Lanie Delos Santos's Pov
Ngiting-ngiti kong tinanggap ang inaabot ni Nina. Pinapabigay daw ni Ten.
Hindi naman araw-araw ang pagbibigay nya ng bulaklak o regalo saakin bilang panliligaw. At kahit sinabi ko ng hindi yun importante saakin binibigyan nya parin ako. Pero ang ikinatutuwa ko yung walang araw nyang paghatid saakin pauwi. Lalo na kapag nakakausap ko sya, personal man o text
Sa lahat ng ginagawa nya. Sumasaya ako at aaminin kong lalo lang akong nahuhulog sakanya
"Nasa labas sya, puntahan mo na" nanunukso pang tulak saakin ni Nina na ikinatawa ko ng mahina
Talaga? Pero bakit nya kaya pinaabot pa kay Nina ang bulaklak kung nanjan naman pala sya?
Kaya kahit nakaramdam ng kaba, pinili ko nalang tumayo sa upuan at lumabas ng classroom
Sakto din namang paglabas ko, nakita ko syang nakatalikod habang nakatingin sa baba. Since sa second floor ang mga second year high school
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti lalo.
Ang gwapo nya talaga, kahit nakatalikod.
Hindi ko maiwasang matawa sa naiisip
Hulog na hulog na talaga ako sa lalaking ito. Isang buwan palang syang nanliligaw at hindi ko pa sya napapakilala kila Mama. Pero gustong-gusto ko na syang sagutin
At sa tingin ko ok lang yun, I mean. Mahal na mahal ko naman sya..
Ramdam ko ang mabilis na pagtalon ng puso ko ng lumingon sya. At parang lalo pa itong bumilis ng ngumiti pa sya
Grabehan naman ang kagwapuhan ng lalaking ito!
"May klase pa ba kayo?" tanong nyang ikinaumid ata ng dila ko
Kaya umiling nalang ako
Ano ba Lanie?! Magsalita ka!
"Sakto, tapos na din kami. Punta tayong garden. May sasabihin ako" hila nya saakin, kaya wala na din akong nagawa kundi ang sumunod
Pero agad ding nag-init yung mukha ko ng makitang hawak nya pala ang kamay ko at hindi din ganun kahigpit ang pagkakahawak nya. Sakto lang. Tipong ayaw nya akong saktan. Pero hindi nya din ako papakawalan
Ay ano ba itong iniisip ko?!
Napailing nalang ako at pilit na tumingin nalang sa nadadaanan namin.
Kailangan ko talagang kalmahin ang sarili kapag kasama sya, para na kasi akong nababaliw sa saya. At parang masyadong halata yun
"Upo tayo" aya nya saakin paupo sa bandang sulok na sinunod ko din naman
Ay patay! Nakalimutan ko ang bag ko. Mukhang kailangan kong umakyat ulit mamaya pag-uuwi na kami
"Lanie, ayos kalang?" alalang tanong nya na nagpabalik saakin
"Um" tango ko "Naisip ko lang bag ko, naiwan ko kasi" natatawang kamot ko sa batok
Nakakahiya, pero ako nalang kukuha nun mamaya
"Kunin nalang natin mamaya" tawa nya din
Masayahin talaga sya kahit kailan. Isa sa mga nagustuhan ko sakanya kahit nung elementary palang kami at kumakalat pang si Viel ang gusto nila ni Kurt
Hindi ko alam kung totoo yun, pero aaminin kong naiinggit ako kay Viel nun. Lalo na at dalawa sa pinakagwapong lalaki sa school ang nagkagusto sakanya
Si Timothy at si Kurt. Magpinsan sila at parehong hinahangaan sa buong campus. Si Ten sa galing nyang sumayaw at si Kurt sa talino nya. Kaya sobrang saya ko ng makaibigan ko si Ten. Lalo pa akong natuwa ng umamin sya saakin at nangakong liligawan ako
BINABASA MO ANG
#2 CWS: Make You Stay
RomanceIf dreams do come true, then shouldn't I supposed to stay awake whenever I want?- Viel How do you make someone to stay with you? are you supposed to wait or do some things? or just simply say... "What do I gotta do to, Make You Stay?" * * * * * * *...