Ang kwentong ito ay hindi orihinal na akin, ito ay karanasan ng Tatay ko.
Kung kayo ay napapadaan sa C6 Road kilala nyo ang Dam bago magfloodway. Ang Dam na yun ay malapit sa kalsada at napaliligiran ng tubig. May mga bahayan sa unahan at bago magdam. May mga nagtitinda doon ng mga buhay na kambing, mga manok at mga isda. Noong naikwento ito ni papa ay hindi pa masyadong tinatao ang Dam na yun. Noon kapag sumapit na ang alas otso ng gabi ay wala nang nakikitang mga naglalakad na tao, di gaya ngayon.
Noong driver pa si papa ng trisikel ay madalas syang bumayahe hanggang alas Tres ng madaling araw dahil upang matutustusan ang pangangailangan namin. Madalas special ang mga ganap ng sakay ng tatay ko pag sapit ng 12 hanggang 3 ng madaling araw dahil mahilig syang maglagare.
Isang beses ay umuwi sya ng Alas dose ng gabi at pawis na pawis at takot na takot. Akala naman ay napaaway sya sa daan. Ngunit hindi. Pauwi na daw sya noon para kumain at bumalik uli ng may pumara sa kanya na babae sa Dam. Puting-puti daw ang suot nito at nakapaa lang. Hindi nya masyong naaninag ang mukha dahil medyo madilim. Tuwang tuwa daw siya dahil may sumakay na special at madadagdagan pa raw ang kita nya. Kaya kahit gutom na sya ay hindi nya tinanggihan ang pasahero nya. Sumakay raw ang babae sa loob ng sidecar at sinabing sa Villacuana raw sya. Hinatid na ni papa ang babae (Hindi mabilis si papa magpatakbo ng motor kapag gabi dahil natatakot syang madisgrasya).
Pagdating raw sa Villacuana ay hindi raw bumaba ang babae kaya sinilip ni papa ang loob ng kanyang trisikel. Nagulat sya na wala ang babae doon. Luminga linga sya baka nakababa na at di namalayan pero walang naglalakad ng mga oras na yun. Sobrang dismayado sya dahil akala nya ay natakasan sya ng pasahero nya pero naisip nya rin na baka tumalon kaya binalikan nya kung saan sila dumaan ngunit wala ang babae.
Kinabukasan, ay kinuwento nya ito sa mga kasama nya sa trisikelan at napag-alalaman nyang hindi tao ang naisakay nya sa trisikel kundi multo, dahil minsan na raw nasakyan ang mga kasama nya ng babaeng iyon at parehas ng papababa sa Villa Cuana. Kaya hindi naman si papa bumabyahe pag dating ng alas dose. Minsan raw pag dumaan ka pa rin sa Dam biglang bumibigat yung loob ng trisikel minsan sa backride daw sumasakay.
May kwento din ang kapatid ko nang dumaan sya dyan ng 11pm na ay biglang bumigat daw ang likuran ng kanyang motor na parang may sumakay sa likod. Wala syang angkas nun. Makailang beses ding nangyari Yung ganung eksena sa kapatid ko. Kahit hanggang sa panahon nato meron parin daw.
- Taurus
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation
CasualeAng seryeng ito ay binubuo ng isaang daang kwentong kababalaghan, na hango sa FBpage Spookify. Kinolekta at ibinahagi dito sa Watpadd. Read, be scared and Enjoy! The English Stories for the latter chapters from FB group #DeadTimeStories and From FB...