Taxi

6 0 0
                                    

Nangyare ito lastyear kwento ng tito kong nagtatrabaho bilang taxi Driver.

Isang gabe daw nagiikot sya para humanap ng pasahero. May nadaanan syang babaeng nakaputi tas nakayuko malapit sa stoplight. Hinintuan nya yun tas tinanong kung sasakay sya pero di sumagot ang babae at sumakay na lang bigla. Pabor naman iyon sa tito ko.  Tinanong nya kung saan ang punta nito pero di sumasagot. Nakailang ulet na ang tito ko ng tanong pero wala padin. Pero may binigay ang babae na papel at doon nakasulat ang lugar. Pinaandar na ng tito ko ang taxi at tinungo ang lugar. Nagkakaramdam na si tito ng takot nun kase napakadilim na ng lugar tas bihira lang may dumadaan dun. Habang nagdadrive si tito eh nagkukwento sya sa babae, ngunit di sumasagot ang babae. Ng makarating na sila sa lugar sinabi ng tito ko na "Mam? Andito napo tayo" pero wala lang ang babae naisip nya na baka nakatulog lang kaya naman nagdoorbell sya sa bahay na nakalagay ang address na binigay nung babae. Tapos may lumabas na matandang magasawa. "Mam? Sir? Yung anak nyo po nasa taxi ko nakatulog po ata pakikuha napo sya" Pero pagbalik ng tito ko eh wala na ang babae kinabahan si tito nun ng sobra. Sinabi nya sa magasawa na may sakay talaga syang babae at mahaba pa nga daw ang buhok nito. "Ayos lang iho ito ang bayad. Hindi lang ikaw ang nabiktima ng anak ko. Sasakay sa mga taxi tapos pagpupunta nasa amin ang taxi driver biglang mawawala. Pasensya na iho sa istorbo ah? Ingat ka" at umalis na nga ang tito ko naisip nya ang nanay sya habang pauwi sya sabi nya "Paguwi ko ng Pinas. Dadalawin ko nga si mama miss nako nun e" pero laking gulat ng tito ko ng may bumulong sa kanya sabay sabing "Sige sasamahan kita"

-Gorg.

Ghost Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon