Chapter 6: Court Her

1 0 0
                                    

Marviel Kismet Chen's Pov

"Inaantok ka nanaman?" nakangiting abot saakin ni Kara ng gamot ko

Kaya agad ko itong tinanggap at ininom

Tsaka tumango "Pakiramdam ko, ako na si Sleepy sa Snow White" biro ko habang humihikab

Mahina naman syang natawa

"Hindi mo ba nalalabanan yung antok?" mukhang curious na tanong nya

Si Kara ang kasama ko ngayon, since may check-up si Mira. Ewan ko ba sa dalawang to. Kaya ko namang mag-isa. masyado akong bini-baby

"Minsan oo, madalas hindi. Lalo na kapag may problema" honest na sagot ko

Kumunot ang noo nya sa sinabi ko

"Ano namang problema ang iniisip mo?"

"Kung ano-ano. Minsan iniisip ko yung mga kaibigan ko sa labas, sila Mommy at Daddy. Si Mira" medyo nalungkot kong sagot ng maisip ko nanaman si Mira

She may look tough, pero alam kong natatakot sya. Lalo na at wala pa syang donor. Pareho nga sila ni Kara kaya yun ang kinatatakutan

"Ano nga palang blood type mo?" pag-iiba ko nalang ng usapan

Well may connection parin naman, since tinatanong ko para matulungan ko syang humanap ng donor

"Type O. Ikaw?"

"A" nanghihinayang na sagot ko

Sayang. Hindi kami pareho. Pero alam ko pareho kami ni Mira. Yun lang hindi ko alam kung match ang puso namin, at dapat ata nasa 18 kami kung magiging donor nya ako. Kaya medyo matagal pa

"Kung nagbabalak kang ibigay ang puso mo sakin, tigilan mo yan" may halong pagbabantang turan nito

Kaya mahina akong natawa

Hindi ko alam na magaling palang magbasa ng isip ang isang ito. Pero sorry sakanya, kasi kahit gusto ko. Hindi pwede

"Hindi tayo pareho ng blood type, so kay Mira nalang" pabiro pero totoong sagot ko

"Aray!" daing ko ng batukan nya ako

Ang sakit nun ah!

"Anong kay Mira?! Tigilan mo sabi yan!" parang nanay na sermon nya

Natawa nalang ulit ako

Hindi ko iniexpect na ganito sya eh. May pagkastrikta, pero hindi naman nakakatakot. Nakakatawa nga sya kasi hindi sya marunong magalit

Well sa sinabi nya, ititigil ko lang ang plano kong yun kung sakaling sasabihin ng mga doctor saakin na hindi pwede

Afterall. Yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Since yun ang trabaho ng isang organ keeper

Napailing nalang ako sa naisip at nagchange topic nalang, ayoko namang maistress saakin tong si Kara. Kaya dapat masaya lang. Natutuwa din ako kapag hinahampas nya ako kapag niloloko ko sya. Hindi talaga nya kayang magalit. Hahahaha!

Natigil lang kami saglit ng may kumatok sa pinto at dumungaw doon si Lanie na ikinangiti ko

Syempre pinakilala ko na sya kay Kara na agad ding nagkasundo.

"My turn!" ngisi ko ng saktong tumapat saakin ang bote

Parang truth or dare yung nilalaro namin, pero imbes na yung tatapatan ng bote ang tatanungin, sya ang magtatanong. Kumbaga binaliktad namin. And we can choose whoever we want

#2 CWS: Make You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon