Chapter 19: Illusions

0 0 0
                                    

Marviel Kismet Chen's Pov

"Hindi ka na daw natutulog ng hapon, Iha?" nag-aalalang tanong ni Doctor Ernestine

Narinig ko kahapong Einstein tawag sakanya nila Mira. Mga baliw talaga

Bata pa kasi ito. Siguro mas matanda lang ng konti kay Thomas. Psychiatrist namin sya dito sa Crazy Ward at mas mabait kay Doctor Cass

"I'm having trouble sleeping in the afternoon" tipid ang ngiting amin ko

"I see, at napapansin kong hindi ka din sumasama sa mga kasama mo dito sa crazy ward kapag may whole session kayo" dagdag nitong ikinayuko ko

"I don't want to bother them" pabulong na sagot ko pero mukhang narinig parin ni Doc

"Marviel, kaibigan mo lahat ng nandito. Kaya hindi ka magiging bother" sagot nitong tipid kong ikinangiti

I know, kaibigan ko sila. Kaya as much as possible ayoko na din silang mahirapan pa..

Hindi naman magagamot ang Narcolepsy kaya best way para matulungan sila ang ibigay ko kay Mira ang puso ko.

Kaya din nilalayo ko ang sarili ko sakanila. Kasi ayokong mahirapan pa sila kapag nawala na ako

Ngayon pa lang sinasanay ko ng wala ako sa tabi nila. Para hindi na sila mahirapan. At hindi na sila malulungkot kasi palagi naman akong wala..

"Well hindi muna kita pipilitin magsabi. But please take your medicines" buntong hininga ni Doc na ikinatango ko na lang

Nagpasalamat na lang ako at lumabas ng session room

Napaigtad pa ako ng konti ng paglabas ko nandoon na pala ang mga baliw

"Sinong susunod? Maglinya kayo ng maayos bawal sumingit, kasi magmumukhang singit" biro ko sakanila

Alam kong wala sakanila ang may susunod na session at ako ang hinintay nila dito.

"Viel..." malungkot na tawag saakin ni Zealan

"Zealan..." pabiro kong panggagaya sa tono ng boses nya, tsaka tinawanan ang sarili

Pero ni ngiti wala silang binawi.

Ang seseryoso naman ng mga ito

Napakamot na lang ako ng batok. Mukha kasing may gusto silang sabihin pero hindi nila masabi. Halata din ang pag-aalala sa mga mukha nilang alam ko na ang dahilan

Mukhang alam na nila ang plano ko. Pero wala naman na silang magagawa. Organ keeper naman talaga ako ni Mira eh.

Trabaho kong ibigay ang meron ako sakanya. Nasakto lang na puso ko yun

"Sige punta na ako sa kwarto ko at inaantok na ako ah" paalam at akmang takas ko ng may humawak sa braso ko

Pagtingin ko seryosong mukha ni Mira ang sumalubong saakin

"Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan, at kung pagbibigyan mo kami tutulungan ka namin" wala ang pagsusungit sa tono ng boses nitong saad

Pero kahit ganun hindi parin nakatulong sa sakit na nararamdaman ko ang sinabi nya.

Tulong? Paano?

Mababalik ba nila ang oras? Matatama ko ba ang pagkakamali ko? Kaya ba nilang bumuhay ng taong patay na?

Hindi naman diba? Kaya paano nila ako matutulungan?

Napailing na lang ako "I don't think you can, Sis. Pero ako kaya kitang tulungan" pilit ang ngiting sagot ko

#2 CWS: Make You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon