Chapter 7: Treat Me Better

1 0 0
                                    

Marviel's Kismet Chen's Pov

"Uuugh!!" I groan in so much frustration, habang ginugulo ang magulo ko ng buhok

"You can do it, Queen!" Ten cheered to me like an idiot

Damn!

Why did I even agreed to this deal?! Alam ko namang hindi ko kayang sumayaw!

Oh right, it's for his own good.

Nakakainis lang kasing ang sumayaw at kumanta pa ang hiningi nyang kapalit, para ligawan nya si Lanie o Mira.

"Can't I just sing?" Pacute na hirit ko

Baka magwork

"No, mahirap din naman tong ipapagawa mo" pabiro pero alam kong seryoso sya dun

Kaya napabuntong hininga nalang ulit ako

"Wag kang mag-aalala, magsusuot ka ng maskara para walang makakilala sayo" pakita nya sakin ng maskara na red

Yung matatakpan lang yung upper ng mukha ko, at parang masquerade ball.

"Hindi naman talaga nila ako kilala dun eh" tawa ko nalang

Para namang may makakakilala kung sino talaga ako, wala kaya akong kaklase doon, tsaka sila Thomas at Ten lang ang kaclose ko sa school namin

"Sira, hindi mo man sila kilala, ikaw paniguradong kilala nila" sagot nya na ikinakunot ng noo ko

Huh? Eh paano naman yun. Hindi kaya ako famous

"Hindi ka kasi namamansin kaya hindi mo nakikitang maraming ngumingiti sayo sa school natin. At marami sila ngayon sa school kung saan ka magpeperform. Kaya kakailanganin mo to"

Nanlaki ang mata ko

Seryoso? Ay baka akala nila snob ako. Kahit ang totoo malabo ang mata ko kaya hindi ko nakikita ang bumabati saakin

"Nakikita mo naman palang ngumingiti sila, di mo ako sinabihan" hindi ko mapigilang mapangiwi

Ayoko kayang may makaaway. Mas mabuting kahit hindi ko sila kilala, kaysa may kaaway ako

"Alam naman na nila yun, nakikita ka naman nilang nagsasalamin" tawa nya lang, kaya hinampas ko sya

Gago din talaga to eh!

Pero atleast bumalik kami sa dating walang awkward, haha!

------------------------------------------------------------------

"Ready kana?"

"Ready na mapahiya? Sure!" sarcastic kong ngiti

Natawa sya na inirapan ko

Sinuot ko na yung maskarang binigay nya at huminga ulit ng malalim

Pang-ilang beses na akong humihinga ng malalim, pero hindi parin mawala-wala yung kabang nararamdaman ko

Napaigtad ako ng maramdamang niyakap nya ako mula sa likod

"Timothy..." may kaunting panunuway na tawag ko

"Please let me do this, kahit ngayon lang" lalong humigpit ang yakap nya, pero hindi ako nasasaktan. Para ngang iniingatan nya ako

Ramdam kong mas bumilis ang tibok ng puso ko, pero hindi na dahil sa kaba. Nakagat ko nalang ang ibabang labi para wag umiyak

Alam kong nasasaktan ko sya sa nirequest ko, pero para din naman sakanya to eh.

Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman nya, tapos may sakit pa ako. Minsan naiisip kong deserve ko ngang magkasakit ng ganito, kasi masama ako.

#2 CWS: Make You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon