Ako'y isang estudyante at nag oojt sa manila. Isa akong psychology student
Isang araw ako ay nautusan na pumunta sa isang facility na hinahawakan nung doctor na supervisor ko sa ojt. Pinapainterview niya si *******. Yung facility na yon nandoon yung mga may malalang kaso ng schizophrenia.
Nung naroon na ko hinanap ko yung attending nurse para maibigay ko yung order paper galing sa head ko. Pagkatapos kong ibigay sa nurse yung form naghintay na ko sa testing area para mabilis yung trabaho ko. Nakita ko na na may dala dala na si nurse na pasyente kaya alam kong sya na yun. Wala sa sarili. Nakayuko. Nakatali pa yung mga kamay nya. Malayo pa sila ng konti sakin nang biglang inangat ni patient yung ulo nya, tinitigan ako tyaka ngumisi. Nakakatakot sobra. Pagkatapos bigla syang tumakbo sakin at nabitawan sya nung nurse, ako naman sa gulat ko napatayo ako. Nung nasa tapat ko na sya, tumigil sya sa tapos yumuko ulit. Bigla siyang nagsalita.
""Sabi ng kasama ko papatayin kita. Kakainin ka naman tapos iinumin ko dugo mo. ""
Natatakot na ko... Disoriented si patient.
Pinaupo ko siya, pinaalis ko na yung nurse kase kaya ko naman.
Nasasagot naman nung patient yung mga tinatanong ko. Maagang natapos yung interview. Pero after namin matapos, hindi ko makalimutan yung sinabi ni patient ""Yung sinabi ko sayo. Papatayin kita. Handa ka na ba?"" tyaka sya tumawa ng malakas.. nakakabingi.
After ng duty ko nakagawian ko nang pumunta ng mall para kumain. Pagkatapos kong makaorder at kumain nagpahinga lang ako saglit. Nagffb lang ako sa phone ko at napatingin sa labas. Nakita ko sa labas ng bintana kase clear glass yun, si patient. Nakatayo at nakangisi na naman. Bilang alam kong nasa loob ng ospital si patient natakot ako ng sobra. Sa lamig ng mall pinagpawisan ako ng malagkit. Kinuha ko ang bag ko at dali dali akong lumabas ng fast food tyaka ko pumunta ng terminal. Sobra talaga akong natakot nun.
Inoobserbahan ko pa yung mga kasakay ko, baka andun na naman sya.
Nung nasa dorm na ko naligo agad ako at naghanda para matulog na. Kinandado ko lahat ng pwedeng ikandado kase natatakot pa din ako.
Mga 11 na ng gabi nang bigla akong naalimpungatan. Lumabas ako ng kwarto para umihi, common cr kase sa dorm ko. Pagkatapos kong mag cr pabalik na ng kwarto napatingin ako sa may veranda, sa 3rd floor kase yung kwarto ko. Nasa labas ng grills si patient. Duguan yung mukha niya tapos itim na itim yung mga mata nya, sa takot ko kinatok ko si Dex, kasama ko sa dorm. Kabilang kwarto ko medyo close na kami kaya kampante ako. Nang buksan nya yung pinto kaagad akong pumasok. Tyaka ako umupo sa likod ng pintuan nya.
D: Napano ka? Bat namumutla ka jan.
Ñ: Pre minumulto ata ako.
D: *Tumawa lang sya ng napakalas tyaka nya ko binatukan* Ginag*g* mo na naman ako.
Ñ: Bigla nalang ako naluha kase alam ko ng di sya maniniwala.Natunugan nya ata na seryoso ako. Kaya nagtanong sya ulit.
D: Seryoso ka pre.?
Natatakot na ko. Di ko na mapigilan umiyak. Kalalaki kong tao naiyak ako.
D: May kilala akong espiritista, tito ko yun at matutulungan ka nya. Bukas na bukas puntahan natin.
Dun nalang ako sa kwarto nya natulog nung gabi na yun. Pero di ako masyado nakatulog kase naiisip ko pa din yung nangyari kanina.
Kinabukasan.
Nagpunta nga kami sa may quezon para dun sa tito nya. Simple lang yung bahay ng tito nya. Simpleng buhay. Di pa man ako nagsasalita alam na ng tito nya yung problema ko.
T: May sumusunod sayo. Napaglalaruan ka.
Clueless akong napatingin kay Dex, sya naman halatang wala din alam.
Kumuha ng bond paper yung tito nya. Hinawakan nya yung kamay ko. Tapos nagchant ng latin. Di ko maintindihan. Pero alam kong latin yun kase may mga words na pang latin
Pagkatapos nyang magdasal, pumikit sya tyaka nagdrawing. Di sya dumidilat.. nakakaamaze. Nang matapos sya pinakita nya sa akin yung drawing nya. Naidrawing nya yung mukha nung patient ko. Di naman sobrang ganda nung drawing. Pero alam kong yung patient yun.
T: May kakambal yung tao na to. Maagang namatay yung kakambal nya.. sya yung nasunod sayo. Kunin mo yung papel na nasa loob ng uniporme mo nung araw na yun, sunugin mo tyaka ka magsaboy ng asin sa loob ng kwarto mo.
Nagtataka naman ako sa sinabi nya pero sinunod ko pa din. Pag uwi namin hinanap namin agad yung uniporme kong madumi. Sa bulsa sa likod ng pantalon ko may nakita kaming papel na nakatupi. Nang buksan ko may symbol na nakadrawing, bilog na dalawa. Sa loob ng isang bilog may parang letter S na naka higa. Tapos sa isang bilog may letter c na nakaslant tapos may straight line sa gitna. Sinunog namin kaagad yung papel tyaka ko bumili ng asin sa may tindahan sa labas nung dorm.
Hanggang ngayon kinikilabutan talaga ako sa nangyare. Pero di na ko ginagambala nung nakita ko.
On duty
*Chinito.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation
De TodoAng seryeng ito ay binubuo ng isaang daang kwentong kababalaghan, na hango sa FBpage Spookify. Kinolekta at ibinahagi dito sa Watpadd. Read, be scared and Enjoy! The English Stories for the latter chapters from FB group #DeadTimeStories and From FB...