Madagdag ko lang yung rooms from 4th-6th floor noon is kahoy palang mismong mga rooms kahoy lang din kasi inaayos pa kaya maririnig mo kung may paparating talaga since maliit lang yung hallway at yung room ng 5e medyo nasa dulo na ng hallway. Given pa na tuwing friday kami na lang yung natitirang nagkaklase doon sa buong 5th floor.
So dakilang modelo kuno kaming estudyante kaya habang nagrereview kami antahimik lang namin tapos magtatanungan lang kung maghihiraman ng highlighter. May sarili kaming mundo kaya yung ingay ng mga kaklase namin sa kabilang side e parang wala lang until my unusual na hinihilang upuan sa likuran namin na maririnig mo talaga. Ako nung una sinawalang bahala ko lang pero yung tropa kong isa na nasa gitna namin kinakalabit na kami kung may naririnig din daw kami. So kami, kibit balikat lang since di naman nagtagal yung ingay o baka mga kaklase lang namin kasi nga naghaharutan sila. Balik review uli kasi ilang minuto na lang darating na yung prof. Pero yung tunog ng upuan para nangaggaling na sa mismong likuran namin e may 3 rows pa na bakanteng mga upuan na nandon medyo malayo kami sa dulo pero yung tunog akala mo sa mismong likuran lang namin. Sabay sabay kaming 5 napatingin sa likod non pero walang gumagalaw na upuan. Ang nakakapagtaka pa is bat kami lang nakakarinig yung mga kaklase namin tuloy lang harutan nila pero sa kabilang side namin. Medyo di na talaga kami makapag focus nun para na kaming tinakasan ng lahat ng nireview namin.

Dumating na si prof as usual na may dalang speaker at wireless mic nya, nakakadalawang discuss pa lang sya ng topic non ng makaamoy siya ng amoy bulaklak/ kandila daw. Then everytime na magpoproceed kami sa next chapter napapahawak siya sa batok niya. Parang malamig na may humahawak daw.  Nagdecide muna yung prof namin na mag early break na lang kasi medyo nahihilo siya, during break time, sa right side ng row nadagdagan na yung kasama namin yung huling row may umupo na don na 3 naming kaklase pero bakante pa din yung row3 at row4 na nasa likod namin. Kaming magtotropa nagkukwentuhan lang kami non at di kami bumaba para bumili ng pagkain ganun. So chika chika kami at yun na naman yung may humihilang upuan sa likod....

30 mins break pero 15 mins lang bumalik na agad yung prof namin at sa taas na niya kinain yun binili niya. Yung break time sulit yun. Yung iba kumakain, nagdadaldalan nagsasoundtrip o natutulog. Yung 3 na kaklase namin na naupo don sa pinakalikuran ng row namin nagsasoundtrip yung isa . Salpak yung earphone nya habang ngumunguya. Then bigla siyang natulala. Napunta kasi yung audio sa isang Voice record na walang title.  Yun nga nagplay yung Voice record na pinagtaka niya kasi wala naman siyang Record sa phone. Nung pinakinggan nya yung boses, boses ng babae na halos pabulong sabi don "Umalis na kayo... mamamatay ka. Mamamatay ka." Ganun lang paulit ulit hanggang sa pinarinig niya sa isa kong kaklase to confirm kung tama nga yung dinig niya.  Pinarinig din sa iba naming kaklase pati sa tropa ko, hanggang sa di na mapakali yung iba kaya sinabi na din nila sa prof namin tas pinakinggan din niya. Tumayo as in balahibo ni tatang non, hanggang sa hinanap nila yung record sa phone at pinabura pero ang nakakapagtaka walang nakasave sa record tapos hindi nabubura yung sa mismong player. Inoff at on nila yung phone pero nandon pa din. Hindi na nila alam ano gagawin kaya pinatay na lang ng kaklase ko yung phone niya.

Nagdecide na yung prof namin na umuwi na kaming lahat pero sabay sabay kaming lalabas ng room. Nagpray kami bago umalis ng room at may 4 sa kaklase namin ang nagpray over sa prof namin kasi baka sumama daw sa kanya or worst saniban siya then lumabas na kaming lahat maliban don sa 4 naming kaklase na nagpray sa prof. Pinagpray din pala nila yung Room. Base sa kwento nung isa sa 4 naming kaklase, Nakapabilog silang 3 (lalake silang lahat) then nasa gitna nila sa loob ng bilog yung babae kasi mas matindi yung faith niya. So habang nakapalibot yung 3 naming kaklaseng lalake don sa babae, habang pinagpepray daw nila yung nagpaparamdam sa room na yun may babaeng nakahawak sa binti nung isa kong kaklaseng lalake na pilit daw pumapasok sa bilog na gawa nila at pilit inaabot yung kaklase kong babae.

After the prayer medyo nanghina yung babae kong kaklase at kwento niya habang nagpepray sila nakita niya din daw yung feature nung kaluluwa na yun. Na parang gusto siyang kunin o saniban. Hindi alam kung justice ba yung hanap nun pero siguro kung hindi din malakas yung faith nung iba naming kaklaseng lalake baka nasaniban na yung kaklase kong babae o sila mismo.

P.S. Yung recordings di namin alam kung nabura pa siya kasi after that incident hindi na namin pinagusapan and lumipat na din kami ng room tuwing Friday non.

-Grey

Ghost Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon