Kwento ng mga karanasan ko nung nag punta kami somewhere in Dumagete.
Kadadating lang namin non nakakapagod ang byahe. nag hanap muna ako ng mabibiling pagkain kase nagutom ako. sobra. Habang nag lalakad may babaeng nag abot sakin ng fried chicken kinuha ko naman kase mukha syang harmless. pero ang totoo gutom talaga ako. ahahah So ayun na nga, habang kinakain ko napaisip ako. ANG WEIRD lang kase fried chicken talaga ang paborito kong pagkain kahit siguro buong buhay yon lang ang pagkain okay lang sakin. pero isinantabi ko nalang yon kase kalasa yon nung fried chicken na niluluto ng nanay ko. Habang papunta sa sasakyan namin kinakain ko pa din yung fried chicken. Nagulat ako sa nanay ko kase mukha syang gulat na gulat pati yung kapatid ko para silang takot sakin. ""SAN KA GALING?!"" ""ANONG KINAIN MO?!"" ""ANONG NANGYARI SAYO?!"" ""KANINA KA PA NAMIN HINAHANAP!"" Ang dami nilang nasabi. nagulat ako kaya nakatulala lang ako sa kanila. sa isip ko ""Ang oOA naman, wala pakong 5 minutes nawala e"". Yun pala ang akala ko. Mag dadalawang oras na daw akong wala. pati uling pala yung kinakain ko. GRABE! KINILABUTAN AKO. Pag suka ko, puro itim! puro uling! napaiyak ako sa sobrang lito.
nung naka dating na kami sa Hotel na tutuluyan namin, tulala padin ako. parang ang bilis bilis ng oras. Nasa isip ko pa din yung maamong mukha nung babaeng nag bigay sakin ng akala kong fried chicken. ang dami kong tanong pero wala akong mapag tanungan. mababaliw nako. hindi ako maka tulog. Nung kinaumagahan iba na ang itsura ko. mukang lulong sa droga! IMBA! nag tanong tanong sina nanay don kung ano ang gagawin sakin. ibang ibang na kase ang itsura ko overnight lang. Sa pag tatanong nila, tinuro kami don sa parang albularyo.
tinanong ako ng albularyo kung kamusta daw ako, sabi ko okay lang. parang walang sakit pero gusto kong hanapin yung babae at pakasalan. Hinampas ako ng dahon sa binti. sa sobrang sakit muntik ko ng patulan yung matanda. tapos sinermonan nya ako sabi ""Hindi ka ba nakakarinig ng mga kwento tungkol dito? dapat hindi ka tumatanggap ng kahit ano sa mga hindi mo kilala"" tapos dinasalan ako ng hindi ko maintindihan saka pinainom nung mapait na medyo maanghang pero naisuka ko. tapos hinampas nanaman ako ni Lolo. timping timpi na ako. tapos nung pinainom ulit ako ang sarap na. ang dami kong nanom. nang hingi pa ako. tapos may tinapal sa tyan ko. kinabukasan, okay na ako. parang walang nang yari. mejo cute na ulit ako. ahahah tapos umuwi na kami agad. Hindi nako babalik don. nakakatrauma.
(Sana mabasa 'to nung nag bigay sakin nung ""Fried chicken"" na uling pala. PM mo kong hayuf ka. mag explain ka. ahaha teneme.)
Jed
Laguna .
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation
RandomAng seryeng ito ay binubuo ng isaang daang kwentong kababalaghan, na hango sa FBpage Spookify. Kinolekta at ibinahagi dito sa Watpadd. Read, be scared and Enjoy! The English Stories for the latter chapters from FB group #DeadTimeStories and From FB...