Marviel Kismet Chen's Pov
"Napapansin ko lumala yang sakit mo ah, may prinoproblema ka ba?" seryoso pero halatang nag-aalalang tanong ni Mira
Napatigil din naman si Kara sa pagrereview. Sila na ang naging kaklase ko. Since hindi na nga pumupunta dito si Ten. Madalang na din
Ginusto kong itulak sya palayo. Pero nung sinunod nya ako, nagsisisi naman ako. Hays
Dagdag pa kung paano ko tutulungan si Thomas. Since di pa tumatawag saakin si Daddy. I think he's too busy.
"Wala naman" pagsisinungaling ko
Hindi ko maiwasang mapahikab ng makaramdam nanaman ng pagkaantok
Nagmumukha na talaga akong seven dwarf ni Snow White nito eh!
"Sinungaling! Kitang-kita sa mga mata mo" pang-aakusa ni Mira
Nagtanong pa sya, di nya naman ako paniniwalaan
Dedepensahan ko na sana ang sarili ko ng tumunog ang speaker sa taas ng kwarto namin ni Mira
Mukhang may announcement...
(Announcement everyone, this is the Head Nurse of the Crazy Ward, Daisy Salamanca. Announcing that the crazy ward will have new patients. Please take care of your neighbors. That will be all thank you and goodnight)
New patient? That's new.
"May bago silang pinasok? Akala ko ba special ward natin to?" takang tanong ni Mira
Napatingin naman kami ni Kara sa isa't-isa at parehong napangiti
Haha! Mukhang katulad ko syang masaya sa nalaman ah
"Tara?" nakangiting aya nya
"Game!" masayang tango ko at bumaba sa kama, paunahan lumabas ng kwarto.
"Teka! Saan kayo pupunta? May quiz tayo para bukas" awat saamin ng epal kong kapatid ng akmang mag-uunahan na kami sa nurses station at humarang sa daan namin
"Para namang nagrereview ka. Kokopya kalang naman kay Kara" pang-aasar ko
Nakatanggap tuloy ako ng batok paglapit nya
Pag ako talaga nakatulog ng wala sa oras, isusumbong kong sya ang dahilan. Badtrip! Nauna na ako eh
"Sasama ako ang ibig kong sabihin, bwisit ka" irap nya sakin na ikinatawa ni Kara
Kaya sama-sama kaming tatlo na pumunta sa nurses station.
Since hindi nila pwedeng I-announce ang pangalan ng mga bagong pasyente, sa nurses station kami magtatanong
"Hi Ate Daisy" masayang bati ko sa pinsan ni Thomas na nurse na
"Hi Kis. Bakit kayo nandito?" Kis short for Kismet na tawag saakin ni Thom
"Alam mo na te, makikichika kung sino yung bago dito" pabiro kong sagot
Natawa din naman ito ng mahina
Sya ang head ng crazy ward since matalino din sya at maagang nakapagtapos ng nursing, malaki ang tiwala sakanya nila Daddy at Mommy. Pero hindi nila alam na sya din ang kakuntsaba ko sa mga kalokohan ko dito
"Wait, check ko names nila. Basta wag nyong ikakalat ah" paalala pa nitong tinanguan ko
Tinignan ko din ang mga kasama ko na tumango din
Kilala ni Ate Daisy si Mira, pero hindi si Kara. Kaya pinakilala ko na din sya dito
"Ollie Yoe Yadao at Xiera Santiago" turan ni Ate pagkatapos tignan ang computer nya
BINABASA MO ANG
#2 CWS: Make You Stay
RomanceIf dreams do come true, then shouldn't I supposed to stay awake whenever I want?- Viel How do you make someone to stay with you? are you supposed to wait or do some things? or just simply say... "What do I gotta do to, Make You Stay?" * * * * * * *...