Marviel Kismet Chen's Pov
The day is gonna end soon. But before it did. I still have something to do...
Every time na may oras ako pumupunta ako dito para bisitahin sya. Para makausap sya..
Specially on days na hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang lumaban..
Kung dati palagi akong mag-isang bumibisita. Now I'm glad na kasama ko na ang pinsan nya...
Hindi ko alam kung binibisita nya ba si Ten. Pero hindi ko sya pwedeng pabayaan lalo na at death anniversary nya ngayon..
"Kismet?"
Napalingon ako kay Thomas na nag-aalalang nakatingin saakin
Binigyan ko sya ng tipid na ngiti para sabihing ok lang ako.
"Let's go!" hyper na aya ko
Gusto kong maramdaman na binibisita lang namin sya tulad ng dati kapag nakikipaglaro kami.
Akmang lalabas na din sya para pagbuksan ako, nang lumabas na din ako at nauna pang pumunta sa gubat. May malapit na beach doon at sabi ng kamag-anak nila. Sa dagat daw nahulog ang eroplano pagkatapos nitong sumabog.
Kaya din malapit sila sa dagat inilibing.
"Hey wait up!" rinig kong tawag nya na ikinatawa ko ng mahina
"Sorry. Gusto ko lang makapunta ng mabilis at baka bigla akong makatulog" palusot kong biro
Ngumiti din naman sya na parang sinasabing ayos lang.
Pero parang aatakihin ako sa puso ng lumapit sya at niyakap ako..
W-what the...
"I miss you.." I heard him whispered in my ear
Tumaas din ang buhok sa leeg ko nang maramdaman ang kamay nya sa bewang ko na parang mas hinihila ako palapit sakanya.
Ramdam ng buong katawan ko ang init ng katawan nya, at hindi ko maiwasang pagpawisan kahit malamig naman..
B-bakit mo ba ito ginagawa Thomas?!
Matutuluyan na akong magiging baliw kapag nagpatuloy pa ito!
Kaya bago pa magkatotoo yun. Gamit ang lahat ng lakas na meron ako, marahan ko na syang tinulak.
"T-Tara na. Baka lumalim pa lalo ang g-gabi" iwas ko ng mata ko ng makitang nalungkot sya
Ano ba kasing gusto nya at niyayakap-yakap nya ako?
Kanina pinagbigyan ko na eh.
"S-sige" parang pilit pang tango nya
Nauna pa syang maglakad saakin papunta sa puntod nila at umupo sa isa sa mga batong nandoon.
Mukha itong batang pinagdamutan kaya hindi na namamansin.
Napapout na lang ako sa inaasal nya.
Yung totoo?! Paano sya nakagraduate ng medicine sa ganyang pag-uugali?
Bahala nga sya jan!
Lumapit na lang ako pero umupo ako sa kabilang bato. Sa tapat ng gilid nya.
Kung laban lang ng isip-bata hinding-hindi ako papatalo no!
Napansin kong tinignan nya ako ng masama. Kaya tinignan ko din sya
"Ano?!" angal ko
Kung iisipin nyang mas malakas sya kasi lalaki sya. Pwes nagkakamali sya.
BINABASA MO ANG
#2 CWS: Make You Stay
RomanceIf dreams do come true, then shouldn't I supposed to stay awake whenever I want?- Viel How do you make someone to stay with you? are you supposed to wait or do some things? or just simply say... "What do I gotta do to, Make You Stay?" * * * * * * *...