Teacher Ed .

13 0 0
                                    


Way back 2014, I met this guy on social media, mukha naman siyang mabait at katiwa-tiwala, I’m from so called not-so-popular province here sa Pilipinas.

Fast forward. He became my friend, sobrang close namin sa isa’t isa. Madalas kami magkita kahit malayo ung location namin from each other. He is older than me, much older kasi teacher siya and I was like 18 yrs old. May nakkwento siya saking mga bagay bagay na nung una di ko maintindihan, but there is one story that captured me. More than 4 yrs. na siyang single at walang nililigawan, di naman siya panget. Sa katunayan nga gwapo siya at malakas ang appeal. He told me about her dead ex-girlfriend.

One night, while he is sleeping may kung ano daw na kumalabog sa kwarto niya at bigla siyang naalimpungatan. Akala niya pusa niya lang iyon kaya hindi niya pinansin at natulog na uli. Exactly 11:46pm, I remember it was the same time na namatay yung ex niya nang biglang may nakita siyang isang imahe ng babae na nakatayo in front of him. Hindi naman nakakatakot, mukha daw mapayapa ang mukja nito at mukhang harmless naman.

fast forward.  he is very kind. Sobrang bait sakin, para ko na siyang kuya. Akala ko hanggang sa pagkakaibigan lang pero one time umamin siya sakin na may gusto siya sakin, e kasalukuyan naman akong single non at walang inaalala. He begged, he always beg na sumama sa kanya. I always refuse naman.

But isang araw hindi ko alam, summer yon I was planning to buy some stuffs para sa project ko na ipapasa. Pagbalik namin sa school at hindi ko alam, sinusubaybayan pala niya ko. I just got shocked nang makita ko siya sa bookstore. At tanging naalala ko na lang noon ay nasa isang room kami, medyo malabo paningin ko kaya di ko masyado nakita buong detalye nung room. Nagulat ako nang makita ko na yung sarili ko na hubo’t hubad, medyo nagalit ako. He was just sitting beside me, ang angelic ng mukha niya at talagang mawawala ang galit mo pag nakita mo yon. Medyo madilim na sa labas that time, pagabi na kasi around 6:30pm na. Napansin ko na parang mapupundi yung ilaw, patay sindi na ito at nanghihina. Nagdamit ako, lumabas naman siya para bumili ng makakain, naiwan ako mag isa sa kwarto nang biglang natuluyang mamatay yung ilaw.

I opened my phone, at laking gulat ko nang makita ang isang babaeng duguan sa harap ko na nakatingin sakin ng masama,. Mukhang galit na galit at punong puno ng dugo, nakasuot siya ng white dress at nakapaa lang, ang matindi pa nito mga bes lumulutang siya. Hindi ako makagalaw, para akong naparalyze, tanda ko pa unti unti siyang lumalapit sakin, di ako makasigaw, walang lumalabas na boses. Hanggang sa pumikit na lang ako at pagmulat ko si Ed na yung nakita ko. Hindi ko kwinento sa kanya yon, umiwas na lang ako sa kanya. Pero since then araw araw na kong binabalikan ng babaeng nakita ko sa room, kahit sa panaginip.

I did some research about teacher Ed, nagtanong ako sa mga relatives niya. May naging girlfriend pala eto na namatay nung malapit na sila ikasal. Matapos ang pangyayaring un ay nadepress si Ed at humantong sa kung ano anong suicidal attempt ang ginawa nya. Simula noon umiwas na ako sa kanya, pinagdasal ko na lang yung kaluluwa ng ex gf niya. At sa awa ng Diyos ay nawala na siya, di na siya nagpaparamdam sakin, but itong si Ed until now nangungulit pa rin kahit may boyfriend na ako. Nabalitaan ko rin na lumunok siya ng mothballs. Sayang si teacher Ed, gwapo pa man din kaso may diperensya.

Sabrin M.

Ghost Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon