Ang Babae sa Kabilang Bahay

5 0 0
                                    

Maraming babae. Maraming babae sa loob ng bahay, mga nakaputing pangtulog. May isa 'kong nakitang babae, alam niyang mamamatay ang mga kasama niya. Silang lahat. Nakikita niya kung paano mangyayari at hindi niya alam kung paano pigilan ito. May namatay na sa isa sa kanila. Natagpuang patay sa kanilang kama. Para siyang nanghihingi ng tulong kaya naman nilapitan ko siya.

"Tulungan mo 'ko" usal niya habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.

Doon nagsimulang makita ko lahat ng nakikita niya, at ang huling huling nakita kong mamamatay ay siya. Pinagtataga at pinagsasaksak, hiniwa-hiwa ang kanyang katawan, karumal-dumal ang kanyang pagkamatay. Madugo. Makalat.

Nagising akong may hawak siyang pangtaga at isang kutsilyong mahaba. Umiiyak siya. Natatakot siya, ayaw niya pang mamatay. Hindi niya alam kung paano pigilan ang kanyang pagkamatay. Nagulat ako nang maging agresibo siya, hiniwa niya ang hita ko at doon nagsimula sumirit ang dugo mula rito.

Nagising ako.

Ngunit nakapagtataka dahil nandoon ang tita ko, ang mga lola ko.

Nasa bahay na ko namin.

Halos kumpleto kaming pamilya roon. Bumaba ako sa kusina, madilim pa rin ang aura. Gloomy, kumbaga. Kahit nakabukas ang ilaw parang ang dilim dilim pa rin. Lumabas ako ng kusina patungo sa garahe, may mga nakita kong lalaki nakaitim, habang tinitignan ko sila, hindi ko napansing may lumagpas sa 'kin na lalaki rin, hindi nila ako nakikita. Sumakay ang lalaking kalalabas lang ng bahay namin, at sumakay sa motor ng mga lalaking nakaitim.

Nagising ako.

Ulit.

At sa pagkakataong ito, gising na talaga ako. Habol habol ko ang hininga ko at naramdaman kong tinapik ako ng nanay ko.

"Nanaginip ka na naman?"

Isang panaginip. Isang panaginip sa napakaraming beses akong nanaginip ng tungkol sa mga kaluluwa. Mga patay na. Kung bakit ipinakita sakin 'yun nung babae? Hindi ko rin alam.

- VHA

Ghost Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon