SAMPALOC DORMITORY

4 1 0
                                    


This happened around 2018.

Me and my friends were all reviewees, sa sikat na RC (Review Center) sa Sampaloc. So nagdorm kami, weekdays pasok at every other weekend uwi namin.

Pinalipat kami ng unit ng landlady dahil gawa nga na 6 sana kami sa isang room. So nilipat naman kami, nagustuhan namin ang kwarto kasi sobrang luwag tas marami pang CR sa labas ng room.

The next weekend umuwi ako at yung isang ka room si Sarah , naiwan si Tin (not their real names) sa room for 2 nights, tatlo pa lang kame sa room, so sya lang naiwan since nga umuwi kami. Pagbalik ko ng dorm walang tao sa room namin, nakita ko sya sa isang room kasama barkada namin, at nakwento nya na, the night ng alis namin, may nakita daw syang guy na nakaupo sa kama ni Sarah, so binaliwala namin baka guni guni lang. Hanggang sa dadating ngayon si Sarah galing province, nakwento uli, then nabanggit nya na the day nung tinignan namin kwarto, she saw a man at her back following her, same description nung guy na nakita nila. As in iisa lang nakita nila...

Ako naman lalabas pupunta sa kabilang unit, sa barkada ko, may nakita akong nakaupong lalaki sa hagdan katabi ng pinto nila, Kala ko new border, di ko pinansin. Tas tinanong ko sa barkada ko kung sino yon, biglang tumingin sakin si Jam (barkada ko) sabi nya "Te nakita mo?? So hindi lang ako? Walang lalaking border dito sa unit te, ilang gabi ko na rin nakikita yun, pero sabi nila wala talaga." Kinabahan ako. Di ko nga naisip unang nangyari e, so di ko binanggit sa mga ka room ko.

Same dorm, same room, same unit... Galing akong RC, 3pm nasa dorm na ko, so matutulog na ako. Mag isa ako sa kwarto, nakapatay ilaw, nakaharang yung twalya ko in case sindihan ng mga kasama ko ilaw e di ako magising at masilaw.  Pa tulog na ko, malapit na ko managinip, biglang may nagsabi saken na gumising ako, Di ko pinakinggan baka pinagtitripan ako nung katapat naming kwarto, tas di pa tumigil bumulong ng bumulong na palakas ng palakas saying "Bumangon ka! Bumangon ka! Bumangon ka!"

Sagot ko Natutulog ako di mo nakikita??!"  pagbangon ko walang tao sa room namin and nakapatay ilaw. Di labas ako ah. Paglabas ko nakita ko si Kuya Jay (Border sa katapat naming kwarto) Tinanong ko kung pumasok sya sa kwarto namin, hindi daw. Tas sabi nya saken" Bat ka sumisigaw kanina?"  .Tas tinanong ko kung ano narinig nya, di daw nya maintindihan pinagsasabi ko
Simula non di na ko nag patay ng ilaw
So ayun nagpatuloy yung nakikita naming lalaki, hindi na lang namin pinapansin. Tas hanggang sa naging lima na kami sa room. si Ate Chi(bagong ka room) may bitbit syang sarili nyang fan . Tas in the middle of the night yung fan nya biglang tumumba, gulat kaming lahat. 2 am yon at gising pa kaming lahat dahil nagrereview. Tas Kala namen nasagi lang nya. Pero takang taka na pala  si Jam(na taga ibang unit pumunta samen, para  magdidinner kaming lahat),  pagka lingon niya sa fan ni Ate Chi, bigla nanaman syang tumingin ng creepy sakin. Tas paglabas namin ng kwarto sabi nya sakin "Te nakita mo yung bata sa tabi ng fan ni Ate Chi?" Sagot ko hindi, pero madalas natutumba in the middle of the night yung fan nya. Tas nakita daw nya yung bata naglalaro sa tabi ng fan.

Sa room ng isa kong kaibigan sa unit sa 2nd floor,  pumunta kami. Pagpasok namin, yung atensyon ko nasa isang cabinet lang, di nya ginagamit. So binuksan ko, bulok at  amoy lupa. Tas tinanong ko bat di nya ginagamit, sabi nya saken creepy daw kasi ,tas kakaiba nga daw yung amoy, kahit anong iispray nya... May nakikita akong bata sa cabinet, same na bata nasa room namin.

Napauwi ako sa takot, kahit malapit na preboard namin. And inamin ko talaga lahat kay Papa at nakatatlong magtatawas kami dahil doon. Depression started to hit me after that incident....

- CELESTINE

Ghost Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon